Chapter XII

83 19 27
                                        


NAKAUWI na si Vanilyn sa unit niya, at ako naman ay kanina pa nakatambay sa rooftop, tinitingnan ang madilim at malungkot na buwan.

Ako lang mag-isa rito. Gusto ko yung tahimik at malamig na lugar. Yung dalawang bodyguard ko ay pinaiwan ko na roon sa baba kasi ayokong may makakita ng ka-dramahan ko. Tama naman si Vanilyn, drama queen ako.

Napatingin ako sa iPhone ko nang mag-ring ito. Sinagot ko ang tawag ni Seth.

"Where are you?" he asked.

"At the rooftop..." Tangina, bakit ko ba kinakausap ang isang ito?

"I'll be there in a minute."

Sige, hayaan ko na. Isang farewell goodbye ang gagawin ko, dahil aalisin ko na siya sa friend list ko.

Pagka-end ko ng call, saktong bumukas ang nag-iisang pintuan dito sa rooftop. Tatlong lalaki na mukhang adik, sabog ang mga buhok. Puno rin ng tattoo ang kanilang mga katawan.

Napatingin silang lahat sa akin.

Nung umpisa, hindi ko sila masyadong binigyan ng pansin, hanggang sa maglagay sila ng malaking kahoy sa bukasan ng pinto. Ginawa nila ito para walang makapasok.

The fuck? Bakit sila nakatingin sa akin?

Biglang tumakbo palapit yung dalawang lalaki sa akin. It's a signal code na nasa kapahamakan na ang buhay ko.

Kumaripas ako ng takbo at nagsisigaw ng malakas. Bukod sa main entrance, umaasa pa ako na mahanap ang exit door.

Bakit ba wala rito!?

"Onalisa, saglit lang!"

Kilala nila ako! Shit!

Na-corner nila ako dahil dalawang grupo sila. Yung isa nandoon sa likuran ko, at yung isa naman nasa harapan ko. Sinubukan kong kumanan, pero it's too late.

Niyakap ako ng isang adik sa bewang at binuhat. Sumisipa ako sa hangin at pinagsusuntok ko siya sa dibdib.

"Tell me what you need!?" I shouted to his ugly and dark face.

"Kailangan lang namin ng kaunting kasiyahan, miss."

"Name the price! I have tons of money!"

"Onalisa Gwen is for the grand price, uh-uh."

"You don't need my damn money? Huh?" Umiling sila at may sabik na tumingin sa katawan ko.

Seriously, pinagnanasaan nila itong payat kong katawan? Sa tingin ba nila worth it yung gagawin nila? Sa isang katulad ko, hindi ba sila natatakot sa consequences?

Mas matalino pa ngakung kidnappin nila ako dahil sa pera kaysa sa katawan!?

Hiniga niya ako sa lapag habang tinutusok ko ng malalim ang kuko sa leeg at mukha niya. Yung isang kasama ay humawak sa kamay ko at yung isa sa dalawang paa.

Napansin ko ang isang lalaki na unti-unti hinuhubad ang 54 million kong heels.

"I can give you a paid foreign woman na mas maganda at sexy sa akin! And may experience pa! We can negotiate for this."

"Sinungaling ka! Ipapakulong mo lang kami!"

"If saktan ninyo ako ngayon, hundred percent na makukulong kayo. Pero kung hindi, I'll give you a chance and give what your body wants. I can send someone else for you, and bring you in the most exciting and exploring room!"

Totoo ang sinasabi ko, I mean it. Marami akong kilalang agency na nag-offer ganitong service.

Unti-unti na nilang hinanap ang bukasan ng dress ko. Pero dahil mga hampaslupa sila at walang alam sa new trends, kaya hindi nila ako mahubaran agad. Next time nga, mag-i-innovate na ako ng damit na may lock.

Onalisa's FateMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon