Nasa Mall kami ngayon dahil mainit pa para pumunta sa park. Mamayang alas tres nadaw kami pupunta don. Nasa isang clothing shop kami at tumitingin ng mga damit.
Hawak kamay kaming naglalakad dito at ayaw niyang bitawan iyon. Kahit nakasuot siya ng mask ay alam kong nakangiti ito. May nakita akong magandang damit dito at alam kong bagay to kay Luna, bumitaw ako sa pagkahawak sa akin ni Drix at kinuha yong damit na nagustuhan ko. Kulay blue yon, sleeveless dress, bagay na bagay sa kapatid ko. Tinignan ko ang presyo at napa nganga dahil sobrang mahal! 3,500 pesos. Grabe, sa dibesorya na lang ako bibili.
"You want that?" Tanong ng katabi ko. Tinignan ko siya at agad na umiling.
"Tara na, ang mahal dito eh. Hanap tayo mas mura." Sabi ko at hinila siya pero nag matigas ito.
"Why not? Let's buy this, I'll pay. Pili ka lang ng gusto mo, bibilhin natin."
"Are you sure?"
"I'm always sure, dali na. Pili kana."
Gaya nga ng sabi ay binili niya yung dress na pinili ko para kay Luna. Nagmatigas pa siya na pumili pa daw ako kaya wala naman akong nagawa kaya pumili pa ako ng para sa akin. May nakita rin akong matching clothes kanina pero nahihiya akong bilhin, napansin ata 'yon ni Drix at kinuha niya ang damit na yon at binili. Palihim akong napangiti dahil doon. Palakad lakad lang kami dito sa loob ng Mall at kung may makita kaming magandang bilhin ay binibili rin agad nitong kasama ko. Ini-spoil naman ako nito eh.
"Uy Sol matching head band oh! Bili tayo tara." Hinila niya ako papunta ron sa isang shop na puro headbands.
Puro bata yung mga nandito at pumipili ng mga headbands. Napaka isip bata talaga nitong si Drix pero dahil don ay napangiti naman ako. Acting like a baby while I'm acting like a mom, napaka hyper naman nitong batang to.
"Sol suot mo to," abot niya sa akin sa isang headband na minnie mouse, sinuot niya naman yung mickey mouse.
"Sol picture tayo!" Masayang sabi niya at kinuha ang cellphone niya at inopen ang camera.
Agad naman akong ngumiti sa camera at siya naman ay nag peace sign. Binayaran ni Drix yung matching headband na pinili niya kanina at ngayon ay papunta naman kami sa isang food chain para kumain. Siya na ang pumila para makapag order ng pagkain at ako naman ay naghahanap ng bakanteng upuan. Doon kami sa may pinaka dulo dahil doon ang available at mas mabuti narin yon para wala masyadong makakita kay Drix na fans niya.
Hindi naman nag tagal si Drix at naupo na sa harap ko dala dala ang inorder niyang pagkain para sa aming dalawa.
"Wait lang picture ulit tayo," sabi niya at nilabas ulit ang cellphone para makapag selfie.
Wala naman akong nagawa at ngumiti nalang din sa camera at nang ilagay na niya ang cellphone sa bulsa ay doon na kami nag simulang kumain.
"Mahilig ka talaga kumuha ng mga pictures no?" Tanong ko pa.
"Oo, I want to take a photo every memorable days that happened so that I can just look at it whenever I feel sad. I have your pictures here, I stalked your social medias, so everytime I miss you I just look at it. I want to cherish every memories with you." Seryosong sabi niya habang nakatingin sa akin, napangiti naman ako.
"You really like me, huh?"
"Oo naman, I'm willing to risk everything for you." Ngumiti pa siya, "Ah pwede mo ba ako samahan mamaya? Bibili sana ako ng camera. Matagal ko ng gusto bumili eh kaso wala akong time."
"Yes sure."
Habang nag kumakain kami ay panay lang din pagkukwento si Drix tungkol sa kanya. Sa aming dalawa ay siya yung pala kwento, mga ganap sa buhay niya ay sinabi niya sa akin. I am his listener, he talks and I listened. I never get tired hearing his voice, I love it.
Habang kumakain kami ay napansin kong nakatingin sa amin ang bata na nakaupo sa kabilang table, katabi ng sa amin. Napansin niya ata na nakatingin ako sakanya kaya ngumiti siya sa akin at ngumiti naman ako pabalik. Umalis muna saglit ang mama niya at tumayo naman siya, akala ko ay susunod siya sa mama niya pero papunta siya sa gawi namin. Napansin iyon ni Drix kaya agad siyang ngumiti.
