Chapter XXIV

79 13 12
                                        

SIMULA nang naging CEO si Sandro, malaki ang pinagbago ng kumpanya. Mas tumaas ang sales, both local and international. Tila ba matagal na niyang pinaghandaan ang pagiging CEO dahil sa sobrang daming pasabog.

Si Maximo naman, na-promote sa position. Si Tita Susane, nasa Korea pa rin at inaasikaso ang mga properties niya roon. Yung iba, nabenta na niya. Pero mas marami pa rin ang hindi pa.

Ako naman, freelancer na ngayon bilang Virtual Assistant. International ang mga kliyente ko kaya kumikita ako ng more than two hundred thousand per month.

Nagbawas na rin kami ng empleyado sa bahay. Ngayon, apat na lang ang katulong namin at anim na security guard. Dalawang buwan pa lang ang nakakalipas pero ramdam ko na yung malaking adjustment. Kung dati lahat ng ilaw nakabukas at 24-hour ang aircon, ngayon hindi na puwede. Wala na rin kaming personal chef. Mabuti na lang at marunong magluto si Xia. At feeling ko, mas naging close pa kami ngayong kaunti na lang kami rito sa bahay.

"Ate, nakita mo sa Facebook? Grumaduate na si Seth with flying colours," sabi ni Maximo habang kumakain. Katabi niya si Xia na naglalagay ng ulam sa plato niya.

"I don't have Facebook. How would I know?" Payapa akong kumain ng adobong manok habang nagsip ng pineapple juice.

"Wala na ba kayong conversation? Red string mo pa rin siya, ate. You should still meet sometimes kahit alam kong si Sandro naman talaga ang mahal mo," ngisi nito.

"Ang lakas mong mang-asar sa ate mo!" sabay kotong sa kanya ni Xia. Ganito kami ka-close. Close sa sakitan talaga.

"Magkaiba tayo ng sitwasyon, Max. Iba yung taong mahal ko at ka-red string ko. Your relationship doesn't have too many struggles like mine."

Matapos kong kumain, umakyat na ako sa kuwarto ko para magtrabaho. Home-based pala ang work ko. Pero dahil maarte ako, daig ko pa yung mga nag-o-onsite sa outfit ko. Paiba-iba rin ako ng background—minsan nasa garden, minsan nasa pool, o library. Mas mayaman din pala ako kaysa sa mga client ko. Kaya yung iba, nahihiya talaga, at madalas pa silang magbigay ng rewards and gifts.

Nag-spray ako sa mukha ko ng wake-up mist para magising-gising. Nagpuyat din kasi ako kagabi sa trabaho.

Pumasok na ako sa Google Meet at in-on ang camera at mic. Sumalubong agad ang isa kong Indian client.

"Hey, Ona, I just found out we need the pitch deck visuals by tonight. Can you handle it?"

"Tonight? That's tight, Mr. Raj, but I can shift my current workload and prioritize this. How many slides need design?"

"Around 10. Mostly charts and product visuals. We're presenting to investors tomorrow morning."

"Okay, I'll drop the social media batch I was working on and start this now. I'll send a first draft in 3 hours so we can review before final export. Any specific colour theme or layout?"

"Just stick with our usual branding. Keep it clean, professional."

"Got it. Let me get to work. I'll update you halfway through."

Nag-exit na ako sa call, nang biglang may tumawag sa phone ko. This is my work phone, kaya hindi ko na chineck kung sino ang caller. Nag-e-edit din kasi ako ng design sa laptop. Multi-tasking talaga, gosh!

"Hi, this is Onalisa. May I know whom I'm speaking with?" Masyadong formal na rin ang boses ko. Sanayan na lang talaga.

"Let's meet today." Hindi siya nagpakilala pero medyo familiar ang boses niya.

"Ah, sir. I don't meet with my client—"

"I'm not your client; I'm your future husband."

Muntikan na akong masubsob sa lamesa ko nang mabasa ang caller name. Yung isang iPhone pala yung nadampot ko—akala ko work phone!

Onalisa's FateMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon