CHAPTER 35: EVIL/ANGEL PLAN!

3.2K 72 8
                                    

[ANGEL'S POV] 

Papunta ako ngayon sa tambayan ng dreamguyz, mang-iinvade lang naman ako dun kahit halata namang hindi ako dun welcome. Basta makakolekta lang ako ng mga information about kay Kurt, my love.  

Wala naman akong pakialam kung may girlfriend na si Kurt, madali ko lang silang mapaghihiwalay. Madali ko lang siyang maaagaw. Nakatakda na kaya kami para maging mag-asawa. Kahit ayaw nya pa akong maging asawa ay wala siyang magagawa. 

That's my evil plan na di ko pa pwedeng ibunyag este angel plan since my name is Angel. Bwahaha. *evel laugh* I mean *angel laugh* 

I am too pretty to be evil, ya know!

Nasa may pintuan na ako ng marinig ko silang nag-uusap. 

"Oo pala, yung sasakyan natin is yung land cruiser ni Alex at Drew. Okay ba yun ha? Wag na kayong magdala ng sportscar dahil as far as I know, batuhan ang dadaanan kaya kawawa lang ang kotse nyo," narinig kong sabi ni Ikey. "Isang van hindi kasya satin eh at for sure madaming makikisabit." 

Napangiti ako. So, may pupuntahan pala sila. Wether they like it or not, sasama ako. Di naman nila ako mapipigilan. Like. Duh! 

"Wag kang magdadala ng babae mo, Ikey." Landon 

"Meron ba ako nun?" Ikey 

"Madami." sabay sabay na sabi ni Tim, Dave, Landon and Brayden. 

Kahit pa bawal magdala ng babae, ay naku! Sasama pa rin ako. Kung ayaw pa rin nila akong isama eh di susunod ako. May kotse naman akong akin at wala akong pakialam kung masira pa ang kotse ko dahil sa batuhan ang dadaan. Afford naman ni Lolo, my dear, ang bagong kotse. 

"What was that?" nakarinig ako ng boses ng babae. 

Akala ko ba bawal ang babae dito? 

"Don't mind them." Ikey. 

Binuksan ko ng maliit ang pintuan at sinilip kung sino yung babae. Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino yun. Girlfriend yun ni Kurt at ano naman kaya ang ginagawa nya dito eh wala naman si Kurt ngayon. At nakaakbay pa si Ikey dun. Ang landi talaga nya. Sarap isubsub ang mukha sa cactus. I really hate that girl hindi lang dahil sa girlfriend siya ni Kurt. Mainit lang talaga dugo ko sa kanya. 

Naramdaman ko na nagvibrate ang cellphone ko kaya nagmamadali na akong bumaba. Tama na nalaman kong may pupuntahan sila at malandi ang babaeng yun. Binilisan ko ang pagbaba ko para maabutan sa cafeteria si Kurt. Yung alarm ko is yung break time ni Kurt. Alam ko ang buong schedule ni Kurt magmula sa office works hanggang dito sa school. I have connection sa office kaya nakukuha ko ang schedule nya. Nawalan lang ako ng update sa schedule nya last week. Nag-leave siya eh. 

Humihingal pa akong nakarating sa cafeteria. Ang layo kaya nung tinakbo ko dahil nasa kasuluksulukan na yung building kung saan sila tumatambay. Sigurado ngang may namamalagi na dung multo. 

Inayos ko muna ang sarili ko. Kinuha ko ang pressed powder sa may purse na lagi kong dala dala. Nag-apply ako nun para hindi oily ang napaka mala-anghel kong face. Nang matapos ay yung lipstick naman. Para hindi ako mukhang bangkay. 

Dinouble check ko muna ang mukha ko at nakangiti akong pumasok sa cafeteria and here he is. Nakaupo habang may juice sa table. Hawak hawak ang cellphone nya. 

"Hello, Kurt!" bati ko sa kanya ng makalapit ako at umupo ako sa may table nya, dun sa tapat nya. 

Tipid lang ngumiti sakin si Kurt. 

Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon