Chapter 14

3.6K 80 0
                                    


2 Months na ang nakalipas at ngayon ko binabalak na sagutin si Drix. Natapos na rin ang kontrata ko bilang isang pleasurer kaya hindi ko na client si Drix. Simula nong araw na nakita at nakausap ko si Rio Lee ay hindi ko na siya muling nakita, mas mabuti na rin yon dahil ayoko na ulit umiyak na siya nanaman ang dahilan. Drix never left my side, he was always there whenever I needed him. If I need help, he always makes me feel that he is right there.

He took me to his secret house and he said I was the first one he took there, even his friends didn't know anything about his secret house. Malaki at maganda ang secret house niya, maganda rin ang view kasi makikita mo talaga ang buwan at sa tuwing palubog na ang araw. Within two months I fell more and more in love with him, I didn't overthink his feelings for me because he gave me the assurance I needed.

Ngayong araw na ito ay binabalak ko siyang sagutin. Nandito kami sa secret house niya, nandito ako sa pool area mag-isa dahil bumibili pa siya ng pagkain. Alas 4 na nang hapon nang dumating siya, dumiritso siya papunta sa gawi ko at umupo sa tabi ko dala dala ang pagkain na binili niya. Pizza, bucket meal, and milktea. Si Luna naman ay nasa bahay at inaya ko siyang sumama dito pero ayaw niya raw kasi simula na ng pasukan nila at kailangan ko rin daw magsaya dahil nasa kanya lang palagi ang atensyon ko.

"Uy Sol kanina kapa tahimik ah, may iniisip ka ba?" Tanong ni Drix.

Ngumiti lang ako sakanya para sabihing 'wala' pero sa totoo ay kinakabahan ako kung paano siya sasagutin. Ang plano ko ay bago lumubog ang araw ay sasagutin ko siya. Tinignan ko ang langit at napangiti nang malapit nang mag sunset. I want our day to be memorable for me and for both of us.

"Drix." Seryoso kong tawag sakanya.

"Mhmm?" Mahina pero malambing niyang tugon.

I took a deep breath and hold his hand, I looked into his eyes and smiled.

"How do I start this?" I laughed to relieve the nervousness I was feeling, " I want to say thank you for loving a woman like me. Thank you for making me feel loved and letting me feel that I'm enough, like I deserved to be loved without reservations. You can tell me your worries and I'll listen just like how you listen to all my problems."

"I never knew I'd fall for you but what I do know is, I'll keep you until judgement day. I'm not a freak, but my love for you makes me a freak who can't close her eyes to sleep, who sleeps and can't stop thinking about you. Halos lahat na nang tungkol sa akin ay alam mo na at hinding hindi ako magsisisi na pinapakita ko sayo ang totoong ako. You need not say a word about how you feel for me, your eyes tell it all. How could it be that you mean so much to me when you only represent one thing in my life, and that's love, indeed, love is the greatest." Hindi ko na mapigilan pa ang maluha at ganoon din siya, I touched his cheek and wiped the tears that fell from his eyes.

Napatawa naman ako, "Masyado nang mahaba speech ko no?" Biro ko pa.

Tumawa naman siya, "Continue. I love hearing your voice."

I smiled, " I may not be able to give you the world, but I'll serve you the type of love that can't be dished in the finest restaurant. I love you better than riches and wealth, I'll stay through better than a friend. You're my only one. So, Drix Taylor, This is the day that I finally let my guard down and accept you to be the new protector of my heart. Sinasagot na kita."

Pareho na kaming lumuluha ngayon na nakatingin sa mata ng isa't isa. May gusto siyang sabihin pero walang kahit na anong salita ang lumalabas sa bibig niya, patuloy lang ang pag agos ng luha sa mga mata niya kaya niyakap ko siya.

"Shushhh, hindi ko alam kung umiiyak ka dahil sa saya or dahil sa ayaw mo eh," bulong ko pa habang nakayakap padin sakanya.

"Psh, sinong hindi maiiyak sa haba ng speech mo feeling ko dumudugo na ilong ko dito eh!" Humigpit ang yakap niya sa akin kasabay nang paghalik niya sa buhok ko, "Totoo naba to? Akin kana? Sinasagot mo na ako?" Parang batang tanong niya.

"Oo nga, sayong sayo na ako. Sinasagot na kita, tayo na." Natatawa pa ako.

"Ihh bakit ka natatawa?"

"Para ka kasing bata eh, ang cute mo."

Drix POV

Kami na!!!!!!

I can finally call her mine, fuck YES!

I've been waiting for this opportunity for a long time and finally she said yes to me! THE WOMAN I'VE LOVED FOR A LONG TIME IS FINALLY MY GIRLFRIEND!

Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko habang sinasabi niya ang mga salitang iyon sa akin, hindi ko mapigilang maluha habang nakikinig sakanya at kung paano niya banggitin ang mga salitang iyon habang nakatitig sa mga mata ko. Ako ang bumitaw sa yakap naming dalawa at tinignan siya sa mga mata niya, natuyo narin ang luha sa mga mata niya at hind nawawala ang saya sa mukha niya. She's happy, masaya siya sakin!

"Wala nang bawian ah, akin kana." Sabi ko habang nakangiti kaya tumango naman siyang habang tumatawa.

"Walang bawian." I held her cheek and gradually brought my face closer to her.

Our foreheads were touching and our lips were very close, she closed her eyes so I smiled and brought my face closer to hers and kissed her on the lips. I smiled between our kisses. This day was very memorable because we kissed in the middle of the sunset.

"I love you to infinity and beyond, Sol."

"I love you, Drix."

Natapos ang gabi namin na puro lang kami tawanan, I enjoy the day whenever she is with me, the joy in my heart cannot be quenched because she is finally my girlfriend. Dito kami natulog sa secret house ko at nang mag-umaga ay hinatid ko na muna siya bahay nila ni Luna at nagpaalam na ako para pumunta sa studio dahil may practice kami ngayon para sa upcoming concert namin.

Kahit napaka hectic ng schedule ko ay hindi ko nalilimutan na mag update kay Sol kahit na minsan ay wala akong matatanggap na reply sakanya dahil alam kong busy din siya sa paghahanap ng trabaho. Sa tuwing may free time ako kay lumalabas kami ni Sol para mamasyal at gumala, pinasuot ko narin siya ng mask at cap sa tuwing gumagala kami dahil baka madamay siya sa akin na magkaroon ng dating issue.

Naiintindihan din naman iyon ni Sol dahil ayaw niya rin daw ng nadadawit siya sa mga issue sa social media, kaya palagi kaming nag-iingat. Wala paring alam ang mga kaibigan ko na may girlfriend na ako, saka ko na siguro sasabihin ang tungkol dito. I want us to be lowkey. Pagkadating ko sa studio ay ako nalang pala ang hinihintay kaya humingi ako nang tawad at nilagay na ang mga gamit ko sa tabi para makapag simula na kami sa practice.

"Dude, parang naninibago ako sayo ah!" Sabi ni Jack.

"Sira ka talaga, mag focus na nga tayo baka mapagalitan pa tayo ng choreographer."

Hindi ko pa ata napapakilala ang Gold 7 nang maayos. Our group consist of seven members and I am the youngest among them. Si Kai ang leader ng grupo at siya rin ang pinaka mature sa aming pito. Si David naman ay ang magaling magluto sa amin, sa tuwing nasa dorm kami ay hindi kami nagugutom dahil siya ang tagaluto namin. Si Ace naman ay ang sleepy head ng grupo, siya ang pinakatahimik sa amin at ang palaging natutulog. Si Aiden naman ay ang pinaka close ko sa grupo, tinatawag siya ng mga fans ng playboy dahil kahit na sinong babae ang nilalandi niya. Siya rin ang nagturo sa akin non na kung magtabi ang lalaki at babae matulog ay mabubuntis kinabukasan ang babae.

Si Jack naman ay ang vocalist namin, siya ang mas malapit sa leader ng grupo. Si Gab naman ay ang living clown ng grupo, mahilig siya mag jokes at hinding hindi siya nawawalan ng sasabihin. Ang panghuli naman ay ako, sa aming pito ay ako ang pinaka inosente sa lahat at pinakabata. 26 years old pa ako habang sila ay 28-30 years old na.

Sa aming dalawa ni Sol ay siya ang mas matanda sa akin, 27 na kasi siya at ako ay 26 pa.

____________________________________________________________________________________.

His PleasurerWhere stories live. Discover now