NAGISING ako dahil sa sunod-sunod na tawag sa iPhone ko. Umupo ako at tinaas ang dalawang kamay para umunat. Dumulas ang kumot ko sa katawan ko, saka ko lang napagtanto na nakahubad pa pala ako. Nakalimutan kong magbihis kagabi simula nang umalis ako sa bathtub dahil sa sobrang antok.
Mabilis akong nagbihis at tinignan kung sino ang mga nag-message sa akin sa Telegram and WhatsApp.
Pero wala talaga, e.
I must be foolish to think na makikipagbalikan pa siya sa akin. Last conversation namin, doon pa sa island. Hindi ko man lang narinig ang side niya o humingi ng second chance, katulad ng mga nasa palabas. Parang ang dali lang sa kanya i-accept yung break-up namin.
Gusto ko sana siyang tawagan para pagalitan. Pero ako pala ang nakipag-break, kaya bakit ako pa ang makikipag-usap!?
Nag-ayos ako nang mabilisan. Pagkababa ko ng kuwarto, nakita ko sa dining room yung dalawang bodyguard na kanina pa naghihintay. Late na ako ng isang oras sa photoshoot ko, anong oras na kasi ako natulog kagabi, tapos pagod pa.
"Good morning, ma'am." Bati ni Ugi.
"Breakfast po muna." Paalala ni Ronny.
"No thanks, I'm really late."
Dumiretsyo kami sa basement at bumalandara ang mahigit bente na susi ng sasakyan. Kinuha ko na lang yung unang madampot ko na susi. Wala na akong oras na mamili pa, lahat naman sila ay pleasing sa mga mata. When it comes to cars, si Tita Susane ang mataas ang standard, not me.
"It's your BMW, ma'am." Sagot ni Ugi sa hawak kong key. Mabuti pa sila, kabisado ako, kasi hindi.
Nilakaran namin ang magkakadikit na mga expensive car. May ilang trabahador kami roon na naglilinis ng cars namin, at mayroon din kaming personal technician na nagche-check sa cars namin weekly. Nang makita nila ako, tumigil silang lahat sa ginagawa para batiin.
***
Mabilisan lang naman ang photoshoot na nangyari. Nasa higit 500 shots na ang nakuha sa akin ng photographer, at bawat oras, nagpapalit ako ng outfit at hairstyle. Yung mga naging popular na clothes ng Gwen's Fashion mula 1998 hanggang 2025 ay gagawan ng bagong photoshoot gamit ang iisang model, which is me.
Kaya sa bawat outfit, iba-iba rin ang makeup at hairstyle depende sa style noon.
Top 10 clothes lang naman ang napili. Kung susuotin ko lahat ng sumikat na clothes ng Gwen's Fashion, baka mamamatay na ako sa tagal nun.
Very fast forward, natapos na ang first batch ng photoshoot ko, at inabot kami ng 6 na oras kasi sobrang tagal ng make-up at hairstyle ko. After nun, pinapunta kaming dalawa ni Liam sa meeting hall. Hindi na nga ako nakapagpalit ng suot ko sa pagmamadali.
Nagre-report na si Maximo sa harapan nang dumating kami sa meeting place. Lahat ng staff sa department ng Sales and Marketing ay nandito. Kami lang ni Liam ang na-late dahil nga sa photoshoot sa BGC, at late rin naman talaga akong dumating doon, kaya kinulang kami sa oras.
"This year, we're excited to introduce our theme: 'The Comeback Project.' We'll bring to life again our top 10 highest-grossing clothes from 1998 to 2025, appealing to all ages. Our goal is to show that fashion knows no age or limits."
Pagkaupo ko, sakto namang minention ni Maximo ang pangalan ko.
"With my sister Onalisa's help, every outfit she wears becomes iconic again! Let's clap and celebrate the future success of this project!"
Nagpalakpakan sila at nag-co-congratulate na kahit wala pa naman. Paano siya nakakasiguradong sisikat muli ang mga iyon? Kaya nga nalaos, because the world is innovating! Nagbabago ang taste ng mga tao!
Super risky ng gagawin ni Maximo. Grabing pressure ang nilatag niya sa akin. Kapag hindi bumenta ang mga isusuot ko, bababa ang sales, at kapag bumaba, matatalo na siya sa election.
Is he even thinking straight? Gosh!
"I believe in you, ate. You're the princess of Gwen's Corporation, remember?" Aniya na parang nabasa lahat ng worries ko.
"Maximo, h-hindi ko kaya ito." Kinakabahan na talaga ako ng sobra.
"Ate, you don't follow trends; trends follow you." He reminds me how social media describes me.
BINABASA MO ANG
Onalisa's Fate
RomanceOnalisa's Fate [Edited 2025] Onalisa Gwen's life seemed perfect. Born into wealth, loved by her family, and set to inherit her grandfather Chairman Alfonso Gwen's empire-she was everything the world expected. But everything changes when the red stri...
