NASA French baker kami ni Vanilyn, habang ang dalawang bodyguard ko na sina Ronny at Ugi ay nasa labas at may kinakalikot na gadget. Para lang silang naglalaro ng online games. But the truth is, hawak nila ay isang portable X-ray scanner na may kakayahang maka-detect ng handgun, bomb, or any metal threat sa tao. Nalalaman nila kung harmless ba yung tao sa paligid ko. Kung makakita sila ng suspicious person, binabantayan nila agad ito. Kapag marami naman silang nahuli, nagtatawag na sila ng backup o minsan ng pulis.
"Onalisa, sigurado ka bang nagta-trabaho ang mga 'yan?" Tumaas ang kilay ko kay Vanilyn dahil sa tanong niya. "Paano kung nanonood lang pala sila ng porn?" Humahagikhik na anito. Pilit siyang nagpapatawa kahit mamula-mula ang mata dahil sa pag-iyak.
Hindi ko sinagot ang tanong niya. Mas concerned kasi ako sa sitwasyon niya ngayon. Bakit nga ba kami narito?
"BFF, nagpa-reserve na ako ng staycation ko. Baka forever na akong hindi umuwi. Kailangan ko na yatang mag-asawa!"
Ilang beses na kasi niyang sinabi na mag-aasawa siya para makaalis sa kanila. Well, hanggang salita lang naman siya. Alam kong hindi niya kakayanin.
"Talaga ba?" taas-kilay ko.
"Gusto ko nang maging independent sa buhay. Pinapamukha nila sa 'kin na hindi ko kayang mag-isa. Puwes, babangon ako!"
I rolled my eyes. Nagpapatawa ba siya? As if namang makakatagal siya sa pagiging independent woman niya. Kilala ko siya. Parehas kaming maraming pangangailangan para ma-satisfy ang buong araw. Katulad na lang ng pagpunta sa derma, salon, spa, and sauna once a week. Pag-shopping sa malls and S&R twice a week. And pagpunta sa bar thrice a week. I doubt na makaka-survive siya kapag walang pera na galing sa magulang.
"Ano ba kasing rason, bakit ka lumayas?" Kanina ko pa ito gustong malaman. Kapag talaga mababaw lang ang dahilan, kokontakin ko kaagad ang parents niya. Minsan kasi may pagka-engot itong si Vanilyn. Noong nakaraang taon, ilang araw siyang hindi mahanap. Iyon pala, nag-isolate lang dahil namatay ang puppy niya. She is really a drama queen. But I still love her because she is so transparent and loyal.
"Pwedeng huwag mo nang alamin? Please?"
"E, di aalis na ako kung ayaw mo." Akmang tatayo na ako.
"Sige na, sasabihin ko na!"
Umupo ako nang maayos at hinintay ang sagot niya.
"Well, hindi kasi kumita ang soap business ko kaya naisipan kong mag-loan sa bank para patuloy pa rin 'to sa pag-operate. Hanggang sa lumaki ng lumaki ang interest. Hindi ko rin alam paanong mababayaran ang utang ko dahil sinisingil na ako ng banko!"
"Hindi naman kasi para sa lahat ang pagbi-business, Van. Hindi ka naman pinagttrabaho ng magulang mo. Sabi nga nila mag-model ka nalang or artista. They can produce a movie for you."
"Artista? Hirap nga ako mag-memorize ng script. Saka paano ako magiging model e wala pang 5'2 ang height ko. Gusto ko talaga maging CEO katulad mo."
Hindi naman ako CEO, gagi talaga ito.
"Fine CEO kung CEO. May pera naman kayo. So, bakit anong pinoproblema mo? Sobrang laki ba ng loan mo? Do you want me to help you..."
Umiling siya at nilaro ang straw ng juice. "Nah, hindi malaki sa'yo iyon pang shopping mo lang pero hindi ako manghihiram sa'yo Onalisa, gusto ko nga maging independent 'di ba? Naglayas lang ako dahil hindi ko gusto yung ginawa nila sa akin."
"What they did to you?"
"They made a deal na babayaran nila lahat ng utang ko pero hindi na ako mangingialam sa operations. Sa akin naka-register ang business pero ang gusto nila ay sila ang magde-decide kung paano patatakbuhin ang company. Pati rin yung profit, sa kanila lang. Ang reason kasi nila ay wala naman akong pera na nilabas at palpak ang pamamahala kaya bakit pa ako mag-e-earned."
BINABASA MO ANG
Onalisa's Fate
RomansaOnalisa's Fate [Edited 2025] Onalisa Gwen's life seemed perfect. Born into wealth, loved by her family, and set to inherit her grandfather Chairman Alfonso Gwen's empire-she was everything the world expected. But everything changes when the red stri...
