[ANGEL'S POV]
I already packed my things. Nailagay ko na yun sa maleta ko. Nag-iisip pa ako ng madadala at baka may nakalimutan ako.
"ah! Swim-suit!" muntik ko ng makalimutan.
Pumunta ako sa closet ko at namili ng swim suit. Yung sexy ang pinili ko. Malay natin maakit sa maganda kong katawan si Kurt KO. Napangiti ako sa naisip ko.
Nang maiayos ko na ang mga dadalhin ko ay hinila ko na ang maleta ko.
Kailangan kong maabutan si Ikey, magkatabi lang kami ng bahay. Hindi pa ako nagsasabi sa kanila na sasama ako kaya dapat mauna akong lumabas ng bahay.
Nakatayo lang ako sa tapat ng bahay nila Ikey, walang mga gate ang bahay sa Village kung saan kami nakatire, habang iniintay si Ikey na lumabas ng bahay.
"Ang tagal naman nun!" reklamo ko. Nangangalay na ako sa pagtayo eh. Nakaka-fifteen minutes na rin akong nakatayo.
Dahil hindi na ako makapaghintay ay kinuha ko na ang cellphone sa shoulder bag ko at sinimulang idial ang number ni Ikey. Ang tagal ng lalaking yun!
-tot-tot-tot-
Hindi sinasagot ah! Don't tell me, naiwan na ako. It can't be! Dinial ko ulit ang number ni Ikey.
-hello? Sino to? Mamaya ka na lang tumawag. Okay?
"Ikey!" ubod lakas ko na sigaw. Bababaan pa ako n lalaeng ito wah!
-sh*t!
Narinig kong napapamura si Ikey sa kabilang line. Bagay lang yan sa kanya! May balak pa akong babaan ng phone eh. Buti nga sa eardrums niya.
-ano bang kailangan mong babae ka!
Inis niyang tanong sakin. Magsasalita sana ako ng makita kong lumabas siya habang hawak sa isang kamay ang cellphone at ang isa ay bag pack na hindi pa manlang niya naizizipper. Hindi pa ako napansin.
"Ikey!" tawag ko nalang sa kanya at binaba ko na yung phone ko. Tumakbo ako papalapit sa kanya.
Inirapan lang ako. Walang hiyang lalaki!
"Bakit ha!?" singhal nya sakin. "Saan ka pupunta?" napansin nya ang hila hila kong malita.
"I'm coming with you!" nakangiti kong sabi sa kanya.
"Ano!? At sino namang nagsabi na pwede kang sumama ha?"
BINABASA MO ANG
Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)
Romance[COMPLETED] Book II of MR. DON'T-KNOW-THE-NAME you must read the MDKTN first before this para maintindihan niyo ^^ --- Ang magmahal at mahalin ng taong mahal mo ang isang bagay na pinakamasarap na feeling sa buong mundo. Pero ano ang gagawin mo kung...