Chapter 24

3.7K 86 1
                                    


Drix POV

Naikwento sa akin ni Sol na bati na raw sila ng papa niya at kita ko ang saya sa mga mata niya habang kinukwento iyon sa akin. Ilang araw na ang nakalipas at palagi akong tumatakas tuwing gabi para pumunta kay Sol at uuwi ng madaling araw.

Parang nakakahalata na ata ang manager ko pero palagi kong denideny. Napapansin ko rin ang pagbabago ni Sol, nagiging moody siya at paminsan minsan ay sinusungitan niya ako. May isang araw din na nagalit siya sakin dahil mabaho ang perfume ko, nagtataka nga ako dahil paboritong amoy niya to. Pansin ko rin na medyo tumataba si Sol pero kinalimutan ko narin yon agad.

Sobrang busy ng schedule ko ngayon dahil sa concert namin. Kahit saang bansa ang punta namin para mag perform at hindi na kami makakalabas ni Sol. Sabi niya sakit ay naiintindihan niya naman daw ako dahil para rin naman to sa future ko, this is my dream. Palagi ko parin siyang inauupdate kahit na nasa ibang bansa ako.

Ngayon ang huling performance namin dito sa China at babalik nanaman kami sa Pilipinas. Puro sigawan lang ang mga tao habang kumakanta at sumasayaw kami sa harap. Seeing and hearing their cheers makes me smile. Ang layo na ng inabot ko. Unti unti ko nang natutupad ang mga pangarap ko.

Matapos ang performance namin ay kinausap ako ng manager ko. Akala ko wala na akong problema pero nagkakamali ako.

"Drix. Tell me honestly, do you have a girlfriend?" Seryosong tanong ng manager ko kaya napakagat labi ako dahil sa kaba at dahan dahan na tumago.

Napasinghap siya at napahawak sa sintido habang seryosong nag-iisip, "Break up with her." Automatikong napatingin ako sakanya pero bakas ang pagkaseryoso niya.

He's kidding, right?

"You're just kidding, right?" Kinakabahan kong tanong. He look at me seriously to tell me that he wasn't.

"Drix, alam mo ang mundong kinabibilangan mo. You can't date anyone lalo pa't nagsisimula ka palang sa pagiging idol, kung hindi ka makikipaghiwalay sa kanya ay mawawala ang pangarap mo ng ganoon na lang." Pagpapaliwanag nito pero wala na akong maiintindihan sa mga sinasabi niya.

"I'm old enough to decide on my own. What's wrong with having a girlfriend while pursuing my dreams?" Pagpipigil ko sa mga luha ko habang tinatanong iyon sakanya.

Hinawakan niya ang balikat ko at seryosong tiningnan ako sa mata, "Mahirap. Isipin mo ngayon, napaka hectic ng schedule mo at wala kayong panahon para mag date. Palagi kayong nalalayo sa isa't isa at habang nasa malayo ka ay nasasaktan mo na siya pero hindi niya lang pinapaalam sayo. Once we go back to Philippines, break up with her already or you might lose your career. I'm serious." Pagtatapos niya at umalis na. Naiwan akong tulala sa dressing room at walang salita ang lumalabas sakin.

Iiwan ko si Sol? Ayoko. Hindi ko kaya.

Para akong tangang nakatingin sa malayo habang patuloy ang luha sa pag-agos dahil sa sinabi ng manager ko. Nasasaktan ko nga ba si Sol habang nasa malayo ako?

Hinayaan ko lang na tumulo ang luha ko at nang kusa na silang tumigil ay lumabas na ako sa dressing room at bumalik na agad sa hotel kung saan kami nag s-stay. Hindi ko kayang sumali sa celebration mamaya, nandito lang ako sa kwarto ko at nagkukulong. Nakatingin ako sa singsing na palagi kong sinusuot na binigay ni Sol. Do I really have to do this? Kaya ko bang iwan ka? It's between love and career. I love my career and I love my girlfriend, too. Anong pipiliin ko?

Habang nag-iisip ako ay may biglang pumasok sa kwarto. I saw Kai holding a plate with full of food. Nilagay niya iyon sa lamesa na malapit sa akin at umupo sa tabi ko. He looks at me, worried.

"Bakit wala ka doon? They're expecting you to come but you didn't show up. Is there something wrong?" The moment he asked me that question, I can't help my self to burst from crying. He was hugging me while I keep on crying on his shoulder.

"Anong pipiliin ko, kuya?" Sa aming lahat siya ang mas matanda. I call him kuya because I respect him a lot and he treats me like his own brother.

"What is it?"

"Pinapapili ako between career and love. If I choose her, I might lose my dreams but if I choose my career then I might lose her. I don't want to lose her but I don't want to lose my dream, too. What should I do?" Patuloy lang ako sa pag-iyak. He keep quiet and just let me cry on his shoulder.

After a moment of silence, he spoke, "Choose what do you think is the right thing to do. You need some time to think, it's hard to choose between the two but you really have to. My advice for you is if you choose to pursue your dreams then go for it, kahit anong pipiliin mo ay masasaktan kayo pareho. If she's really the one for you then the fate will do it job to cross your paths again and start everything. But, your decision is more important. Just tell me what I can do for you as your leader and your big brother."

After giving me some advice ay iniwan niya muna ako para makapag-isip isip daw muna. Wala akong gana kumain pero dahil dala ito ni Kai ay kinain ko na lamang ito, ayokong mapagalitan nanaman. He's like a father figure sa amin. Hanggang sa makatulog ako ay wala akong ibang inisip kung hindi ang mangyayari kapag nasa Pilipinas na kami. Bukas ang flight namin pabalik at ay kikitain ko si Sol.

I'm nervous to face her. I can't do it. I can't break up with her. Maaga kaming gumising dahil maaga ang flight namin. Habang kumakain kami ay wala akong gana, tahimik lang ako buong byahe at kahit na kinakausap ako ng mga kaibigan ko ay hindi ko magawang makisabay sakanila. Hindi ko kayang magsaya gayong alam kong kapalit nito ay sakit. 3 hours lang ang byahe namin at nang makabalik kami sa dorm ay dumiritso ako sa kompanya at pumasok sa dance studio.

Nilakas ko ang volume ng speaker at sumayaw. Sa pamamagitan ng sayaw ay nalalabas ko lahat ng sakit at problema ko. Nagiging habit ko narin to na sa tuwing may problema ako ay sasayaw lang ako at mababawasan ang nararamdaman ko. Hinahayaan ko lang ang katawan ko na sumayaw hanggang sa mawala lahat ng sakit pero this time ay hindi iyon gumagana. Mas lalo lang akong nahihirapan.

Sa bawat galaw ko ay nilalabas ko ang galit, sakit, at pighati ko. Sumasakit ang tuhod at balikat ko pero hindi ko ito ininda at patuloy lang sa pagsayaw. Natapos ang unang kanta kaya inulit ko nanaman ito at sumayaw nang sumayaw.

"AH! PUTANGINA!" Hindi ko na mapigilan ang mapasigaw dahil sa nararamdaman ko at humiga. I feel exhausted but my heart is crying right now.

Mahal ko siya pero bakit hindi ko siya kayang ipaglaban?

Sa tuwing may problema ako ay pakiramdam ko nag-iisa lang ako. I have friends but I feel like there's no one here to console me. Hindi ko na inisip yun at pinikit na muna ang mata para umidlip. Maybe a sleep can do? I'll go to Sol after this. I already texted Sol that I'll be going to her house later.

Sana kaya ko lang ihinto ang oras at makasama ka. Why can't I love you while pursuing my dreams? Why do I have to choose?

Kasalukuyan akong nag d-drive papunta sa bahay nina Sol ngayon. Habang nag d-drive ako ay mabigat ang pakiramdam ko at parang anytime sasabog ito. Nang nandito na ako sa harap ng bahay nila ay napabuntong hininga na lamang ako. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Sol. Agad niyang sinagot ang tawag at gusto kong maiyak nanaman dahil sa boses niya. Fuck. Her voice. There's something in her voice that makes me want to burst into tears.

"Love?" Pagsasalita niya dahil hindi ako nagsalita.

Peke akong umubo, "Uh, Sol babe? Can... C-can we talk here sa loob ng sasakyan ko? I'm here outside."

"Oh, sure. Sandali lang." Pinutol na niya ang linya kaya nilagay ko ang cellphone ko sa likod. Nakatingin lang ako sa bahay nila at hinihintay siyang lumabas.

Maya maya pa ay lumabas siya at suot niya ang sweater na binigay ko sakanya. Nangingilid ang luha ko habang papalapit ng papalapit siya sa sasakyan ko. Kumatok siya sa bintana bago buksan ang pinto at umupo sa passenger seat.

Ngumiti siya sa akin at hindi ko kayang ngumiti pabalik. Naiiyak ako.

Sol... I guess this is the end of us. I'm so sorry if I can't fight for the both of us. Mahal na mahal kita.

________________________________________________________________________________________________.

His PleasurerWhere stories live. Discover now