NAKASUOT ako ng aviator glasses habang katabi ko si Kuya Erick. Samantala, ang dalawang bodyguard ko ay nasa malayo. Kanina pa namin sinusundan si Seth dito sa mall, pero hindi ko inasahan na kasama niya si Vanilyn.
"Kunin mo na kasi ito! Mahirap masiraan ng sapatos sa trabaho! Bodyguard kita, okay? Paano kapag tumakbo ako? Paano mo ako hahabulin niyan?" Malakas na naman ang boses ni Vanilyn—walang pinipiling lugar o kasama. Sa sobrang ingay niya, madalas siyang iwanan ng mga manliligaw niya. Sobrang sakit sa tenga ng boses at isip-bata kung minsan... but I still love her.
"Please, Seth. Please, kunin mo na . . ."
Kailan kaya nalaman ni Vanilyn na bodyguard niya si Seth? Kasi ang alam ko, dati niyang sinasabi na wala siyang kilalang Seth Ventura. Ibig sabihin, nagsinungaling siya noon o ngayon lang talaga sila nagkakilala. Pero kahit alin pa doon, dapat minessage niya ako agad.
"Vanilyn, kailangan mo nang umuwi. Nag-aalala na ang mga magulang mo."
Mukhang ito ang mission ni Seth—ang pauwiin si Vanilyn sa bahay nila. Kaya pala hindi siya sumipot sa swimming pool noon, dahil kasama ko ang bestfriend ko. Kaya rin pala na-afford niyang mag-rent ng mamahaling condo at sasakyan—sponsored pala ng mga magulang ni Vanilyn. At kaya pala siya napunta sa kumpanya namin noon, dahil siya pala ang inutusan na magdala ng pagkain.
"Uuwi lang ako kapag... ginawa mo na akong girlfriend!" she pouted like a baby.
"Hindi ako puwedeng makipagrelasyon sa anak ng boss ko."
"Edi, mag-resign ka na. Ako na bahala sa future natin."
Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang kahihiyan.
"Sorry, Vanilyn. Hindi talaga. May nagugustuhan na akong iba..."
"Sino?"
Aalis na sana ako nang biglang marinig ko ang pangalan ko.
"Onalisa Gwen. Ilang beses na kami nagkita at nagkausap sa phone. Pero kahapon, simula nang makita niya ang katawan ng former CEO, hindi na niya ako minessage. May kumakalat din na pictures nila ni Sandro. Nagkabalikan na yata sila."
"OMG, Seth, diba may experience ka sa farming?"
"Oo, at ginagawa ko ulit iyon tuwing day off. Bumabalik ako sa probinsya. Bakit biglaan mong natanong? Ang layo ah? Haha."
Biglang tinakpan ni Vanilyn ang bibig niya, saka tumili sa sobrang saya. "Ikaw ang red string ni Onalisa! Ikaw ang nakita ni Lue Wisesun sa kanyang kapalaran na maging asawa!" Sa sobrang excitement niya, natamaan niya ang mga paninda, kaya nilapitan siya ng mga saleslady.
Si Seth naman, natulala lang sa narinig.
"Red string? Alam ko ang tungkol diyan. Sigurado ka bang isang farmer boy ang nakatakda sa kanya?"
Lumakad na ako palayo, at sumunod naman si Kuya Erick nang walang imik. Nagsalita lang siya nang makapasok na kami sa sasakyan.
"Ma'am, matagal na nating inaantay ang pagdating ng ka-red string mo. Walang alam si Vanilyn sa misfortunes na gagawin ni Seth sa buhay mo at sa buong angkan ninyo, kaya ganyan ang reaction niya."
"Baliw talaga ang isang iyon," sagot ko, sabay kuha ng wine bottle at tumagay. "What do you think, Kuya Erick? You've served our family faithfully for decades. Your opinion truly matters to me."
"Ma'am, alam kong masama itong nasa isipan ko, ngunit ito ang best option na nakikita ko sa ngayon."
"Tell me, please."
"You have to kill him."
Nilaro ko ang mga kuko ko na may red string design. "So, you suggest me to become a killer? Is that so?"
"To kill someone who is destined to kill the Chairman and harm Gwen's Corporation? Yes, ma'am, iyan ang best option na nakikita ko para matigil na ang lahat. Pero kung against ka sa bagay na iyon, may isa pa akong naiisip na paraan..."
"Ano iyon?"
"Puwede natin siyang i-frame-up at ipakulong nang higit sa apatnapung taon. Hindi niya magagawang pakasalan ka kahit makalaya siya, dahil matanda na kayo noon at baka may pamilya ka na. Siguradong hindi rin aabutin si Chairman ng apatnapung taon."
Kung apatnapung taon siyang makukulong, edi sisenta anyos na si Seth sa panahong iyon. Kawawa naman.
Ano nga ba ang mas malupit? Ang patayin siya o ang sayangin ang apatnapung taon ng buhay niya sa kulungan? Kung ako ang pipiliin, ano bang mas gugustuhin ko sa dalawa? Mas mabuti na lang sigurong mawala agad sa mundo. Kaysa mapag-iwanan ako ng panahon at tumanda ang pamilya ko nang hindi ko sila kasama.
"Hindi ba masyadong matagal ang apatnapung taon? How about making it at least fifteen years in prison?"
"It's up to you, ma'am. Sabihin mo lang kahit anong ipautos mo po."
Ang dami kong problema na dapat isipin—paano magiging CEO si Maximo? Sino ang magiging next CEO? Dapat ba bigyan ng second chance si Sandro?
At ngayon, biglang si Seth Ventura na ang naging priority ko sa lahat ng problema ko. Can't believe it.
Akala ko magiging stress relief ko siya. Ayun naman pala, siya ang villain ng storya ko.
Hindi ko pa rin ma-imagine na magpapakasal ako sa kanya, knowing na sisirain niya ang buhay ko. It doesn't make sense.
"Kuya Erick, give me some time to figure this out."
"Yes, madam."
BINABASA MO ANG
Onalisa's Fate
RomanceOnalisa's Fate [Edited 2025] Onalisa Gwen's life seemed perfect. Born into wealth, loved by her family, and set to inherit her grandfather Chairman Alfonso Gwen's empire-she was everything the world expected. But everything changes when the red stri...
