NAKASUOT ako ng pink-belted blazer dress and white wedge na four inches ang taas. Nakapusod ang aking buhok at light makeup lang. Mabilis akong naligo, wala pang twenty minutes. Kasi naman, na-late ako ng gising. Mabuti na lang ay may professional stylist ako for my everyday look, kaya kahit nag-rush ako kanina, hindi naman halata, I always slay!
"Good morning, ma'am and sir."
Pagkatapak pa lang ng paa ko sa entrance, pumaling na ang ulo ng staff namin. Puno ang respeto nila kay Maximo dahil awtomatiko ang pagyuko nila. Pero kapag sa akin naman, jaw-drop sila.
"Ang init naman dito." Umakting akong naiinitan sa elevator at pumaypay gamit ang kamay. It's too crowded kasi. Dahil doon sa parinig ko, unti-unti silang lumabas hanggang kaming dalawa na lang ang natira.
"There's plenty of space, come in!" Sigaw ni Maximo.
Siniko ko naman ang kapatid ko, masyado kasing mabait. Paano siya titingnang CEO nito kung wala man lang kasungitang taglay? Minsan, kailangan ding maging cold para cool, noh.
"Salamat po, Sir Maximo. Pero ano... may nakalimutan po kami sa lobby kaya aalis na kami." Nag-agree silang lahat at sabay-sabay lumayo. Mabuti na lang mabilis silang makapag-pick-up.
Saktong pagsarado ng elevator ay tumawa na ako nang malakas. "Nakita mo ba ang mga mukha nila? Takot na takot sila sa 'yo! Sanayin mo na ang sarili mo sa ganyan, because you're the future CEO here!"
Nagkrus lamang ng mga braso si Maximo at tumitig sa salamin ng elevator, patingin sa akin.
"Ate, it's not cool; I'd call it a bad attitude. This elevator is made for everyone, not mine."
"Hayss, bakit ang layo ng ugali mo kay tita? Eh, mas malala pa nga siya." I pouted.
Hindi sinagot ni Maximo ang tanong ko hanggang sa makapunta na kami sa department ng Sales and Marketing.
Mahigit sampu ang cubicles. Lahat ay mayroong desktop at pa-letter L ang shape ng mga table. Lumapit sa amin ang HR assistant at ipinakilala ang buong team.
"This is Ameria Wills, our marketing specialist," pakilala niya. Tumingin ako sa isang babaeng mukhang teenager. Hanggang balikat lamang ang umaalon nitong buhok. Pinunasan muna nito ang kamay sa coat bago inilahad sa akin.
"I'm happy to finally meet you, Ma'am Onalisa!"
"Meet Liam Sand, our Promotion and Media Manager. He oversees all promotional activities and media strategies. He will be responsible for coordinating your overall schedule."
Tumingala ako para makita ang kabuoan niya. Malinis at healthy siyang tingnan dahil sa flawless skin. Maganda rin ang hubog ng katawan, parang sa mga Korean na matangkad at may kapayatan. Broad ang shoulders at may muscles sa braso. Ang layo na ng physical looks niya kumpara noon.
Pero sayang talaga. Hindi na ako nakikipagbalikan sa ex ko, eh.
"Nice seeing you again, Mr. Sand," makahulugan kong bati habang nakangiti. Nagsimula naman ang bulong-bulungan sa paligid na para bang mga bubuwit. Maging si Maximo ay medyo nagduda na rin.
"I'm also glad to see you, Ma'am Ona," malumanay niyang tugon. Unti-unting nawala ang ngiti ko nang mabasa ko ang gustong ipahiwatig ng mga mata niya. He acted like he didn't know me and that we'd never been together!
Siguro nga, hindi pa rin niya ako napapatawad. Na-impeach kasi siya sa pagiging SSG President dahil sa akin—dahil sa kodigong ibinigay niya. At least, hindi expulsion ang punishment sa kanya, but I think worse pa rin ang nangyari since mataas ang posisyon na kinabagsakan niya because of me.
BINABASA MO ANG
Onalisa's Fate
RomansaOnalisa's Fate [Edited 2025] Onalisa Gwen's life seemed perfect. Born into wealth, loved by her family, and set to inherit her grandfather Chairman Alfonso Gwen's empire-she was everything the world expected. But everything changes when the red stri...