"Ikaw po si Kuya Drix, diba po? Member ng Gold 7?" Inosenteng tanong ng bata kay Drix.
Nag 'shhh' sign si Drix at tumingin sa bata, "Secret lang natin yon ah?"
Masayang tumango ang bata at tumingin sa akin at ngumiti, "Ang ganda mo po."
Agad akong napangiti dahil sa sinabi niya, "Thank you, you're so pretty din." Napangiti naman siya dahil doon.
Dumating na ang mama niya kaya nagpa alam na siya sa amin. Tapos na rin naman kami ni Drix kaya lumabas na rin kami at pumunta doon sa shop kung saan bibili siya ng camera. While we were walking, he just held my hand and didn't want to let go.
Nang nasa loob na kami ay agad siya namili ng mga camera na gusto niya, he really like photographies huh. Habang namimili siya ay pinagmamasdan ko lamang siya, kita ko na sayang saya sa habang nakatingin sa mga camera. I am happy every time I see him happy.
Nang makapili na siya ay binayaran na niya ito sa counter. Matapos namin dito sa mall ay lumabas na kami para tumungo naman sa park. Wala pang alas tres pero wala naman kaming ibang puntahan kaya mag eenjoy nalang kami sa park. Hindi narin naman ganoon ka init kaya okay narin.
Nag palit din kami ng damit, sinuot namin yung matching shirt na binili namin kanina. There is a print on the front of my shirt of infinity and Drix too but the words are different. Ang sa akin ay 'To Infinity' at sakanya naman ay 'And beyond' it looks so cute. We even wear the matching headbands we bought earlier, hindi na siya nag suot ng cap. Naka mask padin siya dahil public place itong pinuntahan namin at hindi malabo na may nakakakilala sakanya dito.
Hawak kamay padin kaming naglalakad, bitbit niya ang picnic basket na dala namin kanina na ang laman ay mga pagkain. Nakahanap kami ng pwesto kung saan hindi masyadong mainit kaya nilapag ko doon ang picnic blanket.
"Tara rent tayo ng bike," sabi ni Drix.
"Hindi ako marunong."
"Sakay ka nalang sa likod, ako mag b-bike." Tumango naman ako kaya masaya siyang umalis para mag rent ng bike.
Sa totoo lang ay marunong akong mag bike pero dahil gusto kong maenjoy ko ang moment na kasama ko siya ay nagsinungaling ako.
"Sol!" Napalingon ako dahil sa narinig ko. Kumakaway kaway pa siya kaya tumayo ako at pumunta sa gawi niya.
"Sakay na," masayang sabi niya kaya sumakay ako sa likod. Siya ang nag pepedal habang ako ay nakahawak lang sa bewang niya.
Bigla siyang nag brake kay napayakap ako sakanya, "Much better." Rinig ko at napatawa na lamang. Nakayakap na ako sakanya at nakangiti habang siya ay nagpepedal.
I closed my eyes to feel the air. Naramdaman kong napatigil kami kaya napamulat ako.
"Anong meron diyan?" Tanong ko kay Drix. Ang daming tao kasi na nagkakagulo na para bang may artistang nandito.
"Tara puntahan natin." Sabi nito kaya pumunta kami sa gawi kung saan andaming tao.
May lalaking naglalakad papunta sa gawi namin kaya nagtanong ako, "Ano pong meron?"
"Nagpapa picture sila nandito kasi yung sikat na artista." Sagot ng lalaki at magtatanong pa sana ako kung sino pero umalis na siya.
Dahil curious din ako ay lumapit kami doon, nagtutulakan ang mga tao at andaming body guards na pumipigil sa kanila. Napatigil ako nang makilala ko kung sino ang sikat na artista na tinutukoy ng lalaki kanina. Nagsalubong ang tingin naming dalawa at ramdam kong nagulat din siya nang makita ako.
Rio Lee.
_____________________________________________________________________________________________________________.
YOU ARE READING
His Pleasurer
RomanceI grew up in a poor family, at first we were happy but as time went by, the joy disappeared. Artista ang papa ko pero nang sumikat siya ay tinalikuran niya kaming sarili niyang pamilya, wala siya nong kailangan namin siya. May sakit ang kapatid kon...