Chapter XX

80 16 25
                                        

PINILI kong makipag-usap sa kanya rito sa mini office namin kung saan walang ibang makakarinig at hindi rin sakop ng CCTV. Hindi na rin ako nag-prepare ng food niya dahil ayoko siyang i-consider as my guest.

Nakasuot siya ng white polo shirt at black pants. May dala rin siyang laptop bag. Ready na ready siya sa gaganaping tutor niya mamayang gabi. Wala siyang kamalay-malay sa kapahamakan na mangyayari sa kanya.

"I'll give you ten minutes to discuss with me your important things to say."

"Kahit 1 minute pa, basta basahin mo lang ito at aalis na rin ako." Tumayo siya para iabot ang isang bandpaper. "Gumawa ako ng contract bago kita ligawan. May pirma ko na rin 'yan, pirmahan mo na lang din kung agree ka. Kapag okay na, ako na bahalang ipa-notaryo para maniwala kang seryoso ako."

Kumunot ang noo ko at sinimulan na itong basahin.

Relationship Agreement

This agreement ("Agreement") is made between Seth Ventura ("Seth") and Onalisa Gwen ("Onalisa") on 1st April.

Terms:

Family and Work Boundaries: Seth agrees not to engage with Onalisa's grandfather, Alfonso Gwen, and to maintain a 10-meter distance from him. Additionally, Seth will not seek employment or involve himself in Gwen's Company or any other ventures associated with Onalisa.

Respect and Safety: Seth promises to never cause harm to Onalisa, physically or emotionally.

Acknowledgment:

If Seth breaches this promise, he will respect Onalisa's decision to distance herself permanently. Both parties agree to these terms to foster a healthy and respectful relationship.

"Oh my gosh, Seth, only crazy people do this!"

"Gusto kong malaman mo na hindi ko magagawa 'yung hinula ni Lou Wisesun. Kahit kailan, hindi sumagi sa utak ko ang pumatay. May dala rin pala akong NBI clearance, drug test, at nagpa-mental health screening din nung isang araw—and this is the result! I'm normal and there's nothing wrong with my head!"

Isa-isa kong tiningnan ang mga pinag-aabot niya para malaman kung legit ito. Pero hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa mga pinaggagawa niya. Halatang first honor ito sa klase, ah.

"Wala rin criminal history na ginawa ang parents ko o kahit sino sa pamilya namin. Mali ang nasa hula, Onalisa."

"Kung gano'n, eh 'di huwag mo akong pakasalan. End of discussion!"

"Hindi lang ako makapaniwala na 'yung taong gusto ko ay iniisip na sasaktan ko siya balang araw... dahil sobrang kabaligtaran nito sa gusto kong gawin sa'yo."

"B-bakit, ano ba ang gusto mong gawin?"

"Is to see you happy every single day. That's all."

For a moment, I was stunned.

Paulit-ulit na nag-e-echo sa akin ang huli niyang sinabi at nag-flashback din ang sinabi sa akin noon ni Sandro: "I'll protect you no matter what, but I can't promise you'll be happy with how I'll treat you." Versus sa sinabi ni Seth: "Is to see you happy every single day."

Si Sandro, gusto niya akong protektahan pero hindi niya maipangako na magiging masaya ako. Samantalang itong si Seth, ang focus niya ay ang kasiyahan ko.

Now it makes me wonder, bakit sobrang lungkot ko sa naging relasyon namin ni Sandro?

Ngunit paano naman magagawang pumatay ni Seth kung ang gusto lang naman niya ay mapasaya ako? Obviously, hindi niya 'yon gagawin kung alam niyang masasaktan lang ako nang sobra.

Onalisa's FateMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon