[SON'S POV]
Pumasok kami ng nagpakilala kong Lolo daw sa loob ng mansyon, ang laki kasi nun para tawaging bahay lang. Namangha na naman ako sa loob. The texture of the floor, ang mga carpet na nakalatag sa floor, sala set, even the chandeliers are stunningly beautifu;, sobrang match ng color. Yung hagdan, kahit tingnan mo lang ay mahahalata mo na agad na pinagkagastusan. Makikita sa paligid ang mga pinto ng iba't-bang silid.
Ayoko atang mag-isa dito at baka maligaw ako sa sobrang laki.
Wow lang! Ang ganda! Dito ba talaga ako titira? O nananaginip lang ako?
Apo ba talaga ako ng nagmamay ari ng bahay na to? Baka naman mayordomo lang ang Lolo ko daw.
"Ang ganda po ng bahay nyo at mga kagamitan nyo," sabi ko kay Lolo ko daw.
"It was all for you, my dear." nakangiti netong sabi.
"Nagkita na po ba tayo dati?" bigla kong tanong. Para maconfirm lang na nakilala o nakausap ko na siya. Baka kasi familiar lang siya dahil nakita ko na siya bago ako magka-amnesia.
Speaking of amnesia, until now. I can't believe that I am suffering from amnesia for a long time. Akala ko sa mga nababasa o napapanood ko lang nangyayari yun.
"Yes, Apo. I went to your school just to see you and I am so fortunate to saw and talked to you. I was so happy at that time, especially when you called me Lolo." may naaninag akong luha sa gilid ng mata ng Lolo ko daw.
Napaisip naman ako. May natatandaan akong nakausap ko dating matanda pero hindi ko na tanda ang mukha neto.
"Kayo po yun? Medyo hindi ko na po tanda eh." nakangiwi kong sabi at napakamot pa ako sa ulo ko.
"Yeah." nakangiti netong sabi. "Can I hug you one more time?" inilahad neto ang dalawang kamay at niyakap ko naman si Lolo ko daw. "I just missed you, Colleen. I never thought I can hug you again like this. You were so little at that time when I last saw and hug you. I thought it will never happen again. I thought you're dead. But thank God for keeping you alive and making you a beautiful woman just like your Mom."
"Kamukha ko po ang Mom ko? May nagsasabi po kasi na kamukha ko daw po ang Mama ko." yung Mom is yung tinutukoy ng Lolo ko daw at yung Mama is yung Mama kong nakilala.
"Your eyes and lips came from your Mom. Napalapit kasi ng Mommy mo sa akin simula noong maging sila ng Anak ko na Dad mo." nakangiti netong sabi at kumalas na ng yakap sa akin. "Come, ipapakita ko sayo ang room mo."
"Sige po." sang-ayon ko. Marunong naman palang magtagalog si Lolo ko daw. Akala ko eenglishin ako forever eh. Muntik na akong manosebleed.
Papaakyat na kami sa sosyal na hagdan. Napatingin ako hanggang sa dulo. Ang taas naman. Dapat may elevator sila.
BINABASA MO ANG
Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)
Romansa[COMPLETED] Book II of MR. DON'T-KNOW-THE-NAME you must read the MDKTN first before this para maintindihan niyo ^^ --- Ang magmahal at mahalin ng taong mahal mo ang isang bagay na pinakamasarap na feeling sa buong mundo. Pero ano ang gagawin mo kung...