Chapter 2

6.7K 127 16
                                    

Sol POV

Shit. Ano ba kasi ang dapat kong gawin!? Ayoko mawalan ng trabaho kaya hinalikan ko siya sa lips, first kiss ko 'yon. Napapikit nalang ako dahil binabalot nanaman kami ng katahimikan, napaka awkward na tuloy.

Nang makarecover siya ay umubo siya at umiwas din ng tingin sa'kin, medyo malapit na kami sa isa't isa wala na kaming 1 meter distance, 2 inches lang ata ang layo naming dalawa.

Napatingin ako sakaniya nang tumawa siya halos mahulog pa sa kama, "Anong nakakatawa?" Tanong ko. Hindi niya ako sinagot at patuloy parin sa pag-tawa hawak pa ang tiyan.

"D-Drix? Anong n-nakakatawa?" Tanong ko ulit.

Tumigil siya sa kakatawa at tumingin sa'kin, " Napaka awkward mo kasi, haha, first time nating dalawa gagi. First kiss ko 'yon! " Natatawa niyang sabi habang namumula, napatawa rin naman ako ng mahina pero napatigil nang tumingin siya sa akin habang hawak ang bibig na parang gulat na gulat.

"B-bakit?"

"Woah, first time kitang makitang tumawa, tawa ka nga ulit ivi-video ko, hehe," Kinuha niya ang cellphone sa bulsa kaya binigyan ko siya ng makahulugang tingin, "Joke lang, wag kang maging awkward sa'kin.... Treat me as your bestfriend, I want to know you more, secret lang natin hehe, 'wag na natin sundin ang rules wala namang makaka-alam na sinuway natin, e,"

Napaka-daldal niya pala talaga, akala ko kasi tuwing on-cam lang siya madaldal pati rin pala off-cam. Tuwing may concert sila ay sa youtube lang ako nanonood at siya ang pinaka-ingay tuwing concert, napaka energetic niya. Siya ang lead rapper at main visual ng groupo nila, siya talaga bias ko at bias wrecker ko naman ay si Jack ang vocalist nila.

Bumalik ako sa ulirat nang umupo siya ulit sa kama at lumapit sa'kin habang nakangiti, "Let's forget about the pleasure thingy, let's be friends." Abot niya ng kamay para makipag shake hands, "Friends?" He asked.

Nag-alangan man ay tinanggap ko naman 'yon, being friend with an idol is such an honor, "Friends," Ngumiti naman siya kaya ngumiti rin ako.

Napaka-cute niya tuwing ngumiti siya, nagiging singkit ang mata, he has a white skin, no pimples, as in clear skin. Perfect nose line, perfect teeth, has a genuine smile, may dimple kaya mas lalong gwapo.  (Sunoo type >__^)

"Sol, kuwentohan mo naman ako tungkol sa'yo tapos mag ku-kwento din ako, hehe," sabi niya at hindi ko naman alam ang sasabihin, "Wag kang mailang o mahiya sa'kin, think of me as one of your bestfriends. Do I make you uncomfortable?" Parang nalungkot naman  siya kaya dali dali akong umiling para sabihing hindi.

"Hindi sa gano'n 'yon, hindi lang ako sanay magkaroon ng ibang kaibigan," mahina akong tumawa, "Ano ba ang iku-kwento ko? Mag tanong ka na lang, sasagutin ko,"

Tumango naman siya at ngumiti, "Crush mo'ko?"

Eh?

"Joke lang, haha," tawa niya kaya napatawa rin ako, "Seryoso na, anong type mo sa mga lalaki?"

Nag-isip naman ako, "Simple lang naman mga gusto ko sa lalaki, 'yong lalaking sigurado sa'kin, lalaking hinding hindi mapapagod sa ugali ko, at 'yong lalaking kaya akong ipagmalaki kahit hindi ako perpekto," napangiti rin ako habang sinasabi ko 'yon.

Tumango tango pa siya at tumingin sa'kin ng seryoso, "Can I be that man?"

Nagbibiro lang ba siya? I mean, he can't date me. I'm just nobody but a pleasurer and his fan, mag kakaroon siya ng dating issue pag-nagkataon. I don't want him to lose his career just because of that.

"N-nagbibiro ka lang diba?" Tanong ko at umiwas naman siya ng tingin at tipid na tumango, I let out a deep sigh not knowing why.

Drix POV

His PleasurerWhere stories live. Discover now