ALAS-kuwatro ng madaling-araw nang magising ako dahil sa isang masamang panaginip. Pagkadilat ko ng mata ang unang bumungad sa akin ang isang malaking picture frame na nakadikit sa tapat ng kama ko.
Isang babaeng may misteryosong mukha at ngiting nagbabago—kapag masaya ka, masaya ang ngiti nito. Kapag malungkot ka, malungkot din siya. Nag-iiba ang ngiti depende kung paano mo ito gustong tingnan. She was just like my reflection.
Mona Lisa is one of the most famous paintings in the world. At sa painting na iyon nakuha ni Daddy ang pangalan kong Onalisa.
At kung tatanungin kung anong ngiti ang nakikita ko sa kanya? Naka-fake smile siya. Masaya siya sa panlabas na anyo, pero puno ng mga madilim na ulap ang puso.
Masaya naman ako sa pag-uusap namin ni Seth kanina, pero bakit biglang bumigat ang pakiramdam ko?
"Ma'am Onalisa!"
Agad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga nang marinig ang sigaw ng isa naming headmaid. Umiiyak siya habang hawak ang dibdib, hinihingal. Mukhang tumakbo pa siya paakyat ng hagdan, or maybe she's just too old.
"Si CEO—" Hindi siya matuloy-tuloy dahil sa pag-iyak.
"What happened to Dad?"
May mahabang katahimikan bago siya nagsalita. "Bumagsak ang eroplanong sinakyan niya." Lumuhod siya at niyuko ang mukha sa sahig. "Sorry, ma'am, wala na po ang daddy mo. Wala na po si CEO Christopher Gwen!"
Nag-blanco saglit ang isip ko at bumalik ako sa pagkakahiga.
"You're lying."
Pinikit ko ang mga mata ko at narinig ko ang mga bulung-bulungan nila. Marami na rin palang pumasok sa kuwarto ko. Tumahimik sila saglit at nagsalita ang isang boses na kilala ko.
"Ate, it's true. Dad died in the plane crash." Maximo said. Umupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ang braso ko. "Nagkaroon ng unclear signal ang pilot sa Air Traffic Control kaya napunta sila sa maling ruta. Hanggang sa maubusan sila ng oxygen at mawalan ng gas..."
Umupo ako at hinarap si Maximo. Napansin ko na mabasa ang mga mata niya, pero hindi siya umiyak. Napakahusay niyang magkontrol ng emosyon!
"He didn't die in a plane crash, but from lack of oxygen, right?" I asked him.
"Exactly, but let's consider it a double death scenario; his body is still floating in the cold ocean."
***
Nasa isang isla ako, sampung oras ang biyahe mula sa Manila. Nakaupo ako sa buhangin habang nakatulala sa alon ng tubig. Maingay ang paligid dahil sa maraming search-and-rescue team at media. Pahirapan makilala ang mga bangkay dahil sunog na ang mga ito at lumobo ang katawan dahil sa tubig.
May 350 na sakay sa eroplano, at 150 pa lang ang nahahanap. Sa ilalim ng dagat ito bumagsak, kaya delikado kung bababa pa kami.
Malakas ang alon, at may bagyo sa forecast. Umaasa na lang kami na may mga lulutang na katawan.
"You should take a rest." Mainit na kamay ni Sandro ang dumapo sa likuran ko. Siya ang kasabay ko dito; private plane niya ang ginamit.
Bigla akong napatayo nang makita ang katawan sa dagat. "There's a corpse on the big rock!" sigaw ko sabay turo sa lugar na iyon. Isang rescue team agad ang nagpunta roon gamit ang isang boat.
"Ona, it's been two weeks. Please take some time to rest."
Huminga ako nang malalim. "Malaki na ako. Hayaan mo ako sa buhay ko!" Hindi ko alam kung bakit niya ako bine-baby. Hindi naman siya magulang ko para makialam sa ganito. Si Tita Susane at Maximo nga, tatlong araw lang nag-stay sa isla.
BINABASA MO ANG
Onalisa's Fate
RomanceOnalisa's Fate [Edited 2025] Onalisa Gwen's life seemed perfect. Born into wealth, loved by her family, and set to inherit her grandfather Chairman Alfonso Gwen's empire-she was everything the world expected. But everything changes when the red stri...
