Chapter 15

4K 79 0
                                    


Sol POV

Birthday ni Luna sa susunod na araw at sakto rin na wala silang pasok for 1 week kaya kinausap niya ako na gusto niya na daw na magbakasyon kami sa Davao, kung saan kami lumaki. Nag-alangan pa ako nong una pero kalaunan ay pumayag din dahil alam kong namimiss niya na rin ang Davao, ako rin naman.

Sa Davao kami naninirahan noon pero nang mag-artista ang papa namin ay lumipat kami ng Manila. Nandoon din kasi sa davao ang mga kaibigan ni Luna at sabi niya ay gusto niyang i celebrate ang birthday niya kasama ang mga kaibigan niya. Kasalukuyan kaming naghahanda ng mga gamit dahil bukas ang alis namin papuntang Davao. Sinabihan ko si Drix tungkol dito kaya pupunta daw siya dito maya maya.

Nang masigurado kong nasa maleta ko na ang mga gamit na dadalhin ko ay lumabas na ako sa kwarto ko para silipin si Luna sa kwarto niya. Nagliligpit pa siya ng mga gamit habang kavideo call ang mga kaibigan niya na nasa davao.

"Ay nandito si ate oh," tinapat sa akin ni Luna ang camera kaya ngumiti naman ako nang makita ang mga kaibigan niya sa screen.

"Hi ate Sol! Mas lalo kang gumanda ah, pasalubong po" Biro ni Pia kaya napatawa naman ako.

"Si Pia pasalubong lang talaga nasa isip eh," sabi pa nang kapatid kong si Luna.

Sumingit naman ang iba pa kaya napatawa ako.

"Luna pagdating mo dito mag popogi hunting agad tayo!" Sabi naman ni Jorjia.

"Ey slay queen!" Singit naman ni Deni, gay friend naman nila.

Patuloy lang silang nagkukwentuhan magkaibigan kaya hinayaan ko na muna sila at ako na ang tumapos sa pagliligpit ng gamit ni Luna. Lumabas ako sa kwarto niya nang marinig kong may nag doorbell kaya alam kong si Drix na iyon.

"Hi, need help sa pag-aayos ng gamit?" Bungad niya agad.

"Tapos na akong mag ayos eh, halika pasok." Pinapasok ko siya sa loob ng bahay at dumiritso na kami sa living room.

Inaya ko siya sa veranda ng bahay para magkaroon din kami ng alone time. Nang nandito na kami sa veranda ay agad siyang yumakap sa akin kaya yumakap din ako pabalik.

"Ma mimiss kita," parang batang usad niya.

Napangiti naman ako, "1 week lang naman kami don eh."

"Kahit na. Kung wala lang akong schedule ay sasama sana ako eh, bakit ba kasi magkasabay pa yung schedule natin. Pupunta kayo ng Davao tapos kami may shoot naman sa Hong Kong, psh!"

Hinarap ko siya at nakanguso na siya ngayon, cute. "Para kang pato." Pang aasar ko.

"Nagiging mean kana simula nong sinagot mo ako! Hindi mo na ako mahal!"

Oh God.

"Seryosong usapan, kahit naman magkaiba schedule natin ay may ways pa naman para makapag communicate tayo ah, ano kaba? Pwede mo naman akong tawagan kapag free time mo."

Tumango naman siya at niyakap ako ulit, "Promise ko sayo kapang hindi na hectic schedule ko ay mag ta-travel tayo kasama si Luna."

Maaga kaming gumising ni Luna dahil baka mahuli kami sa flight namin. 6am ang flight namin kaya 4am palang ay gising na kami. Dito natulog si Drix sa bahay dahil siya daw ang maghahatid sa amin papuntang Airport. Nasa loob kami ng sasakyan ni Drix ngayon at papunta na kami ng airport. Nag stop muna kami sa isang 7/11 para bumili ng pagkain, si Drix na ang bumaba sa sasakyan at naiwan kami ng kapatid ko dito sa loob.

Natutulog si Luna sa likod habang suot suot ang head phone niya, nakikinig nanaman siguro ng music to. Madilim pa rin ang langit dahil alas kwatro pa ng umaga, nang makabalik si Drix ay may bitbit na siyang kape at cup noodles. Tinabi ko na muna ang pagkain na binili ni Drix para kay Luna at mamaya ko na lang ibibigay sakanya kapag gising na.

"Update me ha, I want to make sure you're safe." Bilin niya.

I nodded as response and eat my noodles. Minutes had passed at nandito na kami si Airport, 5am na at kanina pa umalis si Drix dahil baka may makakita pa sakanya dito sa airport. Hindi lang kami ni Luna ang uuwi sa davao dahil kasama namin sina Aria at Ethan, mga kaibigan ko.

Bakit nga ba wala ang dalawa dito?

"Sol!"

Tumingin ako sa likod ko nang marinig kong kay tumatawag sa pangalan ko. Nakita kong tumatakbo si Aria papunta sa gawi namin habang si Ethan ay nasa likod niya na bitbit ang maleta ni Aria.

"Hay akala ko nahuli na kami eh, nalate ako ng gising pucha hindi ako nakapag alarm!"

"Huy Aria hindi mo ako katulong ah, ikaw magdala nitong maleta mo napaka bigat! Ano ba dala mo at parang halos lahat ng gamit mo ay dala mo sa bigat nitong maleta mo?" Pagrereklamo ni Ethan nang makalapit siya sa gawi namin.

"Duh, mga skin care ko yan tsaka mga damit! Kaya nga may lalaki eh para siya ang taga buhat ng gamit, diba Sol? Hi Luna!"

Umagang umaga at ang ingay na nila. Malapit si Luna kay Aria dahil pareho silang madaldal, lumapit naman sa akin si Ethan at ngumiti.

"Good morning, Sol." Bati niya at ngumiti.

"Good morning, E." Bati ko pabalik. Masyado akong nahahabaan sa pangalan niya kay E nalang ang tinatawag ko sakanya.

Katabi ko si Ethan sa eroplano at si Aria at Luna naman ang magkatabi. Sinuot ko ang headset ko at nagpatugtog ng mga kanta ng Gold 7. Nag text ako kanina kay Drix bago sumakay ng eroplano.

Me: Hii love, sasakay na kami sa eroplano papuntang Davao. I miss you already!!

Hindi ako nakatanggap ng reply galing sakanya baka narin siguro at bumalik sa tulog yon dahil maaga siyang gumising para ihatid kami ni Luna.

Inaantok ako kaya pinikit ko ang mga mata para makaidlip muna, gigisingin naman nila ako kapag nasa airport na kami ng davao eh. Habang natutulog ako ay nararamdaman kong nilagay ni Ethan ang ulo ko sa balikat niya kaya hinayaan ko na lamang at natulog.

"Sol, gising na. Nandito na tayo." Nagising ako dahil may tumatapik sa balikat ko, iminulat ko ang mata at nakitang nasa airport na kami ng Davao. Kinuha ko na ang maleta ko at napansin na wala na pala si Luna at Aria.

"Bumaba na sila Luna, tara na ako na magdadala ng maleta mo." Sabi ni Ethan at kinuha ang maleta ko kaya nagpasalamat naman ako sakanya.

Nasa lobby na pala sila Luna at Aria at naghihintay ng sundo. Ang mga kaibigan ni Luna ang susundo sa amin dito sa airport, sabik silang makita ang kaibigan kaya they suggest na sila ang ang magsusundo sa amin.

Sasakyan nina Sheila ang gamit nila dahil Van iyon. Palingon lingon sa palagid si Luna para hanapin ang mga kaibigan.

"Luna! Ate Sol!" Sabay kaming napalingon nang marinig iyon.

Agad na patakbong sinalubong ni Luna ang mga kaibigan niya kaya sumunod kaming tatlo, yung iba pa ay nag-iiyakan dahil mahigit 3 years nadin silang hindi nagkita kita pa. Kumpleto ang mga kaibigan ni Luna na nandito. Nandito sina Shane, Julia, Sophia, Jorjia, Pia, Deni, Margie, Jea, Sheila, Sarah at Lou.

Nagyayakapan silang magkakaibigan kaya hinayaan nalang muna namin. Nang bumuwag na sila sa yakapan ay humarap sa amin ang mga kaibigan ni Luna at binati kami.

"Hi ate Sol, kamusta? Walang pinagbago maganda padin ah, skin care reveal nga." Biro ni Sarah.

"Asus ate Sol binobola kalang nyan, hinihintay niya lang yung pasalubong." Sabi naman ni Sophia kaya napatawa kami.

"Ah mga kaibigan ko pala, sina Ethan at Aria." Pagpapakilala ko sa dalawa kong kaibigan at binati naman nila ito.

"Tara na baka kanina pa naghihintay yung driver." Singit ni Jorjia kaya lumabas na kami ng airport.

________________________________________________________________________________________________.

His PleasurerWhere stories live. Discover now