Chapter XVIII

69 18 9
                                        

NAGISING ako nang tamaan ng sinag ng araw ang aking mga mata.

"Vanilyn, close the curtains! Please!" reklamo ko. Antok na antok pa rin ako. Grabe kasi ang puyatan kagabi—sobra siyang madaldal sa tsismis!

"Ma'am, I'm Xia. Umalis na po si Vanilyn kaninang umaga papunta sa company. Pinagising po kayo ni Sir Maximo," maingat niyang sabi.

Umupo ako at binigyan siya ng matalim na tingin. "Excuse me? Since when siya naging in charge ng sleeping hours ko, huh? At bakit ka nasa room ko? I don't have a personal maid."

"Pasensya na po, Ma'am. Pero pinapasabi rin po niya na... nandito raw po ang asawa n'yo?" she added, unsure.

Kumunot ang noo ko. Parang sasabog ang ulo ko sa sakit.

"Asawa? Sino? Nagka-amnesia ba ako para makalimutan kong ikinasal ako?"

Wait... don't tell me... Kinasal na ako kay Seth Ventura?

OMG. Ginayuma ako?!

"K-kasal na ako?" tanong ko ulit, nagpa-panic.

"Very soon daw po, Ma'am," she replied, sabay ngiti bago umalis.

Out of curiosity, dali-dali akong tumakbo papunta sa dining hall para i-check kung sino 'tong sinasabi niyang asawa ko. Kahit magulo pa buhok ko at wala pang toothbrush—bahala na!

"Good morning, Ate." Tumayo si Maximo at hinalikan ako sa pisngi.

"Why are you still here? Wala na dito 'yung boss mo, ah! Umalis ka na sa bahay ko! Tsupi! Tsupi!" Sabi ko na parang nagpapaalis ng langaw. Naiinis talaga ako ngayong nakita ko si Seth. 

Nagulat siya pero nag-explain si Max. "Pasensya ka na, ganyan talaga si Ate pag bagong gising. Sigurado ka ba talaga papakasalan mo 'yan? Tingnan mo—hindi man lang nag-ayos, may bisita pa naman."

"Bisita? Baka bwisita!" Oo na, bagong gising ako, at first day ko pa ng period. Nakaka-frustrate ang araw na 'to!

"Okay lang po, Sir. Kailangan ko na rin sigurong umalis," sabi ni Seth, pero pinigilan siya ni Max.

"I'll talk to her. Diyan ka lang."

"What, Max!!" sigaw ko habang hinila niya ako palayo. Maraming empleyado sa paligid kaya dinala niya ako sa isang mas private na lugar.

"Ate, hindi mo dapat siya sinigawan ng gano'n."

"Don't you understand what you're doing? You brought a future killer man here?! Are you out of your mind, Maximo?"

"Hinding-hindi na natin mapipigilan ang future!"

"So, you're saying hayaan na lang nating mamatay si Lolo Alfonso? At pabagsakin ang Gwen's Company sa kamay ng lalaking 'yon?"

"Siyempre ayokong mangyari 'yon! Pero kung siya ang destiny mo, wala na tayong magagawa. Ang mahalaga ngayon, Ate, kailangan mo nang maikasal agad. We need enough funds."

"'Di ba nag-book na si Tita papuntang Korea? Puwede na 'yon!"

"Hindi gano'n kabilis ang pagbenta ng properties abroad. We need time. At hindi rin sapat ang pera na 'yon."

"Max, please... don't pressure me. This is my future."

"Kung gano'n, ikaw ang bahalang magbayad ng lahat."

Inabot niya sa akin ang listahan.

"Household expenses: utilities, mansion maintenance, household staff salaries. I can cover these using my savings—for one year."

"Eh 'di ayos na!"

"But the business expenses—employee salaries, office rent, debts, legal fees, international taxes, insurance—lahat 'yon nasa'yo na, Ate. You're the CEO now. Kaya mo bang i-cover lahat 'yan with your savings?"

Onalisa's FateMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon