Chapter 33

6.5K 125 0
                                    


Nandito kami ngayon sa isang coffee shop kasama si Drix. Nasa tabi ko ang dalawang bata at nasa harap naman siya, wala pang kaalam alam ang mga anak ko sa nangyayari. Bakit ang bilis naman ng mga pangyayari?

Hindi hinubad ni Drix ang suot niyang mask at kalo kaya hindi siya mamukhaan ng mga bata. Walang nagsasalita sa amin maging ang dalawang bata, seryosong nakatingin si France sa akin at kay Drix. Si Francine ay nakatingin lang din sa aming dalawa ni Drix na ngayon ay kanina pa nagtitigan.

"Mommy, is this a staring contest between you and mister Riri?" Naputol ang tingin ko kay Drix at napalingon kay Francine.

Riri.

Dumating ang order namin kaya nawala sa akin ang atensyon nilang tatlo. Mabigat sa pakiramdam na nasa iisang table namin ang ama ng mga bata. Hindi mawala wala ang kaba na kanina ko pa nararamdaman, parang nag slowmo ang paligid habang nakatitig ako kay Drix na hinuhubad ang suot niyang kalo at mask. Dumadaga sa kaba ang puso ko habang nakatingin sa kaniyang mukha.

Malaki ang pinagbago sakaniya pero ang mga mata niya ay malulungkot na nakatitig sa akin. Tumulo ang luha ko nang maalala nanaman ang mga memorya naming dalawa. Napatingin ako sa mga anak ko nang bigla silang tumahimik na taimtim na nakatitig sa lalaking naka upo sa harap namin.

"M-Mommy, he l-looks like kuya France." Sabi ni Francine na nakaturo pa kay Drix at sa kuya niya. Napakagat labi ako dahil sa tensyon na bumabalot sa amin.

"M-mom, kamukha niya yong lalaking kasama mo sa picture. You told us that the guy who's with you in the picture is our dad. Is this guy sitting infront of us is our daddy?" Tanong naman ni France kaya napaluha na lamang akong nakatingin sa dalawa kong mga anak at tumango.

Kita ko ang pagtulo ng luha ni France nang tumango ako. Tahimik lang si Francine pero umaagos nadin ang luha niya, tumingin ako kay Drix at tila natusok ang puso ko dahil pulang pula ang mga mata niyang nakatitig sa dalawang bata. Patuloy sa pag-agos ang mga luha niya pero walang ekspresyon ang mukha niya. Mabuti na lamang ay nasa sulok kami at hindi mapapansin ng iba na nag-iiyakan kami dito.

"T-That's right. He is your d-daddy. Drix, this is my twins. Our twins. Francine Rianna and France Yukiro." Pagpapakilala ko sa mga anak ko at napatakip siya sa bibig habang nakatingin sa mga bata.

Hindi ko na kaya ang nakikita ko ngayon at pakiramdam ko ay ang laking kasalanan ko. Naging selfish ako.

Tinignan niya ako ng puno ng emosyon, hindi ko matukoy kung galit ba iyon o ano. Isa lang ang sigurado ako, nasasaktan siya. Nasasaktan siya sa mga nalaman niya ngayon.

I'm so sorry, Drix. Sorry kung tinago ko sila sayo.

Drix POV

Hindi ako makapag-isip ng tama dahil sa mga nalaman ko ngayon. Hindi pa pumoproseso ang mga pangyayari sa isipan ko at nakita ko na lamang ang sarili ko na umiiyak sa harapan ni Sol. At sa mga anak namin.

May anak ako. Hindi lang isa pero dalawa at kambal pa!

Huminga ako ng malalim at pinipilit ko na hindi pumiyok, "P-Paano? I mean, b-bakit hindi ko alam? Bakit mo tinago? B-Bakit hindi mo sinabi sa akin noon pa man?" May kung anong bumara sa lalamunan ko habang tinatanong ang mga salitang iyon.

She took a deep breath before answering, "Do you remember the night when we ended our relationship?" She asked and I nodded. "I told you that day that I have something to tell you. I was about to tell you about my pregnancy that time but you said you wanted to break up with me. I was taken aback so I decided to hid my pregnancy, you told me that you want to pursue your dreams first so I supported you even if that means we can't be together anymore." Umiiyak nadin siya habang nagpapaliwanag sa akin. Hinahayaan ko lang siyang magsalita pero hindi nawawala ang sakit na nararamdaman ko.

His PleasurerWhere stories live. Discover now