Chapter 9

4K 88 0
                                    

'' Kamusta lovelife, Sol?'' Nyx asked.

Nandito kami ngayon sa isang coffee shop, pagkatapos kasi namin magpa-enroll ay inaya kami ni Nyx na magkape sa harap ng University na coffee shop. Nakakahiya naman kung tatanggihan namin ni Luna lalo pa't sinamahan niya kami mag enroll. 

''Nako ate complicated po ang lovelife netong ate ko,'' sabat naman ng kapatid ko.

Siniko ko siya pero binigyan niya ako ng 'what look' tapos bumaling ulit kay Nyx. Parang sila lang dalawa ang nandito eh, nakikinig lang ako tapos sila yung nag-uusap.

''Ay bakit naman?'' 

''Teh kung hindi mo natatanong napaka famous nong lalaking nagkacrush kay ate, kilala mo ba kung sino?'' Agad na umiling si Nyx kaya lumapit si Nyx at may binulong ang kapatid ko na hindi nakaligtas sa pandinig ko, ''Si Drix ng Gold 7, secret lang natin ah.'' 

Gaya nga ng inaasahan ko ay agad napatakip ng bibig si Nyx at si Luna naman ay patango tango pa na sobrang proud at bumaling sa akin ang tingin niya at ningitian ako. Secret daw naming dalawa yun pero sinabi niya sa iba, tsk. 

Hindi naman sa may pagdududa ako kay Nyx pero kasi hindi pa naman kami lubusan na magkakilala tapos sinabi 'yon ni Luna sakanya, paano kung kumalat edi magka issue pa si Drix. Pagkauwi namin galing sa bahay ay nagtatalo pa kami ni Luna dahil sa sinabi niya kanina.

''Hay naku si Ate, dapat nga maging proud ka na gusto ka ni kuya Drix eh. Kung ako yon pinagsigawan ko na sa buong mundo na crush ako ng idol nila, dapat ganon yon ate.'' 

''Hindi kasi Luna, hindi naman pwede na ipagkalat yon dahil baka maging issue pa at masira pa ang career ni Drix. Baka magalit pa siya dahil nagka issue siya nang dahil sakin eh ang ayos ayos ng career niya tapos masisira lang dahil lang don sa pinagsasabi mo. Buti nalang at walang ibang nakarinig.'' Kalmado kong sabi.

Lumapit siya sakin at niyakap ako, ''Galit ka ba? Sorry ate.''

''Hindi ako galit, wag mo lang uulitin yung ginawa mo kanina at baka may makarinig pa sayo.'' Tumango lang siya at bumitaw na sa pagkayakap sa akin. Dumiritso ako sa kwarto ko para magbihis at matapos ay naglinis na ng bahay.

Ayoko ng makalat, gusto ko yung malinis talaga. Walang alikabok na makikita, kahit kunting dumi ay wala. Ganiyan kami pinalaki ng mama namin at unti unti ay nasasanay na rin ako. Hapon na ng matapos ako sa paglilinis at humiga muna ako sa kama para magpahinga at maya maya ay maliligo narin ako. Kinuha ko ang selpon at agad na napangiti ng may mga messages si Drix doon. 

125 unread messages and 15 missed calls. Ang dami naman.

1:05 pm

Riri: Kakauwi ko lang galing sa isang event show, nakakapagod.

Riri: Kamusta? 

1:25 pm

Riri: Busy ka ba? 

Riri: wait kita, miss ko na kita huhu

2:20 pm

Riri: Bukas na balik namin sa Phil, yehey

Hindi ko na nabasa lahat nang may tumawag sa akin, dali dali ko naman 'yong sinagot nang pangalan ni Drix ang lumitaw sa screen.

'Hi, sorry hindi ako nakareply kakatapos ko lang maglinis dito sa bahay.' Bungad ko agad nang masagot ang tawag.

Rinig ko ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya, ' Ano ka ba ayos lang 'no, naiintindihan ko naman yun. Kaya ko naman maghintay. Free kana ba ngayon? Baka naistorbo kita.'

'Wala naman na akong gagawin, baka ako nakaistorbo sayo. Hectic pa naman scheds niyo ngayon diba?' 

'Free time na namin ngayon, pahinga nalang ganon dahil bukas balik na kami diyan. Gala tayo ha.'

His PleasurerWhere stories live. Discover now