Chapter 16

3.6K 75 1
                                    


"Nararamdaman ko na ang init dito sa Davao, omg nandito na tayo!" Masayang sigaw ni Luna habang nasa loob ng sasakyan.

Mahigit 1 hour and 30 minutes ang byahe namin dahil sa matinding traffic. Natatanaw ko na ang bahay namin dito sa Davao kaya napangiti ako, kaytagal na naming hindi nakabalik dito. It feels so nice!

Nang huminto ang sasakyan ay agad kaming nagsaya dahil senyales iyon na nandito na kami! Ako ang naunang bumaba dahil ako ang malapit sa pinto ng sasakyan, sumunod naman ang iba. Tinulungan din ng driver sa pagbitbit ng mga gamit si Ethan. Ang mga kapit bahay namin noon ay nasa labas at halatang hinihintay ang pagdating nami.

"Maayong pagbalik Sol at Luna!" Masayang bati nila kaya ngumiti kami.

"OMG! GIMINGAW KO NINYO!" Sigaw ni Luna at tumakbo palapit sakanila para yumakap, sumunod naman ako para makipag beso sakanila. Sila ang pinaka malapit na mga kaibigan ng mama namin kaya magaan ang loob namin sakanila.

"Mga amigo diay nako sila Aria at Ethan po," pagpapakilala ko sa mga kaibigan ko gamit ang wikang bisaya.

"Hi ka gwapa og gwapo oy,"

"Ano daw?" Bulong sa akin ni Aria.

Napatawa naman ako, "Ang ganda at ang gwapo niyo daw."

"Ay hehe, thank you po. Small things." Nag hair flip pa si Aria kaya napatawa naman sila. Pumasok na kami sa bahay at agad akong napapikit pagkapasok ko, Gosh!

Bawat sulok ng bahay ay may mga memorya na kasama ang sina Mama at Papa, mga panahong masaya pa kami. Ayokong mag drama kay ngumiti na lang ako at pinapasok na sila. Malaki ang bahay namin dito, may second floor din. Ang sa first floor ay nandito ang sala, kusina, at bathroom habang sa taas naman ay mga kwarto. Dito daw matutulog ang mga kaibigan ni Luna kaya pumayag naman ako. Sa master bedroom kami ni Luna, kwarto nina mama noon pero dahil dito matutulog ang mga kaibigan niya ay ako lang mag isa sa kwarto dahil doon siya sa mga kaibigan niya.

Si Ethan ay sa kwarto ni Luna matutulog at si Aria ay sa kwarto ko. Ang mga kaibigan ni Luna ay doon sa guest room, malaki yon at kasyang kasya silang magkakaibigan. Double deck ang higaan doon. Inayos ko na muna ang mga gamit ko at nilinis ang buong kwarto dahil medyo madumi. Hindi naman ganoon kadumi talaga dahil bago kami pumunta dito ay tinawagan ko si Tito Rex, kapatid ni mama na uuwi kami sa dito kaya pinalinisan niya ang bahay. Kahit matagal na ay hindi namin binenta ang bahay nato dahil it hold many memories, memories with my mom and dad. A memories that became a memory.

Gabi na nang matapos ako sa pagliligpit ng gamit ko. Habang nag-aayos ako ng mga gamit kanina ay nag video call kami ni Drix. He told me that he misses me na daw, tomorrow ang flight nila papuntang hongkong para sa shoot. Being a idol is really tiring, huh. Kasalukuyan kaming kumakain ngayon, ang ulam namin ay pancit at lumpia. Binigyan kami ng lumpia ni Aling Janna, kaibigan ni mama. Pancit naman ay bigay ni Aling Eva na kaibigan din ni mama, kaya hindi na ako nagluto pa ng ulam at kanin nalang. Habang kumakain ay masayang nag kukwentuhan ang mga kaibigan ni Luna at paminsan minsan ay nakikisabay din ako sakanila. My friends and Luna's friends get along very well.

"Laro tayo ng spin the bottle!" Sigaw ni Julia at may dala ng bote, umupo siya sa tabi ni Shane. Naka circle kaming lahat ngayon at katabi ko sa kanan ay si Ethan at sa kaliwa naman ay si Lou.

Inikot ni Julia ang bote at hinintay namin kung kanino tatapat ito. Napatawa kaming lahat ng tumapat ito kay Julia.

"Ay ano ba yan ako agad, sige dare dahil strong ako!"

"Message mo ex mo na miss mo na siya!" Sabi ni Jorjia kaya agad napasimangot ito kaya mas lalo kaming natawa.

"Hindi ko siya namimiss!"

His PleasurerWhere stories live. Discover now