Prologue

16.9K 246 8
                                    

"Ate ang sakit." Naiiyak na sabi ng kapatid ko.

Nandito kami sa hospital ngayon dahil sumasakit nanaman ang puso niya. Bata palang ay mahina na ang puso ng kapatid ko, wala akong mahanap na kahit anong donor. Nawawalan na ako ng pag-asa.

I was planning na ako nalang ang magdonate pero maiiwan mag isa ang kapatid ko. Wala na si Mama at si Papa naman ay iniwan kami dahil sa kagustohan niyang maging isang sikat na aktor, ang sabi ng doctor ay magbayad lang ako ng 75K at sila na ang bahala sa donor, jusko saan naman ako kukuha ng ganon kalaking halaga? Gusto ko nang umiyak sa kawalan ng pag asa. May mga naipon akong pera at hindi pa sapat 'yon para sa 75K lalo pa't nagbabayad parin kami ng tubig at kuryente, diyos ko tulungan niyo po kami.

Wala na akong nagawa at iniwan ang kapatid ko sa hospital at hihingi ng tulong sa kaibigan ko, si Aria. Sana matulongan niya ako. Pagbaba ko ng jeep ay nag doorbell na ako, malaki ang bahay niya, noon ay gaya ko lang siya na mahirap pero ngayon ay asensong asenso na.  Baka matulongan niya ako sa paghanap ng trabaho.

"Oh Sol. Anong ginawa mo dito?" Tanong niya nang mabuksan ang gate. Pinapasok niya naman ako sa loob at pinaupo sa mamahaling sofa niya.

"Anong gusto mo? Juice, kape or anything?"

Umiling naman ako, " Wag na. Didiretsuhin na kita, a', walang wala na kasi ako, Ria. Wala akong mahanap na donor at sabi ng doktor ay kung magbabayad ako ng 75K ay sila na ang bahala sa kapatid ko. Hindi ko alam kong saan ako kukuha ng pera, nawawalan na ako ng pag-asa. " Pag sabi ko ng totoo at hindi na napigil ang pagtulo ng mga luha ko. Naramdaman ko naman ang mainit na yakap niya kaya mas lalong lumakas ang pag-iyak ko. Ilang minuto pa ang tinagal namin sa posisyong yon bago niya ako bitawan at harapin, binigyan niya ako ng panyo at tinanggap ko naman 'to. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at nagsalita.

"Sorry, Sol, pero wala akong mabibigay sa'yo napadala ko na kasi lahat kila mama." Nalungkot naman ako, "Pero pwede kitang tulungan paano umasinso. " Nakangiting sabi niya kaya napatingin ako sakaniya.

"Paano?"

"Handa kabang gawin lahat?"

Kinabahan naman ako, pero hindi naman siguro masama 'yon may tiwala naman ako kay Aria. " Basta wag lang akong pumatay, gagawin ko. " Sagot ko at tumawa naman siya.

"Stupid. This isn't illegal, uhm, well hindi ko masabi kong legal nga ba'to pero trust me walang patayan. This job called pleasurer, an Idol pleasurer to be exact."

A pleasurer?

" Simple lang naman gagawin mo, Sol. Papaligayahin mo lang siya hanggang sa matapos ang kontrata niyong dalawa, 500K sahod, G kaba? "

" H-hindi ko alam kong paano 'yan, Ria. "

" Don't worry, tuturuan naman kita... Game kaba? At tatawagan ko ang company para makapag apply ka agad, "

" 'Yan ba ang trabaho mo? "

" Mhm at hindi siya scam, a'."

" Sinong kleyente mo? "

" Bawal sabihin pero kabilang siya sa grupo ng Gold 7,"

Gold 7, the group that I stan.



___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

His PleasurerWhere stories live. Discover now