CHAPTER 06: I THOUGHT...

4.2K 112 8
                                    

[SON’S POV]

Hay! Wala na namang magawa yung mga binatang nilalang na kapitbahay namin at sa labas na naman ng bahay nila nag-gigitara. Sanay na ako sa mga lalaking yun kaya okay lang at magaling naman sila eh. Tsaka may mga itsura naman yung mga nilalang na yun pero mas gwapo pa rin si Hubibi para sakin.

Inayos ko na ang pagkakahiga ko para makatulog na.

There I was again tonight forcing laughter, faking smiles

Same old tired, lonely place

Walls of insincerity

Shifting eyes and vacancy vanished when I saw your face

Napaupo ako sa kama ko. Ang galing naman. Favorite and theme song pa namin ni Hubibi. Sana si Hubibi nalang yung kumakanta nun.

♫ All I can say is it was enchanting to meet you♫

Wait! Parang boses ni Hubibi yun ah?

Napangiti ako! wahh! Ginawa ba yun ng Hubibi ko yung sinabi ko sa kanya? Liligawan niya na ba ako? haharanahin na niya ba ako?

Napatayo na ako sa kama ko at kinuha ko ang salamin ko na nakapatong sa may bed side table. Nagmamadaling pumunta ako sa may bintana ng kwarto ko.

Hinawi ko ng konti yung kurtina.

♫♫ Your eyes whispered "have we met?"

Across the room your silhouette starts to make it's way to me  

Nawala ang pagkakangiti ko. yun lang kasing mga kapitbahay ko ang kumakanta sa may tapat ng bahay namin.

Sobrang disappointed ako. Akala ko kasi talaga si Hubibi yun eh. Naghahallucinate lang ata ako kaya narinig ko ang boses ng Hubibi ko.

Hindi talaga siguro yun gagawin ni Hubibi.

Bumalik ako sa pagkakahiga ko na malungkot ang face. Kinalimutan na ata ako ng Hubibi ko.

Nawala na ang antok ko kaya kinalikot ko nalang ang cellphone ko. mambubukabog nalang ako ng ibang tao.

Naghanap ako ng numbers na hindi magagalit sakin kapag tinawagan ko.

Rriiinnggg...

Rriiinnggg...

[hello?]

“hello Ikey-baby!” sagot ko at medyo nilakasan ko rin ang boses ko dahil maingay sa kabilang linya.

[oh Son-baby!? Bakit napatawag ka?] sigaw sa kabilang linya ni Ikey.

“Busy ka? Sige next time nalang.” Sabi ko nalang. Nasa bar ata si Ikey. baka nakakaistorbo na naman ako ng ibang tao.

[wait lang Son-baby hindi kita marinig. Labas lang ako.] sigaw ulit ni Hubibi at nawala na akong ibang narinig sa kabilang line kung hindi malakas na music at pinaghalo halong ingay.

Hindi na ako nagsalita at hinintay ko nalang si Ikey.

[Son-baby? are you still there?]

“yap Ikey-baby. hindi ba ako nakakaistorbo sayo?”

[hindi naman. Bakit ka pala napatawag?]

“wala kasi akong makausap eh.”

[boyfriend mo Son-baby? bakit di mo siya tawagan? Eh kasama ko lang siya dito. Naiwan ko nga siya sa loob ng bar.]

Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon