Chapter XXI

67 16 16
                                        

MAPAYAPA akong nagdo-drawing sa balcony room ko, habang marahang hinahaplos ang bahagi ng leeg ko na may nakadikit pang gauze pad. Mabuti na lang talaga at hindi malalim ang sugat—walang tinamong internal bleeding. Thank God.
Everything went well nung dinala niya ako sa ospital.

Pagkatapos kong magamot, sinabi ko na rin sa kanya ang totoo—na ako ang nag-frame up sa kanya para makulong. Akala ko sisigaw siya, magagalit, o tatalikuran ako. Pero kabaligtaran ang nangyari.

"I understand you more than anyone else, Onalisa..." mahina niyang sabi, pero ramdam ko ang bigat ng emosyon sa bawat salita.

"I'm sorry," bulong ko, halos hindi makatingin sa kanya.

"You know we can no longer meet again after this, right?"

"Yes... Thank you for saving me."

At ito na nga ang nangyari.
Pagkatapos ng gabing 'yon, tuluyan na kaming nawalan ng komunikasyon.
At sana, totoo na 'yon.
Sana kaya naming panindigan na hindi na talaga magkita—dahil sa totoo lang, pareho lang kaming panganib sa isa't isa.

Napatigil ang pagbabalik-tanaw ko nang biglang tumunog ang intercom. Tumawag ang head maid namin.

"Ma'am Onalisa, may bisita po kayong naghihintay. Gusto n'yo po bang ayusan namin kayo?"

Medyo may-edad na si Manang, kaya hindi rin ako gaanong kampante sa "ayos" na sinasabi niya.

"This shirt is fine. Sino ba 'yung bisita?"

"Si Madame Cyntai Cecilio po. Ang ina ni Sir Sandro."

What? Ina ni Sandro?
Anong ginagawa niya rito?
At bakit ngayon pa siya nagpakita sa akin?

This is very unexpected.

In-escort ako ng mga kasambahay papunta sa backyard, kung saan naroon ang swimming pool at mini garden.
Buti na lang may wood patio—hindi mainit ang kinauupuan nila.

Bukod sa dalawang staff na kasama ko, anim ang bodyguards ni Madame.

Tiningnan ko siya nang maigi. Sa tindig pa lang, halatang sophisticated. Maayos ang postura, elegante ang pananamit, at bawat galaw ay may kumpiyansa. Chinita ang mata niya—halatang may dugong Chinese. Pero kahit anong tingin ko, wala akong makitang kahit anong pagkakahawig nila ni Sandro.

Nag-abot siya ng kamay. Tinanggap ko naman.
Sobrang lambot ng palad niya—parang hindi pa nadapuan ng kahit anong trabaho. At nakakasilaw ang suot niyang diyamante.

Hindi ko alam kung anong aasahan. Hindi rin naman kailanman nagkuwento si Sandro tungkol sa pamilya niya. Pero base sa itsura ni Madame Cyntai, isa lang ang malinaw:

Mayaman na mayaman sila.

"I'm Cyntai Cecilio, Sandro's mother," aniya, may ngiting kontrolado.
"I apologize for consistently declining your invitations in the past—and now, here I am, uninvited."
Tumawa siya—'yung mayaman na tawa, pino pero may kumpiyansa.

I forced a smile. "Pinapunta po ba kayo rito ni Sandro? Nabanggit po ba niya na hiwalay na kami?"

Napanganga siya sa gulat—patunay na wala siyang alam. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko sa kahihiyan. Dibale, hindi naman siya ang magiging future mother-in-law ko, kaya wala akong kailangang i-guilty. Duh!

Sinenyasan niya ang mga bodyguards niya na lumayo, at ganoon din ang ginawa ko sa mga staff namin. We need privacy.

"Have a seat po," alok ko. Hinintay ko munang maupo siya bago ako sumunod. "Kakaiba po ang pangalan ninyo... Madame Cyntai." Sinubukan kong simulan ang maayos na topic.

Onalisa's FateMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon