CHAPTER 49: HAPPY...

3.9K 80 4
                                    

[SON'S POV] 

Busy kaming dalawa ni Bii sa nalalapit na midterm, di ko lang alam kung ganun din sila Miku. 

Hindi ko siya nakakausap ng matagal eh, nakakatulugan niya kasi ako minsan kapag magkausap kami sa phone. Naaawa nga ako kay Miku dahil nga sobra siyang napapagod sa office and school. Kung pwede lang tumulong sa kanya eh di tumulong na ako. 

"Bii, mag-apply kaya akong PA ni Hubibi o kaya secretary, what do you think?" tanong ko kay Bii na busy sa kanyang Auditing Problem Book. 

"Ano na namang kalokohang naiisip mo?" balik na tanong sa akin ni Bii. 

Napapout nalang ako. "Hindi naman yun kalokohan, Bii. Namimiss ko lang kasi si Miku. Hindi ko nga siya nakakasama, minsan lang kapag may free time siya o kaya kapag wala silang Prof. Hay!" napabuntong hininga na lang ako. 

Tumingin sa akin si Bii at sinara niya yung pagkakaopen ng book niya. 

"Bakit kasi siya ang napili mo? Pwede mo namang hiwalayan kung nahihirapan ka sa sitwasyon niyo, di ba? May ibang tao namang naghihintay sayo." 

"Bii!" napasigaw ako dahil sa pagkabigla sa sinabi niya, "ano ba yang sinasabi mo? Hindi naman ako nahihirapan. Ang sabi ko lang ay namimiss ko siya." 

"Makasigaw ka naman. Nagbibigay lang ako ng suggestion kung paano mawawala pagkamiss mo sa kanya." 

"Bii naman! Para kang ewan. Alam mo namang si Miku lang ang gusto ko tapos magsusuggest ka ng ganyan." Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Bii. 

"Hay!" napabuntong hininga na lang si Bii at inopen ulit ang book. Nagbabasa na ulit siya. Hawak hawak niya na rin ng calculator niya. 

"Wala pa nga kaming isang bwan na totoong kami tapos hiwalayan agad? Aasawahin ko pa yun." 

Hindi na nagsalita si Bii kaya naman inabala ko na rin ang sarili. Naghalungkat ako ng mga papeles, choss. Yung mga quizes ko. Yun yung babasahin ko. 

"Bii, may mga right answer ka ba yung mga quizes natin sa Auditing?" tanong ko kay Bii. 

"Wala eh, magbasa ka na lang din ng ganito," sagot ni Bii ng hindi tumitingin sa akin. 

"Eh, ang dali dyan sa book, pagdating sa exam ang hirap na," nakapout kong sagot. 

"Tanong ka sa mga classmate natin." 

"Okay." suplada ni Bii. I wonder kung ganyan din ba siya kapag sila ang magkasama ni Dave. 

Tumayo nalang ako at pinuntahan kung saan nakaupo yung iba kong classmate. Kaso, puro wala din silang sagot. 

Laglag ang mga balikat ko na bumalik sa pwesto ko. 

Kinuha ko nalang ang cellphone ko at tinext si Hubibi. Baka lang naman magreply, hanggang text lang ako dahil baka makaistorbo ako kapag tinawagan ko siya. Hindi ko din kasi alam schedule niya sa school. Ako yung girlfriend na sa sobrang laki ng tiwala sa boyfriend ko ay hindi ko na inaalam ang mga activities niya. 

Me: Miku? 

Ilalagay ko na sana ulit sa loob ng bag ko ang cellphone ko magbeep yun. Ang bilis naman ngayong magreply ni Miku. Nakakapagtaka din kasi kapag tinetext ko siya ay tatawagan niya na lang ako. Minsan lang siya magreply tru text. 

Hubibi: yes Princess? 

Nakangiti akong nagreply. 

Me: wala lang, hehe. I just missed you. 

Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon