"ONALISA Gwen, you're the only one who got a perfect score!" masayang anunsyo ni Prof habang isa-isa niyang binabasa ang grades namin.
Nagpalakpakan ang mga kaklase ko, may mga nagbulungan pa. Parang hindi sila makapaniwala sa resulta. Final exam na kasi 'to—mas mahirap compared sa midterms.
Pero dahil mahal ko talaga ang course na 'to, ginalingan ko.
"Darling, if I were your mother, I'd be so proud! You have a perfect face, perfect height and body, perfect family, and perfect grades! What else could I possibly ask for?" ani Prof, halatang tuwang-tuwa.
Hindi ko maiwasang mapansin ang mga tingin ng iba. Obvious na may mga nainggit. Imagine, 50 points ang lamang ko sa second highest. Sobrang layo. Kaya hindi na ako nagulat nang may kumalat na tsismis—nag-cheat daw ako.
Pero hindi ko responsibilidad na patunayan ang sarili ko sa kanila. Ang mahalaga, alam kong wala akong ginawang mali. Period.
Pagkaalis ni Prof, lumapit agad sa akin si Danica—siya 'yung second highest.
"How did that even happen? Thirty items sa exam, hindi pa tinuro! Paano mo na-perfect 'yon!?"
Tumayo lang ako at lumabas ng classroom. Tapos na rin naman ang klase. At honestly, pagod na ako. Gusto ko na lang umuwi at magpahinga.
"Onalisa," harang ni Danica sa harapan ko. Hindi pa rin siya tumigil. Halata namang hindi niya matanggap na second lang siya.
"Kung mandadaya ka rin lang, sana hindi mo na lang ginawang perfect. Ang halata kasi."
Huminga ako nang malalim. "Pwede ba, umalis ka diyan? May early dinner pa kami ng family ko." Hindi ko na siya hinintay sumagot. Nilampasan ko na siya.
"Ms. Perfect Girl ka nga talaga, no? Halos lahat sa'yo perfect na!"
"Well, of course. Thank you," sagot ko, sabay ngiti—pero sobrang sarcastic.
"Pati mukha mo, perfect. Kasi nagpa-enhance ka ng ilong. At ang puti mo dahil nagpapa-inject ka. So yeah, perfect... but fake."
Napanganga ako. "Excuse me? What the hell are you saying?"
Nag-cross arms siya at tinaasan ako ng tingin. "Nag-perfect ka sa exam dahil sa kodigo. So proud ka ba talagang tawaging Ms. Perfect kung puro daya lang naman?"
Gusto ko na siyang sampalin. Pero hindi pa tapos ang issue ko last week. At ayokong umuwi si Daddy dahil lang sa gulo na naman. May malaking investor siyang ka-meeting ngayon sa China. I had to be patient. Hindi pa ngayon.
"You know what, Danica? You're such a waste of time. Kung wala kang magandang sasabihin, manahimik ka na lang." Tumalikod na ako para makaalis.
Ready na sana akong i-let go siya. Pero hindi talaga siya marunong tumigil.
"Huwag mo akong talikuran, Ms. Perfect! Kaya nga sarili mong pamilya, tinalikuran ka, eh!"
Napatigil ako. Pumikit saglit. Kumuyom ang kamao ko. Mabigat ang paghinga ko habang dahan-dahan ko siyang nilingon, nanliliit ang mga mata ko. "Excuse me?"
"Totoo naman, 'di ba?" sagot niya, mataray pa rin.
Kung sasampalin ko siya ngayon, siguradong all out. Masisira talaga ang mukha niya. Promise.
"Ikinakahiya ka ng mga tito't tita mo. Pati si Chairman Alfonso Gwen. Ayaw nila sa'yo kasi puro ka problema. Ayon nga sa article na nabasa ko—'You're the black sheep of the Gwen family!'"
"Huh!" napailing ako at napa-roll eyes. "Wrong info, Danica. Hindi lahat ng nasa Internet totoo. Akala ko ba matalino ka? Pero hindi mo ma-identify ang fake sa totoo?"
BINABASA MO ANG
Onalisa's Fate
RomanceOnalisa's Fate [Edited 2025] Onalisa Gwen's life seemed perfect. Born into wealth, loved by her family, and set to inherit her grandfather Chairman Alfonso Gwen's empire-she was everything the world expected. But everything changes when the red stri...
