Chapter 34

6.1K 108 0
                                    


Sol POV

"Mommy, let's play with daddy!" Tawag sa akin ni Francine na nasa likod ng bahay kasama ang daddy niya.

Araw araw nang nandito si Drix sa bahay namin at palaging may dalang pagkain at laruan para sa mga bata. Nandito ako sa kusina at naghahanda ng meryenda para sakanila, nasa tabi ko si France na nakatingin lang sa akin habang naghahanda ako.

Sinusubukan ni Drix na mapalapit sa mga anak namin pero si France ay umiiwas sa daddy niya. Palagi ko siyang nahuhuli na nakatingin kina Francine at Drix na naglalaro at parang naiinggit siya. Tinatawag siya ni Drix para sumali sakanila sa paglalaro pero umaalis lang siya at pumapasok sa kwarto, alam kong nasasaktan si Drix sa inaakto ni France kaya sinubukan kong kausapin ang anak.

"France, baby? Is there something wrong?" I asked while preparing juice.

He shook his head, "Nothing, Mommy."

Nilapag ko muna ang tray sa lamesa at umupo sa tabi ng anak ko. Hinawakan ko ang kamay niya kaya tumingin siya sa akin. Ngumiti ako sakaniya at hinawakan ang buhok niya.

"Bakit hindi ka sumasali kina Francine na naglalaro? Daddy wants to get close to you, ayaw mo ba non? You wished to meet him, right?"

Tumango siya at yumuko, "I want to play with them, too." Sabi niya at nilalaro ang mga kamay.

"You can join them too, baby. Talk to daddy, because I know he's hurt that you're ignoring him. You don't want that, diba?" Pagkumbinsi ko at tumango naman siya. Tumayo na kaming dalawa at dala dala ko ang tray na puno ng meryenda.

Nakahawak sa akin si France na nakayuko parin, nang makita kami ni Drix ay pumunta siya sa gawi namin at kinuha ang tray na dala dala ko. Tinawag niya si Francine na magmeryenda muna at lumapit naman ito sa amin. Nasa tabi ko si France habang sa kabila naman ay si Francine na kumakain ng cookies.

Tahimik padin si France at nakatitig ito kay Drix. Napansin niya naman iyon kaya ngumiti siya at kumuha ng cookies at binigay kay France.

"Do you want cookies?" Nakangiting tanong ni Drix sa anak at tumango naman ito. Tumingin sa akin si France kaya tumango ako sakaniya at kinuha niya naman ang inabot na cookies sakaniya.

Pansin ko pagsilay ng ngiti sa labi ni Drix kaya napangiti rin ako. Matapos mag meryenda ay naglaro na ulit sila at kasali na si France, habang ako naman ay nakangiting pinagmamasdan sila. Napatingin sa akin si Drix kaya iniwan niya muna ang dalawa na naglalaro at lumapit sa akin.

Umupo siya sa harap ng upuan ko pero hindi ko siya tinignan. Nasa mga bata lang ang tingin ko na masayang naglalaro. Natigilan ako at napatingin kay Drix nang hawakan niya ang kamay ko, babawiin ko sana ito pero hinigpitan niya ang hawak.

"Sol, can we talk?"

My brows furrowed, "We we're already talking."

Napakamot siya sa batok niya, "I mean, I want to talk about us. Our relationship."

"Relationship? What's our relationship? There's nothing to talk, Drix." Seryoso kong sabi at binawi sakaniya ang kamay ko.

Alam kong mahal ko parin siya pero masyado akong nasaktan sa nangyari sa aming dalawa. Pinapayagan ko siyang makita ang mga anak namin pero hindi ibig sabihin non ay ayos na kaming dalawa.

"I want us back, Sol. I want us to start again and this time ipaglalaban na kita. Handa na akong ipakilala kayo sa lahat, kung may mawala man sa akin ay tatanggapin ko na iyon kahit pa ang pagiging idol ko basta wag lang kayo. I can't lose you, again, not ever. Gusto kong ayusin ang relasyon nating dalawa at para narin sa mga anak natin." Pinipigilan niya ang luha sa pagtulo pero bigo siya. Hinawakan niya muli ang kamay ko.

His PleasurerWhere stories live. Discover now