Chapter II

214 30 91
                                        

NASA loob kami ng isang sedan stretch limousine na kayang mag-accommodate ng walong tao. Pa-letter C ang sofa at mayroong flat screen TV at bar station. Personal car ito ni Daddy, ginagamit niya ito kapag pumupunta sa airport. Ginamit lang namin ito ngayon dahil namilit si Tita Susane. Overexposed na raw kasi sa camera ang ibang vehicles namin, kaya mas mainam kung may bagong maipakita sa media.

And here's my brother, Maximo Gwen. He is eighteen years old younger than me. Nasa 5'8" ang height niya, super puti, unlike me na may fair skin. Kumukulot ang buhok niya kapag nababasa sa ulan, kaya naman hindi mawawala sa bag niya ang pang-straight ng buhok. And his character? Yes, very opposite of mine! Masunurin siyang bata. Never siyang nag-break ng rules sa school, mansion, or even sa company namin, kaya marami rin ang may paborito sa kanya.

Magkaiba kami ng ina. Iyon ang dahilan kung bakit malayo ang itsura namin at pag-uugali. Pero hindi ako naniniwala na nagmana siya ng ugali sa kanyang ina because her mother is the worst; I hate her basically.

Dinukot niya sa kanyang purse ang isang case ng sigarilyo. It's a limited brand of cigar, full of gold leaves. Kung hindi ako nagkakamali, binili ito ni dad from Italy. Higit P20,000 pesos per stick nito. Sinindihan niya ito ng lighter at binuga malapit sa akin ang usok. Her second-hand smoke will kill me eventually.

"Max, you've been silent for a whole day. Is there something wrong that you'd like to open about?" tanong ni Tita Susane, the worst person I'm talking about. Urgh.

"Nothing, mama." Umayos na ito ng pagkakaupo at tiningnan muli ang Iphone.

"Tita, he's quiet since birth. What's new about it?"

Nagtagpo ang tingin namin ni Tita Susane. Mabilis na umiiba ang ekspresyon niya kapag napapatingin sa akin. Tila ba may lumilitaw na sungay sa ulo. Ewan ko ba kung bakit laging mainit ang ulo niya sa akin kung nagsasabi lang naman ako ng totoo.

"Did you tell your boyfriend about the reunion later? The chairman will meet him too, so make sure he wears nice clothes and knows how to introduce himself. He needs to appear well-off and show he deserves to be part of the Gwen family...or else, your relationship with him will be finished."

Gusto ko sanang i-supresa si Sandro sa pag-invite sa amin ni Lolo, pero may punto si Tita. Kailangan niya maging ready, lalo na ngayon na isasama niya ang ina niya sa theatre. First meeting ko sa kanyang ina, and first meeting niya kay grandfather—that would be great, right?

"Fine, tita, I'll tell him right now."

"Stop calling me your tita." Binugahan muli niya ako ng sigarilyo. Napaka-bastos!

"What else do you want me to call you? Mother? I only have one mother in my entire life."

Napailing lamang si Maximo at nagsuksok ng airpods sa tenga niya. Si Tita Susane naman ay hindi bumitaw ng masamang tingin sa akin. Kinuha niya ang kanyang wine glass sa gilid at nag-sip.

I really hate her.

Feeling first wife siya, at pinagkakalat pa niya na nanlalake ang mama ko at sumama sa ibang lalaki. She's spreading a fake story in our own house. Hindi nalang din nangingialam si dad dahil past is past daw, wala na rin naman si mommy, kaya it doesn't really affect kung ano man ang ipakalat ni Tita Susane.

Ako lang naman ang nasasaktan. Siguro ako lang talaga ang nagmamahal kay mommy kahit hindi ko siya nakilala.

***

Nandito na kami sa harapan ng Kia Theater sa Cubao. Nakadikit ang isang malaking poster na may nakalagay na "Featuring the Stars from Magic Ballet: Allesandra Gwen and Jonas Gwen. Accompanied by the Youth Dreamers," at may standee na larawan ng kambal habang nakasuot ng pamballet.

Onalisa's FateMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon