NAHATI sa gitna ang malaking pulang kurtina, at bumungad ang mahigit sampung katao sa stage. Pumosisyon silang lahat at naka-freeze na parang mga estatwa. May nakasuot na pang gothic bride, gothic witch, gothic unicorn, at gothic mummy sa isang gothic fairy tale theme. Horror ang kabuuang tema, kahit malayo pa naman ang Halloween.
Lumabas si Jonas Gwen na may matinding ekspresyon sa mukha. Suot niya ang isang black net sheer shirt, kaya halatang halata ang namumutok niyang katawan. Nakakakilabot din ang mga mata niya—matalim, parang kayang makipagpatayan gamit lang ang titig. Sumunod na lumabas ang kakambal niyang si Allesandra Gwen. Napasimangot ako dahil pareho kami ng suot na may black feathers. Pero dapat ay masaya pa rin ako, dahil kahit may similarity kami sa materyales, sobrang layo naman ng itsura namin—mas maganda pa rin ako!
Tumingin ako sa kanan. May aviator shades si Daddy, pero alam kong paraan lang niya iyon para matago ang mga mata niyang nakapikit dahil naririnig ko siyang humihilik. Poor Daddy, mukhang pagod na pagod siya.
Si Tita Susane naman ay naka-live stream sa iPhone. Si Maximo, nasa dulo, nakaupo at seryoso ang mga mata habang nanonood.
Inilipat ko ang tingin ko sa kaliwa. Dalawa ang bakanteng upuan. Wala pa rin si Sandro at pati ang mommy niya.
Kinuha ko ang iPhone ko at saktong may text mula kay Sandro:
"Hey, Ona. I'm really sorry—there was a sudden emergency. Mom and I won't be able to come."
I-off ko ang screen ng phone ko dahil sa bigla niyang tawag. Pinag-isipan ko muna ng ilang beses bago ko sagutin ang tawag niya.
"Onalisa, I'm sorry. Something suddenly came up at the company. We'll make it up to you. Do you want to do it tomorrow instead?" Malambing ang boses niya sa cellphone, parang batang nakikiusap.
"I also have a schedule, perhaps we can meet next year."
"Ona!"
In-end ko na ang call.
Nakaramdam ako ng matinding kirot sa dibdib ko. Sabi niya ipapakilala na niya ako sa mommy niya, pero laging may bagong dahilan! What's wrong with him? Two years na kami, pero ni isang beses hindi ko pa siya nakilala ang magulang niya. Ngayon, nagsisimula na akong magduda sa nararamdaman niya para sa akin.
Paano kung totoo ang sinasabi ni Seth?
***
"Tito Christopher! Thank you po sa pagdalo," masiglang sabi ni Allesandra. Nakipagbeso sila kay Dad pati kay Tita Susane. Inabot naman ni Maximo ang regalo niyang bouquet of flowers.
Nakayukong lumapit ang isang bodyguard namin kay Tita Susane at inabot ang paper bag mula sa isang kilalang brand. "Ma'am, this is what you requested."
"Oh, I almost forgot." Tita responded. Magalak siyang lumapit kay Allesandra at binigay ang hawak. "This handbag features a premium coated canvas with only twenty pieces available nationwide."
"OMG, Tita? How lucky to be part of our family! I wish you were my mother na." She acted like a baby. Unti-unti niyang nilabas sa paper bag yung laman. Hindi ko naman maipagkaila na maganda yung design na napili ni Tita Susane. Pero bakit ba siya gagastos ng ganoon kamahal?
Well, hindi naman ako nagseselos. Kaya ko rin naman bumili ng ganyan, noh!
"Nabanggit po pala sa 'kin ni Papa na pinangarap n'yo raw pong maging ballerina before?" Allesandra asked.
"Yes, until now, darling! I hope I pursued it during my youthful days."
Nagsalita naman si Jonas gamit ang mahinahon niyang boses. Medyo na-adapt niya yung British accent. "As far as I recall, ballet dancing is also beneficial to everyone. It's a wonderful way to stay fit. Perhaps you could even convince Maximo Gwen to join us?" And everyone laughed. Hindi ko ma-imagine ang kapatid kong mag-ballerina dahil sa tigas ng katawan nun.
BINABASA MO ANG
Onalisa's Fate
RomanceOnalisa's Fate [Edited 2025] Onalisa Gwen's life seemed perfect. Born into wealth, loved by her family, and set to inherit her grandfather Chairman Alfonso Gwen's empire-she was everything the world expected. But everything changes when the red stri...
