Chapter I

363 32 74
                                        

PINAPANOOD ko sa malayo ang isang lalaking pinalilibutan ng mga celebrity at anak ng tycoons. He is the only guy there, take note! Nagkakapalitan sila ng social media accounts and contact numbers. Sana nga pure business lang ang lahat ng ito.

"Onalisa!" sigaw ni Vanilyn, ang best friend ko. Lumalim ang ngiti ko nang mapansin kong suot niya ang rejected gown na ginawa ko noon. It was a blue ballgown na may nakapaikot na Christmas lights. Mahilig akong mag-design ng clothes, at yung mga dissatisfied ko siya nagsusuot.

"BFF, why are you alone here? Nasa'n 'yung boyfriend mo?" she asked.

Ngumuso ako patungo sa lalaking pinanonood ko kanina lang.

"Every month, siya may new business venture, a! At walang bankrupt. Hindi ba ganyan din si Tito Christopher nung kabataan?"

She is right, but...

"Yes, both of them are experts in business but not in love life, hahaha." Ramdam kong may kirot sa puso ko habang tumatawa.

Naglaho rin ang masaya niyang aura. "I thought you were really in love with each other. What just happened, BFF?"

Hindi ko rin alam ang isasagot ko. Maging ako rin naguguluhan na. "It's starting to fade. Gano'n siguro talaga ang relasyon... sa umpisa laging masaya." I finally revealed it after 2 years in a relationship with him.

"Sadyang hindi lang kayo match made in heaven kaya walang strong bond na namamagitan," aniya na halatang nasobrahan sa K-Drama. "Hindi kasi siya si Farmer Boy kaya hindi mo pa talaga mararanasan ang greatest love mo. At kung sakaling matagpuan mo na yung ka-red string mo, ako pa rin ang best sa lahat ng kaibigan mo. Hindi kita ikakahiya katulad ng ginagawa sa'yo ng pamilya mo."

She patted my shoulder and grinned. "Oo nga pala, lahat ng staff namin ay lumuwas ng province nila. Baka isa rito si The One mo."

"Oh, really?"

"Happy 20th birthday, Vanilyn." Nanuyo ang lalamunan ko nang marinig ang boses ni Sandro. What if narinig niya yung sinabi ko kanina na nagfa-fade yung love ko? Gosh! Yumuko ako at hindi makatingin sa kanya ng diretsyo. Bakit ko ba kasi sinabi iyon?

Ayokong masaktan siya...

"Thanks, Sandro! Ang daming nakakakilala sa 'yo rito, a!"

"Just a little bit."

"Pa-humble pa! Parang ngang ikaw yung may birthday."

Nahihiya siyang tumawa. "Sorry for stealing your spotlight." Umupo siya sa gilid ko at ginalaw ang platong inihanda ko para sa kanya. "Oh, by the way, I had our gift brought up to your room. Someone might take it if others see it."

"Is it a living creature?"

"Maybe," ngisi nito.

"Another clue, please?"

"Pinakaguwapo. Pinaka-hot. Pinakasikat. Basta lahat ng may 'pinaka' ay matatagpuan mo sa regalong 'yon," exaggerated kong saad.

Inilagay ni Van ang isang kamay niya sa kanyang labi. "Tumatahol ba 'yan? Iyan ba 'yong favourite dog breed ko?"

Medyo loading ang utak ko. Kailan pa nagkaroon ng asong guwapo, hot, at sikat?

Tumawa ako nang malakas at humampas ako kung saan-saan hanggang sa tumama sa chest ni Sandro. Kahit nababalutan ng tela ang kanyang katawan, ramdam ko ang mainit at matigas niyang abs. Natulala ako saglit at nanlamig ang aking kamay.

"Onalisa, tell me it's my favourite dog?" Unti-unti humina ang tinig ni Vanilyn sa tenga ko.

Bumaba ang aking kamay hanggang tumigil ito sa kanyang V-line. I'm in a two-year relationship with him, but I've never touched or looked at him like this! I must be drunk na.

Onalisa's FateMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon