[ANGEL'S POV]
Nakakainis! Kanina pa! Kanina pa sila laging magkadikit! Hindi manlang mapaglayo si Kurt KO at ang malanding babaeng yun!
Gusto ko siyang sabunutan at hilahin palayo kay Kurt KO pero kapag sinaktan ko siya, hindi lang si Kurt KO ang magagalit sakin kung hindi pati ang buong grupo ni Kurt KO.
Ayoko namang mangyari nun. Magalit na silang lahat sakin wag lang si Kurt KO at baka hindi ko kayanin.
Buong araw ko silang sinusundan. Effort na kung effort basta hahanap ako ng pagkakataon na hindi sila magkasama at nang malapitan ko ang pinakamamahal kung Kurt.
Siguro iniisip nila na hindi ako nasasaktan sa pinag-gagagawa ko pero nagkakamali sila.
Kung alam lang nila kung gaano ako nasasaktan. Kung gaano nababasag ang puso ko sa tuwing inilalapit ni Kurt KO ang mukha niya sa balat ni Son. Sobrang sakit kaya na halos hindi na ako makahinga. Naninikip wari ko ang puso ko lalo na kapag hindi ko nakukuha ang atensyon ni Kurt KO.
Pero ano lang ba tong pain na to? Mawawala din to at mapapalitan ng sayo kapag naging kami na ni Kurt KO.
Mula nang makilala ko si Kurt KO nung five years old ako ay alam ko na siya na ang gusto kong maging asawa. Ang bait nya kasi. Siya ang kauna-unahang lalaking hindi tinawanan ang boses ko. Maliban sa Lolo ko na tumanggap sakin.
Pero nagbago yun lahat ng makilala nya si Son. Naging aloof na siya sakin. Kung dati hinahayaan nya lang ako na nakakapit sa kanya ngayon ay ni ang lumapit sakin ay di nya magawa. Yung pagsabay ko sa kotse ni Mitch kapag papasok sa school ay wala na.
Kaya sobra akong naiinis kay Son. Nabago ang lahat ng dahil sa kanya. And I swear, I'll do anything to make them apart. Kung kailangan ng tulong ng Lolo ko ay gagawin ko mapasakin lang si Kurt KO nang habang buhay.
"Baka matunaw," puna sakin ni Aina.
Nasa tabing dagat lang kami. Nakaupn. Pinapanood si Kurt Ko. Nasa beach kasi sila Son at Kurt KO. Naglalampungan! Dapat ako yun eh!
"Sana nga mawala na yang Son na yan!" inis na sabi ko. I really want her to disappear in our lives! Masama ba kung isipin ko na sana, sana natuluyan nalang si Son kaninang umaga.
"Hindi ka ba napapagod?"
Inalis ko ang pagkakatingin kila Kurt KO at tumingin ng diretso kay Aina, "Eh ikaw? Hindi ka rin ba napapagod?"
"Minahal na nya ako dati kaya konting hintay lang at mamahalin nya ulit ako tulad ng dati."
"Hanggang kelan?" tanong ko.
"Hindi ko alam," malungkot na sabi neto. "magkaibigan nga tayo. Pareho tayo ng pinagdadaanan." at tumawa ng mapakla si Aina.
BINABASA MO ANG
Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)
Romance[COMPLETED] Book II of MR. DON'T-KNOW-THE-NAME you must read the MDKTN first before this para maintindihan niyo ^^ --- Ang magmahal at mahalin ng taong mahal mo ang isang bagay na pinakamasarap na feeling sa buong mundo. Pero ano ang gagawin mo kung...