Chapter XI

80 20 35
                                        


BINABASA ko ang huling conversation namin ni Seth. Pumayag siyang makipagkita rito sa swimming pool, pero hindi siya dumating! Two hours na siyang late, pero hanggang ngayon, wala pa rin. Gusto ko pa naman sanang ipakilala siya kay Vanilyn, baka magkakilala sila dahil inimbitahan siya sa birthday nito!

Nakababad ang paa ko sa swimming pool habang nakatupi ang dulo ng pajama ko hanggang tuhod para hindi mabasa.

Kamuntikan na akong mahulog sa pagkakaupo nang may humawak sa balikat ko. "Jeez! Vanilyn!"

"Nasa'n na ang new friend mo? I thought he was just nearby." Palingon-lingon pa siya sa paligid.

Sumimangot ako at sinawsaw ang kamay ko sa tubig.

"I think he cancelled," mapait kong ngiti. Sobrang disappointed ako. Akala ko pa naman naiiba siya kay Sandro.

"BFF, sigurado ka bang andoon siya nung birthday ko? Kasi wala talaga akong Seth Ventura na kaibigan. Wala rin ang pangalan niya sa guest list. Baka isa siya sa staff namin, ah."

Impossible. Mas maganda pa nga sasakyan ni Seth kaysa kay Vanilyn.

"Baka hindi lang siya nag-fill up ng form. Don't overthink."

"Fine! Pero mag-iingat ka pa rin. Baka isa siya sa mga kidnapper mo?"

"Kung may plano siyang kidnapin ako, dapat matagal na niyang ginawa. Magkasama nga kami kahapon sa unit niya at wala siyang ginawang masama."

"You what? K-kayong dalawa lang? Have you kissed na ba, or more than that?"

"Gosh, he's not even my boyfriend!"

"Aba, malay ko. Parang napapadalas yata ang meet-up ninyo. May something na ba?"

Kinuha ko na lang ang wine glass sa gilid ko at nag-sip. "Walang something. We're just friends."

Biglang tumama sa amin ang sinag ng araw at napalingon kami dahil sa kumikinang kong heels.

"BFF, I like your rubies and stones heels!"

"I know, Van. You like all sparkling stuff."

"Saan mo nabili 'to?"

"Regalo sa 'kin 'yan ni Sandro. Limited edition sa London."

"Can I touch it?"

"Sure." Hinubad ko 'to at inabot sa kanya.

Tinutok niya ang heels sa araw para makita ang kinang nito. "This is a real carat..."

"Kailan ba siya nagbigay sa 'kin ng fake? Oh well, 'yong pag-ibig niya, fake." Natawa ako sa naisip ko. Isang malaking kahibangan. Hindi ko ba alam galit na galit ako sa mga lalaki ngayon, especially kay Sandro at Seth. Matamaan sana sila ng kidlat. Puro paasa. Urgh!

Matapos niyang itutok sa araw, ang next niyang ginawa ay kinutkot ang mga diyamante. Natatakot akong baka masira, but I have to trust its durability. If it's real, it won't break easily.

"Pwede bang masuot?" tanong niya.

"I don't mind."

Sinuot na niya ang stilettos at tuwang-tuwa pa sa pagtayo, parang bata. "Does it look good on me?"

Habang nagsasalita si Vanilyn, napansin kong may lalaking nakatago sa dulo, nanonood siya sa amin. Nung una, hindi ko siya kaagad nakilala dahil ang layo niya at medyo malabo mata ko. Kalaunan, na-realize kong si Seth 'yon.

Kung kanina ay disappointed ako dahil hindi siya nagre-reply sa mga text ko, ngayon naman ay nabu-bwiset na ako! What's wrong with him! Kanina pa ba siya diyan? Bakit kasi ayaw niyang lumapit!

Onalisa's FateMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon