[IKEY'S POV]
Nasaan na ba yung Son na yun? Kanina pa ako paikot-ikot sa mall kahahanap sa kanya.
Flashback**
"Ikey?" narinig kong tawag sakin ni Son.
"hmn?" tanong ko lang ng hindi lumilingon. Nasa kalagitnaan na kasi ako ng nilalaro kaya hindi dapat alisin ang pagkakatingin sa monitor.
"te--" she suddenly stop.
I ignored her at baka wala lang masabi sakin si Son-baby
"Kei?" narinig ko na namang tawag sakin ni Son.
"ano yun Baby? Di ako makapagconsentrate sa paglalaro eh. Baka madeads ako."sabi ko sa kanya ng hindi pa rin inaalis sa monitor ang pagkakatingin.
Dumarami na kasi ang mga kalaban ko kaya kahit ang kumurap ay hindi pwede.
"Baby!?" narinig kong sabi ng ibang babae. Di ko pinansin dahil alam ko namang hindi lang kami ang tao dito sa Quantum.
Ang gwapo ko kasi kaya nagugulat sila lalo na kapag may tinatawag akong Baby. Si Son lang naman tinatawag ko ng ganun. Meron pa pala. Yung kababata ko na bigla nlang nagdisappear.
Napatigil ako sa pag-iisip ng may humawak sa left face ko at ng lumingon ako ay may biglang humalik sakin.
Para akong na-estatwa at nanlaki ang mga mata ko. Hindi pa nagfafunction sakin kung ano ba tong nangyayari at kung anong irereak ko.
Sino naman ang maglalakas ang loob para harasin ang isang Ikey. Minamanyak ako sa public place.
Wait! Si Son!
Parang bumalik ako sa huwisyo ko. Naitulak ko yung babae at napatingin ako kay Son na nakatakip sa bibig nya yung dalawa nyang kamay habang nanlalaki ang mga mata.
Tinanggal nya yung kamay nya at pilit ngumiti sakin.
"Son-baby!?"
"i think.." namumulang sabi ni Son. "You two need to talk."pagpapatuloy nya at nagmamadaling lumabas ng Quantum.
Tumayo ako agad para sundan siya. Siguradong nashocks siya sa nakita niya. Lagot sigurado ako kila Mitch kapag nalaman nilang binabahiran ko ang pagkainosente ng nag-iisang Prinsesa namin.
BINABASA MO ANG
Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)
Romance[COMPLETED] Book II of MR. DON'T-KNOW-THE-NAME you must read the MDKTN first before this para maintindihan niyo ^^ --- Ang magmahal at mahalin ng taong mahal mo ang isang bagay na pinakamasarap na feeling sa buong mundo. Pero ano ang gagawin mo kung...