Chapter 5

4.8K 105 9
                                    

Drix POV

Hay ano bayan, wala siyang text?! Hindi ba siya mahilig mag first move? Okay.. Crush naman kita kaya ako na muna ang mag first move.

To My future wife:

Hi ganda, good afternoon :)

Are you free today? Wala akong sched gala tayo?

Text me kapag nabasa mo to, hehe.

Ilang minuto pa at wala pa rin siyang reply! Baka hindi niya na re-receive texts ko? Bilhan ko kaya siya bagong phone?

5 minutes na at wala pa rin! Sira na ata phone ko. Ano ba yan!

"Drix, kakain na!" Tawag ni Ace.

Lalabas na sana siya nang tawag ko siya muli, "Ace, tawagan mo nga ako,"

Naguguluhan niya naman akong tinapunan ng tingin, "Huh? What for?"

"Sa tingin ko sira ata phone ko."

" What? That's a new phone, you just bought it last week."

" Dali na! Please! "

Naguguluhan man ay kinuha niya ang phone at tinawagan ang number ko. Tinignan ko ang hawak na phone nang mag vibrate 'yon. Pinatay na niya ang tawag at aakmang aalis na ulit nang tawagin ko siya ulit.

"Last na, send me a text. Hindi ata ako maka-receive ng texts."

"Hay, sira-ulo ka na talaga." Nag type siya sa phone niya at nagvibrate ulit ang phone ko.

From Ace:

Satisfied?

Nakaka-receive naman ah. Nilapag ko na muna ang phone ko at lumabas ng kwarto para kumain. Matapos naming kumain ay ako na ang naghugas ng pinggan. May lakad ngayon si Kai at Jack, uuwi na muna si David at Gab sa bahay nila, kami nina Ace at Aiden lang ang matitira dito sa dorm namin.

Matapos kong maghugas ay pumasok na ako sa kwarto ko, si Aiden ay nanonood ng tv sa salas at si Ace ay natutulog nanaman siguro. In-on ko ang phone ko at wala pa rin siyang reply! Galit na ako!

Mag ta-type na sana ako nang bigla siyang tumawag! Pinindot ko naman ang green button at nilagay sa tenga ko ang phone. Pinipigilan ko ang pagngiti nang magsalita siya.

Galit pala ako.

[Hey good afternoon, I'm sorry ngayon ko lang nabasa ang texts mo, may inaasikaso ako kanina e.] Bungad niya.

"Ah, gano'n ba? Busy ka?" Tanong ko.

[Oo, ngayon operation ng kapatid kong si Luna.] Sagot niya napatango naman ako kahit hindi niya kita 'yon.

"I miss you." Pagkasabi ko no'n ay binaba ko na ang tawag dahil sa hiya!

Namumula kong tinignan ang phone ko at may nag pop sakin na message galing sakaniya.

From My future wife:

Haha, imyt.

Gago! Nag i miss you too siya, amp! Bwhahahahaha alam mo talaga Sol kong paano ako mapangiti, e!

Pinaulit ulit kong basahin ang text niya at tumatawa, bakit short cut? Nahihiya ba siya? Haha, okay na 'yon nag I miss you too naman siya, bwahahaha, namimiss ko tuloy lalo siya. Puntahan ko nalang siya sa Hospital!

Nagmamadali akong nagbihis, black jacket, pants, black cap, at black mask dahil baka may makakilala sa akin. I put on my glasses too and apply chanel perfume. Nang okay na ay lumabas na ako ng kwarto at nagtatakang tinignan naman ako ni Aiden.

"Sa'n punta mo?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

"May pupuntahan lang ako," hindi ko na hinintay ang sunod niyang sasabihin at lumabas na ng dorm. Nang nasa parking lot na ako ay pumunta ako sa sasakyan ko dahil wala naman akong schedule ngayon kaya wala dito ang manager ko.

His PleasurerWhere stories live. Discover now