Chapter 22

3.6K 79 0
                                    


Palagi akong tinatawagan ni Drix para kamustahin. Hindi siya makapunta dito sa bahay dahil sa schedule niya at malupit daw ang manager niya, hindi siya makatakas. Simula na ng mga rehearsal nila para sa concert kaya busy sila ngayon. I understand his busy schedule though kasi simula palang alam kong ganito talaga ang mangyayari sa amin pero hindi niya naman ako nakakalimutan na iupdate kaya panatag ang loob ko.

This past few weeks din ay palagi akong nahihilo at nasusuka. Hindi ko alam anong nangyayari sa akin pero baka stress lang to. Yung tungkol sa rumor ni Rio Lee ay napawi na dahil sa connections nito. Mabuti narin yon dahil baka sa paghahanap nila ng impormasyon ay mahanap pa nila kami at magulo ang tahimik naming buhay.

Kakauwi lang ni Luna galing paaralan at nagpasuyo ako sakanyang bumili ng hilaw na mangga. Excited akong lumabas ng kwarto at sinalubong siya na kakapasok lang at kinuha ang mangga na dala niya. I've been craving for mangos these days.

Walang sinabi si Luna kaya pumunta na ako ng kusina para balatan ang mangga. Mabuti na lamang at may bagoong pa dito, mangga with bagoong is the best. Maya maya pa ay tumabi sa akin si Luna at kumuha ng orange at binalatan iyon, agad akong napatakip sa aking ilong at inis siyang binalingan ng tingin.

"Luna, ang baho ng orange!" Nagulat siya dahil sa biglaang sigaw ko sakanya.

I can't explain my self, nagiging moody ako.

Lumayo siya sa akin at hindi parin inaalis ang tingin sa akin. Patuloy lang ako sa pagkain ng mangga kahit na naaamoy ko ang baho ng orange. Ang baho talaga.

"Ate, kelan last period mo?" Tanong ng kapatid ko kaya napakunot noo ako.

Nag isip naman ako ng maisasagot. 2 weeks akong delay, pero hindi ko naman inisip yon masyado. Baka sa stress lang talaga.

"2 weeks delay ako, bakit?"

"Bakit nahiligan mo na ang mangga? You don't like mango tapos ayaw mo ng bagoong kasi nababahuan ka. Orange is your favorite pero bakit ayaw mo na? Nag ce-crave ka ng weird foods like nutella with banana." Paliwanag nito sa akin pero patuloy lang ako sa pagkain ng mangga.

"Your point is?"

Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy, "My point is baka buntis ka." Prangka nitong sabi kaya napatigil ako sa pagkain ng mangga.

Buntis?

Ngayon pa nag sink-in sakin lahat. Ang pagiging moody ko, ang pa ce-crave ko ng weird foods, ang kahiligan ko sa mangga, at ang pagsuka at pagsakit ng ulo ko. Buntis nga ba ako? I forgot to take pills, 2 weeks delay ako period ko. Am I really pregnant?

Nagkatinginan kami ni Luna at hindi ako makapagsalita dahil sa iniisip ko. Possible nga na buntis ko pero paano ko sasabihin to kay Drix?

"Ate, para makasigurado tayo mas mabuti pang magpa check ka sa doctor bukas." Suhestiyon ni Luna kaya napatango ako. Maybe I should really get check up if I'm breaking or not.

Hindi maayos ang pakiramdam ko ngayon kaya nagpa alam na ako kay Luna at nauna nang pumasok sa kwarto. Humiga ako sa kama at nag-iisip kung ano ang posibleng mangyari sa amin ni Drix once na buntis nga ako. He wants to pursue his dreams first, he don't want a family yet. Paano na to? Paano na kami?

Natigil ako sa pag-ooverthink nang tumawag si Drix. I cleared my throat before answering the call.

"Hi Love, how are you?" He asked. His voice looks so tired.

I bit my lower lips before answering, "I'm okay. Are you tired? How's your day?"

I'm not okay because of the thought that I might lose you.

"My throat hurts because of singing, I'm worried that maybe I'll fuck up our performance. I'm not well."

"Drink your medicines, love. Eat on time and don't pressure yourself. I'm sorry if I can't go there but I'll be here rooting and supporting for you always." I heard him smile so I smiled too.

We talk a lot on what happened today but I didn't tell him the talk I had with Luna earlier. I think this is not the right time to tell him that and I'm not yet sure if I'm really pregnant.

Nandito na ako sa hospital kung saan nahospital si Luna noon. Nandito ako sa lobby habang hinihintay na matawag ang pangalan ko para pumasok na sa loob ng office ng Obstetricians.

"Ms. Sol Avery?" Maya mayang tawag ng nurse kaya kinuha ko ang sling bag ko at tumayo. "Pwede napo kayong pumasok." Sabi nito.

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago binuksan ang pinto. I saw Doctor Garcia sitting on her swivel chair. As long as she saw me, she smiled and tell me to take my seat. Umupo naman ako sa harap niya.

"Long time no see, Sol." Sabi niya at ngumiti. Palagi ko siyang nakikita noon dito sa hospital kaya naging kaclose ko narin siya.

I smiled, "Good morning po, Doc." Magalang kong sabi.

Tumayo siya at nagsuot ng gloves, "Ilang months na baby mo Sol?" Tanong nito kaya nagulat ako.

"Huh? Ah, I don't know yet if I'm pregnant po Doc that's why I'm here to get a check up if I'm really pregnant."

She nodded, "Palagi kabang nasusuka o nahihilo?" Tumango naman ako. "Come here. Humiga ka muna rito." Sabi niya kaya tumayo ako ang humiga doon sa tinuro niya. I don't know kung anong tawag dito.

Kumuha siya nung parang gel at nilagyan ang tiyan ko. I think this is what they call ultrasound? I don't know about these stuffs. Habang patuloy sa ginagawa si Doc ay ako naman ay kinakabahan sa magiging resulta. Napangiti ang doctor na hinarap ako, anong meaning ng ngiti niya?

"Congratulations, Sol. You're 2 weeks pregnant. Bibigyan kita ng schedule for your prenatal check-ups and I'll give you vitamins to keep your baby healthy."

I'm 2 weeks pregnant? I'm pregnant. I'm gonna be a mom. But I can't be happy right now, I am worried of how I'll tell this to Drix. He will not like it. I know. I might ruin his career.

Habang pauwi ako sa bahay ay lutang ang isip ko. Buntis ako. Binilinan ako ng doctor na bawal daw akong ma stress at kumain dapat ako ng healthy foods. Pagpasok ko sa bahay ay wala pa si Luna dahil nasa school pa. Ako lang mag-isa dito sa bahay pagpasok ko sa kwarto ay hindi ko na mapigilan ang maiyak. Hindi ko alam. Dapat ba akong magsaya o malungkot? Hindi ko alam. Wala to sa plano ko.

Kinuha ko ang picture namin ni Drix na nasa picture frame. We we're smiling here. Habang tinitingnan ko ang mukha ni Drix ay mas lalo lang akong naiyak. Paano na to, Drix? Ano ang maaaring mangyari sa relasyon natin? Kakasimula palang natin eh pero bakit umabot na sa ganito? Sinisisi ko ang sarili ko dahil sa hindi pag-inom ng pills. Kasalanan ko to eh.

Hindi ko namalayan na gabi na pala. Nagising na lamang ako nang may tumatapik sa akin at nakita ko si Drix sa harap ko. Parang naluluha nanaman ako habang nakatingin sakanya pero pinigilan ko ang sarili at niyakap na lamang siya.

"What's wrong?" He asked.

"I miss you." Mahina kong sabi at mas hinigpitan ang yakap niya. Ayaw kong bumitaw.

"Your eyes are swollen, did you cry?"

Hindi ako sumagot at tanging iling na lamang. Tumakas siya sa dorm nila para pumunta lang dito. Paglabas ko sa kwarto ay nakahain na pala ang panghapunan naming tatlo. Nagdala pala si Drix ng ulam. Habang kumakain kami ay kinakausap ako ni Drix at nagkukwento siya sa nangyari ngayon araw nato. Nagkukulitan silang dalawa ni Luna habang ako ay nakatitig lang kay Drix.

He really loves his career. Nasaktan ako sa naisip ko dahil alam ko na kung sasabihin ko sakanya ang pagbubuntis ko ay malaki ang mawawala sakanya bilang isang idol kaya hindi ko na muna ipapaalam ito sakanya.

I'm sorry.

________________________________________________________________________________________________.

His PleasurerWhere stories live. Discover now