NASA ISANG chapel kami ngayon—mataas ang kisame at may lawak na 75 square meters. Ang mga pader ay may engraved gold details, at bawat silid ay may mahahabang pulang kurtina. Sa dulo, may isang fountain, at sa itaas ay tatlong chandelier. Apat na floor air conditioners ang nakapuwesto sa paligid, may flat-screen TV, refrigerator, at isang restroom kung saan maaaring magpahinga ang mga bisitaAt siyempre, hindi mawawala ang aroma diffuser—pagpasok mo pa lang, hindi mo iisiping may libingan din dito.
Ang chapel na ito ay matatagpuan sa Tagaytay. Tatlong chapel ang pagmamay-ari ng pamilya namin.
Ang una ay nasa Baguio—lumang disenyo, puro rebulto ang interior. Doon nakalibing ang asawa ni Lolo Alfonso, pati na rin ang kanyang mga magulang at kapatid. Sila ang first generation.
Ang pangalawang chapel ay itong nasa Tagaytay—mas moderno na ang disenyo, pinalibutan ng gintong detalye. Si Daddy ang kauna-unahang maililibing dito.
Ang pangatlong chapel naman ay itinatayo pa lang. Sa dami ng lupa namin sa probinsya, kung ano-ano na lang ang ipinagagawa ni Lolo. Bukas ito sa publiko bilang simbahan, pero may mga nakalibing din kaya may mga natatakot puntahan ito.
Nakatingin lang ako sa isang stand poster kung saan nakalagay ang larawan ni Daddy.
Maraming kumukuha ng litrato roon, may ilan pang nagse-selfie. Limang araw nang ginaganap ang funeral, at ito na ang huling gabi.
Idini-vert ko na lang ang atensyon ko sa taong katabi ko.
Nakapatong ang isang binti niya sa kabila habang nakapikit. Kami lang ang nakaupo sa nakahilerang upuan. Maraming nagtangkang tumabi, pero agad ding nagbago ng isip nang bigyan ko sila ng malamig na tingin.
My eyes alone were enough to tell them—leave us alone.
"Salamat... sa lahat," mahina kong sabi kay Sandro.
Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Dahil sa kanya, may dinala siyang surgeon from Korea para kahit papaano, ma-retoke ang mukha ni Daddy.
Mabuti na lang at hindi siya natagpuan sa tubig, dahil kung hindi, sobrang lambot na ng katawan niya at baka hindi na nagawang ayusin.
Kapag patay na kasi ang tao, nag-iiba ang mukha—lumulubog ang balat, bumabagsak ang facial features.
Pero si Daddy... parang natutulog lang siya.
Ginamit ng surgeon ang special techniques para banatin ang mukha niya at maibalik ang dating itsura. Gumamit sila ng wax at fillers sa mga parteng nag-collapse, pagkatapos ay in-airbrush ng mortician ang skin tone niya para magmukhang natural.
Maganda rin ang ginamit na makeup—hindi makapal, pero parang buhay pa rin siya.
Halos hindi ko mapigilan ang luha ko.
Hindi ko alam kung masaya ako dahil mukhang payapa si Daddy... o mas masakit, dahil kahit anong ganda ng pagkakaayos sa kanya, hindi ko na siya makakausap ulit.
"Tutuloy ba talaga si Chairman dito?" Malungkot na tanong ni Sandro.
"Yes. Kakausapin ka raw niya. Mukhang balak niyang kunin ang surgeon na kakilala mo at magtayo ng hospital, ha?"
"Bakit pa? Andyan naman si Doctor Danielo... Off muna ako sa business deal ngayon. My mind is overwhelmed. I took two to three weeks off from my own company." Tinakpan niya ng palad ang kanyang mukha, parang maiiyak.
"Natatakot ka bang malugi ang company mo?"
"I don't think so. I just don't know if I'm ready to manage all of these without your father, my sole advisor."
BINABASA MO ANG
Onalisa's Fate
RomanceOnalisa's Fate [Edited 2025] Onalisa Gwen's life seemed perfect. Born into wealth, loved by her family, and set to inherit her grandfather Chairman Alfonso Gwen's empire-she was everything the world expected. But everything changes when the red stri...
