LAST photoshoot ko na ito. For today's outfit, I'm rocking our 2012 best fashion. Nakasuot ako ng peplum top na may eleganteng lace details, paired with high-waisted skinny jeans—classic combo. Ang pointed-toe stilettos ko at chunky statement necklace, nagbibigay ng sophisticated at trendy vibe. Naka-oversized sunglasses din ako.
Mabuti nalang, hindi nahirapan sa akin ang photographer dahil marami akong alam na pose at magaling akong mag-adjust sa kahit anong facial expression.
Marami akong mastered na facial expressions like: Neutral, fierce, seductive, angry, playful, surprised, and cute. Mabilis akong magpalit ng expression, depende sa tema ng shoot.
Nung bata kasi ako, pumasok ako sa modelling workshop, pero hindi ko pinursue kasi habang nagmo-model ako, mas natuwa ako sa mga damit kaysa sa camera. Kaya tinigil ko yun at kumuha ng kurso na designing.
"Great job today! Siguradong magte-trending ulit ito!" magalak na sabi ng photographer habang inaayos ang ilang gamit.
Maraming nag-congratulate sa akin. May mga interns pa na nagpa-picture. Kahit pagod na, kakangiti pa rin ako for the photos. Mahirap na, baka mapagkamalan akong masungit.
Pumunta ako sa dressing room ko para magpalit, sumunod naman ang personal assistant ko.
Tumaas ang kilay ko nung makita ko ang bouquet of roses na nakapatong sa lamesa ko. May notes din na iniwan.
📸 "Like a camera lens, love teaches us to focus on what truly matters." PS: I love you, Onalisa, babawi ako sa'yo.
"Babawi? Sino ito?"
Mayamaya, pumasok si Sandro na may dalang four layers of cake. "Congratulations, wifey." Maraming tao sa likod niya na patagong kumukuha ng pictures habang kinikilig.
So, ito pala yung sinasabi niyang babawi? Oh, I remember now. Nakipag-break ako sa kanya noon dahil hindi siya nagri-regalo at laging walang time sa akin. Ito pala yung bawi na sinasabi niya...
Yes, this is what I like! Pero bakit ngayon pa, kung kailan decided na akong wala na kami?
Tinanggap ko na lang yung cake na inabot niya at hinintay na lumabas yung mga tao bago nagsalita.
"I need to go home now."
"Ihatid na kita..." Kukunin na sana niya ang bag ko.
"I have my car here. Bumalik ka na sa company mo, Sandro. Ilang araw ka nang absent dahil sa amin ni daddy."
"It's okay...mas worth it ka kaysa sa company ko."
Talaga ba? Is he really saying that?
Nasaktan ako sa sinabi niya. Feels like he knows about the inheritance from my dad. Maybe Maximo or Tita Susane told him to propose to me.
But I'm no fool to be used like that.
***
2 days later...
We're here in a private resort in Rizal kasama ang lahat ng team ni Maximo, including our social media staffs, KOL's, influencers, and vloggers. For today's event, we're handing out PR packages in exchange for content creation.
Bukod doon, the main event is a fashion show showcasing our top-selling clothes. Yung mga rumarampa sa stage, mga models namin.
Hindi na rin ako pinalakad sa stage, because it's not my forte. Pag naglakad ako na may heels, magmumukha lang akong matanda. Okay ako sa pictorial, pero hindi sa runway.
Nagbigay lang ako ng speech at ilang pictures. After that, I relaxed and headed towards my room to rest.
Bubuksan ko palang ang pintuan nung may humawak sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
Onalisa's Fate
RomanceOnalisa's Fate [Edited 2025] Onalisa Gwen's life seemed perfect. Born into wealth, loved by her family, and set to inherit her grandfather Chairman Alfonso Gwen's empire-she was everything the world expected. But everything changes when the red stri...
