PUMUNTA kami sa isang luxury condominium para samahan si Van na mag-check-in sa pansamantala niyang tirahan. Uuwi na rin ako kaagad pagtapos nito. Nasa grand lobby siya habang nakapila sa reception area. Saglit ko muna siyang iniwan at umikot sa entry hall.
Mataas ang dingding, siguro nasa twelve feet, at may malaking chandelier. Sa center view, may fountain at pinaiikutan ng golden statue ng dove bird na tinututukan ng spotlights.
Nagtungo naman ako sa outdoor area dahil ang daming tao roon kahit gabi na. Mayroon silang tatlong swimming pool at gazebo. Feeling ko, mas kailangan kong mag-stay rito dahil ang presko ng ambiance kaya masarap mag-relax.
Humiga ako sa poolside lounger at nilanghap ang masarap na simoy ng hangin. Nalipat ang atensyon ko sa dalawang bata kasama ang kanilang nanay at tatay na nagkakatuwaan sa may swimming pool.
Nag-flash sa isip ko yung mga moments ko kay Daddy, nung kompleto pa kami at masaya...
"Daddy, I want to build a snowman!"
"You play with Maximo, baby. I have more things to do."
"But he doesn't know how to make one! Daddy, come over here! Please! Please! Daddy! I want snowman!" Nagwawala na ako hanggang sa pumayag na siya at lumabas kami.
Nakakunot-noo si Daddy habang pinagsasama-sama niya ang snow gamit ang mga kamay niya. Mukha siyang pinagpapawisan kahit na ang lamig-lamig. Si Maximo, ayun, naglalaro lang sa dulo gamit ang cars. Si Tita Susane naman, nandun lang sa gilid ni Maximo.
It was my 12th birthday, and we've been here in Canada for a week na. Gusto ko sanang tumira dito forever, pero sabi ni Daddy may school daw ako kaya hindi puwede.
Lumapit ako kay Daddy at tinusok ko yung ilong ng Snowman ng carrot. "Dad, picture-an mo kami!" Tinitigan ako ni Daddy ng matagal. "Please? Please?" Nag-pout ako. Nag-picture-an kaming lahat gamit ang phone ni Tita Susane, pero after ilang minuto, biglang nag-off ang phone niya, hindi ko alam kung bakit.
Basta nainis si Tita Susane kaya kumuha siya ng snow at ibinato kay Daddy. Si Daddy, hindi nagpatalo, gumawa siya ng malaking snowball at ibinato kay Tita.
Hanggang sa magbatuhan kaming lahat habang tumatakbo. I can't stop my happiness!
End of Flashback...
Everything seemed so vivid to me. Fresh pa rin sa utak ko ang ganda ng tanawin, ang bawat eksena, ang sayang dulot nito, at ang tawanan.
Kailan kaya mauulit iyon? Mali—ang tanong ko pala dapat ay kung mauulit pa ba iyon.
Nakakatakot dahil kapag bumalik kami roon sa Canada ay wala na ang mismong cabin na tinirhan namin. Baka hindi na kasinlamig katulad ng dati. At hindi na rin magiging ganoon kasaya... dahil wala na si Daddy.
Kapag bata ka talaga, maraming masasayang alaala. Pero habang tumatanda, papait nang papait ang buhay. Bakit ganoon? Sana bata na lang tayo habambuhay 'di ba?
Napahawak ako sa aking pisngi dahil ngayon ko lang napansin na umiiyak na ako. Natawa na lang ako dahil sa kahihiyan. Pinagtinginan kasi ako ng dalawang bata roon sa pool na parang ngayon lang nakakita ng umiiyak.
"Do you like a water?"
I was shocked to see who offered me a bottle of water. "Seth? What are you doing here? Are you following me?" Nakakagulat ang presensya niya. Bigla-biglang sumusulpot parang kabute. Huling kita ko sa kanya ay doon sa company namin, kaya I didn't expect na makikita ko ulit siya rito naman sa hotel! Konti na lang ay maniniwala akong stalker ko siya.
BINABASA MO ANG
Onalisa's Fate
RomanceOnalisa's Fate [Edited 2025] Onalisa Gwen's life seemed perfect. Born into wealth, loved by her family, and set to inherit her grandfather Chairman Alfonso Gwen's empire-she was everything the world expected. But everything changes when the red stri...
