NANDITO ako sa harapan ng dalawang computer screen at isang tablet, kung saan nagda-drawing ako ng designs gamit ang Adobe Fresco. Weekly, may bago akong draft. Nakalagay lang sila sa isang folder—more than 100 designs na rin ang nagawa ko.
Ito talaga ang passion ko. Gusto kong maging isang sikat na fashion designer. Pero tuwing nag-a-apply ako sa malalaking kumpanya, modelling ang ino-offer sa akin, kahit fashion designer naman ang posisyon na hinahanap ko. Mas malaki nga ang sahod nila para sa models, pero hindi naman kasi pera ang habol ko!
Kapag naman sa small companies ako nag-a-apply, hindi rin ako pumapasa dahil overqualified daw ako. Hindi raw nila ako kayang bigyan ng mababang sahod, kahit okay lang naman sa akin kahit magkano. Pero bawal daw iyon—business policy.
Kaya heto ako ngayon, sinasarili ang lahat ng creativity ko. Kapag naging CEO na si Maximo, saka na lang ako mag-a-apply sa kumpanya namin. Hindi ko kasi magawa noon, dahil baka i-promote lang ako nang i-promote ni Daddy. At least ngayon, makikinig sa akin si Maximo.
Maya-maya, may kumatok sa pinto at pumasok sa loob. Isang dalagang katulong ang yumuko, at sa badge niya ay may nakasulat na Xianne. Kahapon lang siya hinire ni Maximo.
"Ma'am Onalisa, nasa ibaba na po si Atty. Wang at pinatatawag na po kayo ni Madame Susane. Nasa sala po sila ngayon at—"
I cut her off.
"Fine. I hate long intros. Get out now!" sabi ko nang may awtoridad.
Magkahawak ang dalawa niyang kamay at ngumiti siya nang dalisay. Wala siyang makeup, pero nangingibabaw ang ganda niya sa buong pamamahay namin.
Her face looks familiar... I think classmate sila noon ni Maximo.
"Ma'am, maghihintay po ako sa labas ng pinto," aniya bago lumabas.
Tumayo ako at tumingin sa sarili ko sa malaking salamin. Kanina pa ako nakabihis. Suot ko ang isang eleganteng floral tube top at yellow shorts. Naka-full wave curl ang buhok ko, may suot na Gucci headband, at naka-heavy floral slippers ako.
Bago lumabas, nagsukat pa ako ng tatlong pares ng hikaw bago ako nakahanap ng bagay sa akin. I opted for yellow gold earrings and a matching necklace. Hindi ko namalayang natagalan pala ako sa pagpili ng accessories.
Pagdating ko sa mini office, naroon na sina Tita Susane, Maximo, at Atty. Wang. Soundproof ang silid, at nakasarado ang mga bintana. Marami namang office sa bahay, pero mas gusto ni Tita Susane ang theme na red—symbolizing power and wealth.
Ipinaghanda kami ng tea at croissant, at nagpausok din ng aroma bago umalis ang mga katulong.
Umupo ako, pinatong ang isang binti sa kabila, at nagsimulang kumain. Si Tita naman, parang laging galit sa suot ko. Napakasama na naman ng tingin niya sa akin.
Nagkumustahan saglit sina Tita at Atty. Wang—magkaklase pala sila noong elementary days. Maganda ang ngiti ni Tita, hindi OA pero captivating. Si Maximo naman, nakakasabay sa usapan lalo na nang mapunta ito sa business.
I was always out of place since birth. Pero okay lang. May sarili naman akong mundo. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagkain at pagtingin sa mabulaklak kong slippers. So cute.
"Onalisa."
Kumunot ang noo ko nang marinig ang pangalan ko. Hindi ba ako nabingi? Masyado kasing mahina kaya hindi ako sigurado.
"I was close to your father back then. He told me a lot about you," sabi ni Atty. Wang.
Ngumiti lang ako. Gusto ko sanang tanungin kung ano ang mga nakuwento sa kanya ni Daddy, pero baka maiyak lang ako kaya mas mabuting huwag na lang.
BINABASA MO ANG
Onalisa's Fate
RomanceOnalisa's Fate [Edited 2025] Onalisa Gwen's life seemed perfect. Born into wealth, loved by her family, and set to inherit her grandfather Chairman Alfonso Gwen's empire-she was everything the world expected. But everything changes when the red stri...
