MATAPOS ang meeting, tumambay muna ako sa Starbucks para maka-order ng coffee at makakain ng favorite cheesecake ko. Nakipag-videocall din ako kay Kuya Erik gamit ang webcam.
"Ma'am, I'm sorry, it will take me another two to three days to know everything about him, including his family address, school schedule, friends, and exes."
"So, he doesn't have social media?"
"Yes, ma'am."
I rolled my eyes. Tao ba talaga itong si Seth? Seriously, wala siyang Facebook or Instagram?
Bumalik na ako sa BMW nang mapagdesisyunan kong ibahin ang ruta.
"Kuya Ronny, doon po tayo sa condominium ni Vanilyn. Mamaya na tayo umuwi sa amin." Tumango lamang sila at sumunod. Ilang sandali pa, nakarating na kami.
"I'd go alone po," sabi ko sa kanila nung nasa elevator na ako.
"Ma'am, nasa may parking lot lang kami."
"Yeah, thank you."
Pinapayagan naman nila akong mag-isa kapag sa mga ganitong lugar. Maraming guards dito at CCTV cameras. At saka, alam din nila kung sino ang pupuntahan ko—si Vanilyn. But it's not really her that I'm going to see.
Pinindot ko ang doorbell ng paulit-ulit hanggang sa bumukas na ang pinto.
"Onalisa? How did you know my room unit?" May galit sa boses ni Seth at ang mga mata niya ay masyadong seryoso. "Alas-nueve na, at bakit ka pa nandito?"
"Ang dami mo namang tanong. Puwede bang papasukin mo na lang ako kasi nangangalay na yung kamay ko sa dala kong cheesecake and coffee, for you?" Tinake out ko yung order ko sa Starbucks kanina at pinadagdagan ng drinks.
"Why don't you have social media accounts pala?"
Ito talaga ang rason kung bakit matatagalan si Kuya Erik sa pag-background check kay Seth, dahil wala itong kahit anong social media. Kainis!
"Para saan? May messenger naman ako, puwede doon tayo mag-usap."
"You don't get me! Urghh!" Bumuga ako ng malalim na hininga. Maliban sa mga senior, ngayon lang ako nakakakilala na walang social media. Gen Z ba talaga ang isang ito?
Tinulak ko siya para makapasok ako sa loob.
"Onalisa! It's late night! Magagalit yung boyfriend mo!"
"Wala na akong boyfriend."
Natulala siya saglit sa sinabi ko.
"Ayos ka lang, Seth?"
"Hindi lang ako makapaniwala na pumayag siya."
Ini-scan ko ang buong paligid. White and black ang theme ng kuwarto niya. Malinis at organized ang lahat. Mabango ang paligid dahil may air diffuser siya.
Walang preno akong naglakad patungo sa kuwarto niya. Natuwa ako nang makita ko ang single bed niya—confirm, wala siyang ka-live-in!
"Onalisa, hindi ka dapat basta-basta pumapasok sa kuwarto ng lalaki." Naglakad lang ako na parang walang narinig.
"Kahit wala kang boyfriend, may respeto pa rin ako sa'yo."
"Pinagsasabi mo?" Natatawa kong sagot.
Namula ang pisngi niya at umiwas ng tingin.
Binuksan ko ang kabinet niya at lumitaw ang ilang mga brief at boxer doon. Medyo nagulat ako, pero hindi ko pinahalata na apektado ako. Binuksan ko ang isa pang drawer at nakita ko ang kanyang school ID na may logo ng UST. Wow, good news!
BINABASA MO ANG
Onalisa's Fate
RomansaOnalisa's Fate [Edited 2025] Onalisa Gwen's life seemed perfect. Born into wealth, loved by her family, and set to inherit her grandfather Chairman Alfonso Gwen's empire-she was everything the world expected. But everything changes when the red stri...
