Chapter 19

3.5K 71 0
                                    


Huling araw namin dito sa Davao ngayon kaya bibisitahin namin ni Luna si Lola sa sementeryo. Maaga pa lang ay nakahanda na ako at si Luna. Sina Aria at ang mga kaibigan niya ay hindi muna sasama sa amin dahil may lakad sila, kaming dalawa muna ng kapatid ko.

Hindi ko alam kung saan sila pupunta pero labas na ako don. Kumain muna kami ng almusal bago kami nagpa-alam sa mga kaibigan namin. Mag ta-taxi lang kami ni Lola papunta sa public cemetery sa davao. Medyo malayo yon dito sa bahay namin at dahil nadin sa traffic ay 10am na kami nakarating.

May dala kaming payong ni Luna dahil sa matinding init dito sa davao. Ako ang nagpapayong saming dalawa at siya naman ang nagbitbit ng kandila at bulaklak para kay lola. Huling punta namin dito ay 15 years old palang ako non at si Luna ay 8 years old pa non. Nang nasa harap na kami ng puntod ni Lola ay nilinisan ko ito dahil may mga dumi.

"Hi Lola, sorry natagalan kami ni ate ah? Matagal din kasi akong namalagi sa hospital eh ngayon lang ulit nakabalik dito. Kamusta ka la? Magparamdam ka nga kung okay ka lang,"

"Huy Luna." Sita ko sakanya kaya mahina siyang tumawa.

"Joke lang la, alam mo naman tong apo mo palabiro diba? La ang ganda ko parin no? Si ate binebaby padin ako hindi na nagbabago." Sumbong niya.

Nilagay ko ang bulaklak na dala ni Luna sa tabi ng puntod nito, sinindihan ko ang kandila at ngumiti.

"La sorry natagalan kami ni Luna sa pagdalaw ha? Medyo busy din kasi kami eh ngayon lang ulit nakabalik dito sa Davao. Magkasama na siguro kayo ni Mama jan no? Ikamusta mo kami ni Luna sakanya pakisabi mahal na mahal namin siya, kayong dalawa. We miss you so much, La." Pagkausap ko sa puntod ng lola namin.

"La alam mo si Ate may jowa na. Yung idol niya na crush na crush niya noon la jowa na niya ngayon, tinuruan mo ba tong manggayuma lola?" Napailing na lamang ako.

Well, she's Luna. Hindi siya nawawalan ng jokes.

Nagtagal pa kami ng ilang minuto doon ni Luna at kinakausap si Lola, kinuwento rin namin ang nangyayari sa amin at pati narin si Drix ay pinakilala ko kay Lola. Nangako ako na susunod na dadalaw kami dito ay dadalhin ko na ang boyfriend ko. Lola's girl kaming dalawa ni Luna kaya ganito kami kalapit sakanya. Nang makaramdam kami ng gutom ay nagpa alam na kami kay Luna at umalis na sa sementeryo.

Sumakay kami ng tricycle at doon kami kakain sa paborito naming karenderya nina Mama. Nong mga bata pa kami ni Luna ay dito kami palaging kumakain kasama si Mama at paminsan minsan ay si kasama rin si Lola nong nabubuhay pa ito. Inabot ko ang bayad kay kuya at bumaba na kami sa tricycle. Nagtinginan kami ni Luna at sabay na ngumiti dahil pareho namin na miss ang karenderyang ito, sayang lang at wala na si mama.

"Luna! Sol! Kayo ba iyan mga iha?" Sabay kaming napalingon ni Luna ng marinig ang pamilyar na boses na iyon.

"Ate Jemma!" Sabay naming sambit at patakbong lumapit kay Ate Jemma at niyakap ito.

Kababata siya ni Mama at ang may ari ng karenderyang ito. Maputi na ang buhok niya pero hindi ko maitatanggi na walang pinagbago sakanya, maganda parin. Maganda siya noon pa man pero ngayon medyo may kaedaran na pero nanaig padin ang ganda.

"Ate namiss kita. Ang ganda mo parin, ah?" Sabi ko at tumawa siya.

"Asus itong mga bata tong talaga, halika upo kayo dito. Na miss ko rin kayong dalawa, buti at nakabalik kayo dito."

"Ay syempre naman, walang makakatalo sa sarap ng luto mo ate Jemma. Alam mo na paborito namin ni ate ah, may discount ba to ate?" Pabirong sabi ni Luna.

Tumawa naman ito, "Sige na libre ko na to sainyo. Ihahanda ko na muna ang pagkain niyo, sandali lang ah." Paalam nito kaya tumango naman kami ni Luna at umupo na.

His PleasurerWhere stories live. Discover now