Chapter XIII

81 17 30
                                        

"ONALISA?" Niyugyog ni Seth ang balikat ko hanggang sa bumalik ako sa katinuan. Bumagsak ang tingin ko sa dala niyang baril—ito ang rason kung bakit nag-flashback sa akin ang lahat at nag-trigger ang trauma ko. Akala ko mawawala na sa akin si Sandro noon...

"Seth, ano ba 'yung sinabi mo kanina?"

"Gusto mo bang munang kumain?" alok niya.

Tumango lang ako.

Pumasok kami sa isang maliit na restaurant. Walang aircon. Hindi maganda ang interior design—so bland, parang pinaglumaan na lang na bahay. Yung ibang customers, nakataas pa ang mga paa sa upuan, at meron pang walang saplot pang-itaas.

"What kind of place is this? May sanitary permit ba sila?"

"Siguro? Hindi ko alam, Ona." Natatawa niyang sagot. Akala yata nagbibiro ako. "Dito mo matitikman ang pinakamasarap na lugaw sa Manila. Makakalimutan mo ang problema mo sa sarap ng lasa."

"Seriously? Bakit feeling ko dumadagdag ang problema ko dahil sa interior design? Can't they hire a good architect, ah?"

"Lagi kang kumakain sa mga mamahaling restaurant. Bakit hindi mo subukan ang ganito para malaman mo kung bakit binabalik-balikan nila?"

"Because it's cheap?"

"Maraming cheap na food... pero subukan mo rito, hindi ka magsisisi."

Ini-stretch niya ang isang kamay niya sa akin. Napaisip pa ako bago makipag-holding hands sa kanya. Medyo mainit ang kamay niya—unlike kay Sandro na laging malamig, parang bangkay.

Bakit ba lagi kong kinukumpara itong dalawa? Tama ba iyon?

After a few minutes of discriminating against this place—well, to be honest—I wanted to give them ten stars! First time kong kumain ng tuwalya at puso sa rice porridge. May tokwa at itlog sa maliit na plato. Kulay orange na rin ang lugaw namin dahil sa dami ng chili oil. But it was nice dahil unli porridge at mainit ang serving.

Actually, nakaapat na balik na nga si Seth sa counter para magpa-refill. Bukod sa masarap ang pagkain, nakakagulat lang dahil wala pang isang daan ang total price. Mabuti na lang talaga hindi natuloy ang pagtawag ko sa lawyer namin para ipa-shutdown ang lugar na 'to. Wala na akong babalikan na masarap na lugaw kung nangyari 'yon! Hehe.

Nag-iisip ako ng solusyon nang sirain ni Seth ang magandang flow ng mood ko.

"Onalisa, patungkol kanina... kung bakit hindi ako tumuloy sa swimming pool, may trabaho akong dapat gampanan. I'm sorry about it. Sobra akong nahihiya dahil ikaw pa talaga ang naghintay. You don't deserve this."

"Trabaho daw? Pero nandoon ka at nakasilip sa 'min? F*ck off, Seth, hindi ako pinanganak kahapon."

"Hindi ko pa masabi sa'yo ngayon, pero maniwala ka... nagta-trabaho na ako nang mga oras na 'yon."

"Wala namang issue kung sinabihan mo ako ahead of time. Sa totoo lang, kung hindi mo ako sinagip sa mga manyakis na 'yon, wala dapat akong utang na loob para samahan ka ngayon." I rolled my eyes.

Nilaro niya ang suot niyang relo habang nag-iisip ng sasabihin. Ngayon ko lang napansin ang mumurahin niyang relo. Okay naman ang design, pero hindi talaga siya sumisigaw ng yaman! Parang isang bagsak, sira na agad!

"Your job... has something to do with your gun, right?"

"Yes, but it has to be secret for now..."

Tumango lang ako at umiwas ng tingin sa maganda niyang mga mata.

To be honest, hindi ko na kailangan pang malaman ang details ng trabaho niya. Bukas, pangatlong araw na si Kuya Erick sa pag-background check sa kanya. Malalaman ko na rin naman ang lahat.

Onalisa's FateMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon