Chapter 27

5.1K 84 1
                                    


"Ilang months na baby mo, Sol?" Tanong ni  Kia.

"2 months." Nakangiti kong sagot.

"Omg, ninang ako ah!" Sabay na sabi ni Zoey at Chloe.

"Ninong ako." Si Leonel naman.

"Ofcourse, ninang at ninong kayo ng mga anak ko." Agad na naghihiyawan silang lahat dahil sa sinabi ko.

Gabi na at nandito kami sa pool area ni Aria.

"Mga anak? Twin ba yan?" Tanong naman ni Tia kaya napatango ako ulit.

Kita ko ang gulat at excitement sa mga mukha nila kaya hindi ko mapigilan ang mapatawa. "Wala pa akong pangalan na naiisip para sakanila."

"Alam mo na ba ang gender nila?" Umiling ako para sagutin ang tanong ni Ethan.

"Gawan natin ng names ang babies ni Sol." Suhestiyon ni Ash at tumango naman sila.

Nag-iisip silang lahat ng pwedeng ipapangalan sa kambal ko. Tinaas ni Nyx ang kamay niya at malaki ang ngiting nakatingin sa akin. Hinihintay namin ang sasabihin niya pero agad na napailing kami dahil sa pangalan na sinabi niya.

"What if Red at horse ipangalan mo tapos kapag nawala yung isa tatanungin mo ang isa na Red nasan si Horse tapos pwede rin Horse nasan si Red, HAHAHA!" Malakas siyang napatawa sa sinabi at binatukan naman siya ni Ash dahil dito.

"Wala kang mapapala sa babaeng yan." Sabi ni Ash at napailing na lamang.

"What about Zion and Zia?" Suhestiyon ni Chloe. Napatango naman ako dahil maganda nga ang pangalan.

"Pero hindi pa natin alam ang gender eh." Si Alaina naman ang nagsalita.

"Let's just suggest names and let Sol chose. Gawa tayo ng names for both boy and girl because we don't know what will be the gender of the twin." Tia suggested and everyone agreed.

Patuloy lang sila sa pag sa-suggest ng mga pangalan at taimtim lang akong nakikinig sakanila. Maganda ang mga pangalan na binibigay nila except don sa Red at Horse na sinabi ni Nyx. Yung iba naming kaibigan ay hindi makapag overnight ngayon dahil sa may anak silang naghihintay sakanila. Si Ashtrielle, Nyx, Tatiana, ang unang umuwi at sinundo sila ng mga asawa nila dito sa babay ni Aria.

Ang natitira dito ay ako, Ethan, Leonel, Kia, Chloe, Alaina, at Zoey. Hindi kami sa kwarto matutulog lahat kundi dito sa sala para magkaroon kami ng bonding magkakaibigan. We turned off our phone para walang makadistorbo sa amin. This is our night.

Sina Leonel at Ethan ang kumuha ng mga blanket para ilapag dito at kami naman ang sa mga unan. Tulong tulong kami sa paglapag dahil tabi tabi kaming matutulog. Kaming mga babae ang magkakatabi at ang dalawang lalaki naman ang magkatabi, bali dalawa ang blanket na nakalapag dito para sa boys at samin. Dahil hindi pa kami inaantok ay naisipan ni Kia na maglaro muna kami ng spin the bottle but with a twist. Kung sino daw yung hindi makasagot sa mga tanong ay iinom ng alak, pero hindi ako kasali sa pag-inom dahil nga buntis ako. Excuse ko narin to dahil hindi talaga ako umiinom ng alak.

Inikot ni Aria ang bote at tumapat ito kay Kia. Tinaas ni Leonel ang kamay niya dahil siya ang gustong magtanong kay Kia.

"Ayusin mo 'yang tanong mo Lionbird." Pagbabanta ni Kia sa kaibigan.

Tumawa lang ito, "Bakit sa daming taong magustuhan mo, bakit si Mira pa na wala namang pagtingin sayo?" Bulgar na tanong nito kaya nagkatinginan kaming lahat.

Wow. Napaka intense naman ng unang tanong.

"Hmm, bakit nga ba? I really don't know why I still like her even though I already know the fact that she will never like me. Maybe because matagal ko narin siyang kilala and there's a side of her that makes me want to keep and protect her. Kung lalaki lang ako, siguro pwede kaming dalawa."

"Nandito rin naman ako sa tabi mo pero hindi mo nakikita ang halaga ko." Mahinang bulong ni Leonel at rinig na rinig ko iyon dahil magkatabi lang kami. Napatingin ako kay Kia pero parang hindi niya narinig at inikot na muli ang bote.

Hindi ko inaasahan na tumapat sa akin ang bote kaya nasa akin na ang atensyon nila. Si Chloe ang gustong magtanong kaya I just nodded and wait for her to ask her question.

"I've been thinking this question kanina pa. You know me that once I'm curious of one thing, I never stop para malaman 'yon. Who is the father of your twins?"

Sa aming lahat dito ay tanging si Ethan lang ang may alam na si Drix ang ama ng dinadala ko. It's not a bad thing to tell them about this right? They're my friends after all.

"Do you know Gold 7?" I asked them and they nodded as answer, "Drix Taylor. We've been dating secretly and just broke up 2 months ago." I heard them gasps and shocked.

Matagal sila bago nagsalita at parang pinoproseso pa ang sinabi ko. "Wait. Drix Taylor? The youngest member of Gold 7?" Pagkumpirma ni Zoey kaya tumango ako.

"Hell no! He's my cousin for fuck sake!" Ako naman ang nagulat dahil sa sinabi niya. Magpinsan sila?! Halatang kaming lahat dito ay gulat na gulat sa nangyayari. What the hell.

"Cousin kami sa mother side lang but we're not really that close kasi walang family gathering so I'm not able to meet my cousins. Well, I didn't expect that you guys are ex and the fact that you carry his child on your tummy. Wow." Hindi rin makapaniwalang sabi niya.

"Does he know that you're pregnant?" Chloe asked and I shook my head. I heard them gasp again, except Ethan who already know about this. He's the person who comfort me and stayed by my side when I needed someone to talk to.

"The day that I'm ready to tell him everything was the day our relationship ended. I've decided to support his decision because it's his dream afterall, I'll just raise our kids alone."

Nalulungkot ako habang pinag-usapan namin ito ngayon. Bumabalik ang sakit nong araw na hiniwalayan niya ako. Nandito pa rin ang sakit na dulot ng lalaking mahal ko.

"Pero hahanapin at hahanapin padin ng mga anak mo ang daddy nila, anong sasabihin mo?"

"I'll tell them the truth. They have the rights to know their father, kahit naman wala na kami ni Drix ay hindi ko naman ipagkakait sakanya ang mga bata kung sakaling magkita man sila o itanong ng mga anak ko ang tatay nila."

Totoo iyon. Dahil malaki ang posibilidad na magkita kami ulit at makita niya ang mga anak ko. Alam kong hahanapin din siya ng mga anak ko kung sakali, pero natatakot din ako dahil baka ayawan ni Drix ang anak namin at masaktan lamang sila. Saka ko na sana iisipin ang bagay na yon kung nangyari na.

Patuloy lang kami sa paglalaro hanggang sa mapagod na kami at mapagdesisyonan na matulog na. Bago ako natulog ay ininom ko na muna ang mga vitamins na binigay sa akin ng doctor. Katabi ko ngayon si Kia at sa kabila ko ay Chloe. Mahimbing na silang natutulog sa tabi ko habang ako ay nakatitig padin sa singsing na suot ko. Hindi ko hinubad ang binili kong singsing para sa amin ni Drix, this ring has a special meaning for me.

Ang ganda ng singsing pero mas maganda ito kapag kasama niya ang partner niya. Hindi na suot ni Drix ang singsing na binigay ko dahil nakita ko sa mga picture niya na hindi ito suot. Palihim ko siyang ini-stalk gamit ang dump account ko sa twitter at Instagram. I created a fan account to support him. Palagi akong nag-iiwan ng mga comments sa mga posts niya at sa tuwing mapansin niya iyon or magreply siya ay sumasaya na ako.

Kahit sa ganoong paraan man lang ay masabi ko sayong mahal kita.

________________________________________________________________________________________________.

His PleasurerWhere stories live. Discover now