NANDITO na ako sa bahay. Tumambay muna ako mag-isa sa bar bago dumiretso rito. Kailangan kong magpahinga kahit sandali—nalaman ko kasing si Maximo, nandito lang pala habang ginaganap ang presentation.
Baka mapatay ko lang siya sa inis, kaya pinakalma ko muna sarili ko. Nilabas ko lahat ng energy ko sa labas para hindi sumabog dito.
Habang naglalakad ako pauwi, para akong zombie. Walang buhay, walang gana.
Gutom lang 'to. That's all. I'm fine... I think.
"You didn't tell us that Sandro is Mr. Raul?!" sigaw ni Tita Susane mula sa dining room.
Nandoon ang mga kasambahay at isang chef, pero parang wala lang sa kanya kung marinig man nila. Wow. Wala talagang preno. Classy.
Napatingin ako sa wall clock. Anong oras na ba 'to? Late dinner? O late drama?
Umupo ako sa pinaka-dulo ng mesa. Kumuha ako ng wine glass. Nakatingin ako kay Maximo habang siya'y tahimik na kumakain—nakabusangot, halatang puyat, at... namamaga ang mga mata.
Great. At least may konsensiya pa siya.
"Bakit hindi ka sumipot sa company?" tanong ko.
Tumigil siya sa pagsubo.
"I got blackmailed, Ate."
Napakapit ako sa glass.
"Anong klaseng blackmail, Max? Ikakamatay mo ba 'yon? Pinaghirapan natin 'yung kompanya tapos iniwan mo lang?! Ang hina mo!"
Tumayo ako, uminit bigla ang ulo ko. Pero tumayo rin siya. Calm. Controlled.
"How shameless of me to become CEO when I'm not even their real child..."
Natahimik ang buong dining area. Yung mga staff, halatang natigilan. Si Tita Susane, agad lumapit at tinakpan ang bibig ni Maximo.
"Anak! Huwag kang ganyan. Hindi 'yan totoo!"
"Mom, please. Tigilan mo na 'yang mga kasinungalingan."
Napakunot ang noo ko.
"Maximo, anong pinagsasasabi mo?"
Huminga siya nang malalim. Halatang hirap siya pero gusto niyang ilabas lahat.
"Last week, may natanggap akong envelope. DNA test result. Negative daw. Hindi raw ako anak ni Daddy. After a few days, may nag-email. Blackmail. Sabi nila, ibubunyag nila 'yung totoo kung magpakita ako sa presentation."
Parang may tumama sa dibdib ko. Pinipigilan ko umiyak pero ang bigat na. Parang may sumisiksik sa puso ko.
"Max... sure ka bang totoo 'yan? Paano kung peke 'yung result? Paano kung gawa-gawa lang para sirain ka? Para guluhin ka? C'mon, kahit sinong tanga, hindi agad maniniwala diyan!"
Pero kilala ko si Maximo. Hindi siya magsasalita nang ganito kung wala siyang hawak na matibay na ebidensya.
"Nagpa-test ulit kami sa ibang lab. Lumabas kaninang umaga. Same result. Still negative. I'm sorry, Ate... sorry kung nadisappoint kita."
Napahawak ako sa ulo ko. Umiling ako, paulit-ulit.
Hindi... hindi puwedeng totoo 'to.
"Mommy Susane is my biological mom. Pero... hindi namin alam kung sino talaga ang tatay ko."
Tumingin ako kay Tita Susane. Umiiyak na siya, nanginginig ang labi. Pero imbes na maawa, mas lalo akong uminit.
"Talaga, Tita Susane? Hindi mo alam kung sinong nag-shoot ng sperm cells sa'yo noong gabing 'yon?"
Lalong nanlaki ang mata ng lahat. Pero wala na akong pakialam.
Putcha. Ganito pala siya ka-wild noon pero ganon siya kagrabe kung siraan si Mama?!
"I was drunk. Broken. Hindi makaalis si Daddy sa Mommy mo, Onalisa. Pero isang beses lang 'yon... at hindi ko alam kung sino. I swear."
"Now I understand," bulong ni Maximo, "kung bakit hindi ako binigyan ni Daddy ng same inheritance gaya ng sa'yo, Ate. He already knew. Kaya hindi na rin ako nagpakita sa kompanya. What's the point? Ayokong manloko ng tao."
"Pero dapat lumaban ka pa rin, Max!"
"They'll only vote for me because they think I'm Daddy's son. Pero kapag nalaman nila ang totoo? I won't just lose the election. I'll lose everything. The company. The respect. Everything. Especially now... na kailangan natin ng pera. Masakit, Ate. Pero maybe ito talaga ang tadhana ko. Hindi maging bahagi ng pamilyang 'to—hindi sa batas, at hindi sa puso ni Daddy."
Tumakbo ako palapit. Tinitigan ko siya. Lahat ng features niya, kilalang-kilala ko. Ang mga mata, ilong, panga—dugong Gwen.
Yung boses niya, parang kay Kuya Jonas.
Yung talino niya, yung diskarte—he is a Gwen!
"Max... kahit negative 'yung result, hindi ko kailanman naramdaman na hindi kita kapatid. Sa puso ko, kapatid pa rin kita. At alam ko, pati si Daddy. Hindi niya tayo pinalaki nang may pagkakaiba. Hindi naman sana natin ito malalaman kung walang blackmail, 'di ba? He loved you, Max. Like you were his own son."
Naiyak siya. Sunod-sunod. Gusto ko siyang yakapin pero naunahan ako ni Tita Susane, na ngayon ay humahagulhol at paulit-ulit na humihingi ng tawad.
Umatras ako ng bahagya. Binibigyan ko sila ng espasyo.
Si Tita Susane, para sa anak niya. Hindi ko siya kayang kunin ngayon.
At doon ko naintindihan.
Siguro ito 'yung dahilan kung bakit may kondisyon si Daddy sa last will niya.
Kasi alam niyang ako lang mag-isa. Walang karamay. Walang tunay na kapatid.
Oo, may Lolo. May mga Tito. May mga pinsan. Pero lahat sila... kontra sa akin.
Gusto ni Daddy na makahanap ako ng makakasama.
Nang pwedeng pagkatiwalaan. Nang pwedeng buuin ang sarili kong pamilya.
Para may magpatuloy sa pangalan naming Gwen.
Ngayon, gets ko na si Daddy. Gets na gets.
BINABASA MO ANG
Onalisa's Fate
RomansaOnalisa's Fate [Edited 2025] Onalisa Gwen's life seemed perfect. Born into wealth, loved by her family, and set to inherit her grandfather Chairman Alfonso Gwen's empire-she was everything the world expected. But everything changes when the red stri...
