Chapter 13

3.5K 80 0
                                    

Napansin ata ni Drix ang naging reaksyon ko kaya bumalik na kami sa pwesto namin kung nasaan ang mga gamit namin. Ilang years na ang nakalipas nang huli ko siyang makita, pero bakit nasasaktan padin ako? Matagal na siyang wala sa buhay ko, sa buhay namin ni Luna pero bakit may parte sa akin na nangungulila ng pagmamahal ng isang ama.

Nagpaalam muna ako kay Drix na mag ccr muna ako. Habang nasa loob ako ng cr ay hindi ko maalis sa isipan ko ang lalaking nakita ko kanina. He's so successful now, hindi ko kayang maging proud sakanya dahil para umangat siya ay kailangan niyang talikuran ang sarili niyang pamilya. A tear fell from my eyes kaya pinunasan ko iyon agad, bakit ba ako umiiyak dahil sa taong yun.

Palabas na ako ng cr nang may mabangga ako, "Sorry p--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin pa dahil nagsalita ito.

"S-Sol,"

Naikuyom ko ang kamao dahil sa pagbanggit niya ng pangalan ko. Nagsimula nanamang mangilid ang luha ko kaya kinalma ko ang sarili.

"Excuse me po," magalang kong sabi dahil ayokong maging bastos.

Hinawakan niya ang kamay ko kaya pagalit ko itong inagaw sa kanya, "Wag mo 'kong hawakan!" Pinipilit ko na wag siyang pagtaasan ng boses dahil baka may makarinig sa amin.

"Anak ko, mag usap tayo pakiusap?" He pleaded.

Napasinghal ako dahil sa narinig. "Anak? Naririnig mo ba ang sarili mo? Wala kanang anak nong araw na kinalimutan mo kami para lang umangat ka kaya wag na wag mo akong matawag na anak!" Hindi ko na napigilan na mapaiyak sa sitwasyon ko, bakit ngayon pa?

" Please, let me explain, Sol. Alam kong nasaktan kita, kayo ng kapatid mo kaya nandito ako para humingi ng tawad sainyo. Maari ko ba kayong makausap ni Luna? Mag se-set ako ng sche--"

"Wag na. Hindi naman kami susupulpot ni Luna kaya wag kanang mag-abala pa. Matagal ka na naming kinalimutan, wala kaming kinikilalang ama kaya umalis kana."

"Sol, don't do this. Don't talk to me like that I'm still your father!"

"No you're not!" Sigaw ko, wala na akong pake kung may makarinig man sa amin ngayon, "Kahit kailan ay hindi ka naging ama. Nasaan ka nong namatay si Mama? Nasaan ka nong kailangan namin ng tulong? Nasaan ka nong nasa hospital si Luna para operahan? Nasaan ka nong kailangan ka namin ni Luna? Nasaan ka nong kailangan ko ng tatay? Diba wala dahil mas inuna mo pa yang career mo! Tinawagan kita pero hindi ka sumasagot, nagmakaawa ako sayo non na wag kaming iwan pero tinalikuran mo kami! Kaya wag na wag mong sasabihin na tatay ka namin dahil kahit kailan ay hindi mo pinadama sa amin yon!" Napahagulgol na ako habang sinasabi iyon, nakatitig lang siya sa akin at kita ko ang pagbabadya ng luha sa mga mata niya.

"I-Im sorry. I'm sorry, anak. Bigyan mo ako ng pagkakataon at babawi ako sainyo ng kapatid mo, just give me another chance. Itatama ko na lahat, pangako."

Sarkastiko akong tumawa, "Itatama mo lahat? Bakit ngayon pa? Kung kelan maayos na kami ni Luna bigla kang susulpot. Ayos na kami eh kaya pabayaan mo na lamang kami dahil jan ka naman magaling! So please just shut up and get lost. We don't need a father." Pagtatapos ko at iniwan siya doon.

Nakasalubong ko si Drix na nag-aalalang tumingin sa akin kaya ngumiti na lamang ako at hinila na siya palabas sa Park. Nawalan na ako ng gana dahil sa nangyari kaya sinabi ko kay Drix na uuwi na lang kami. Parang hindi ko kayang magsaya matapos ang naging usapan namin ng lalaking 'yon. Hindi ko siya kayang matawag na Papa ko dahil kahit kailan ay hindi niya pinadama sa akin 'yon.

Habang nasa sasakyan kami ay tahimik lang ako, si Drix lang ang nagsasalita at sa tuwing tinatanong niya ako ay puro tango lang ang sagot ko. Napansin niya naman kaagad yon kaya tumahimik na lamang siya at hinatid ako sa bahay. Hindi na siya pumasok pa at nagpaalam nadin nang nasa bahay na kami. Blangko ang isip ko at walang ekspresyon na pumasok sa loob.

"Ate! Kamusta date mo? Enjoy ba?" Tanong agad ni Luna pagkapasok ko pero hindi ko siya nagawang sagutin at dumiritso sa kwarto ko.

Naramdaman kong sumunod siya sa akin at umupo sa kama ko. "Ate, anong nangyari? You don't look good, is something wrong?" Nag-aalalang tanong niya.

"I met him." Sabi ko.

Naguguluhan siyang tumingin sa akin, "Ha? You met who?"

"Rio Lee."

Agad nakuha ni Luna ang ibig kong sabihin, hinawakan niya ang kamay ko na hindi ko namalayan na kanina pa pala nakakuyom. Unti unti kong nararamdaman ang pagyakap sa akin ni Luna kaya hindi ko na napigilan ang maluha ulit.

Bumabalik sa akin ang mga alaalang matagal ko nang kinalimutan. Mga alaala kung saan kumpleto pa kami, masaya pa kami. Mga panahon na tinatawag ko pa siyang Papa, mga panahon na siya ang palagi kong karamay. Sa aming dalawa ni Luna ay ako ang napakalapit sa Papa namin pero nagbago yun nong tinalikuran niya kami. Nong una ay suportado kami para sa kanya sa pag-aartista niya pero nang patagal ng patagal ay bigla siyang nagbago, tuluyan niyang nalimot na may pamilya siya. Palagi na siyang wala at kung kailangan namin siya ay palagi niyang sinasabi na hindi siya makakapunta dahil may fanmeeting siya.

Hanggang sa sumikat siya ay nawalan na kami ng koneksyon sa kanya, pinipilit ko siyang intindihin non dahil alam kong matagal na niyang pangarap ang pag-aartista pero nang mapanood ko ang isang interview niya ay nagbago ang pananaw ko sakanya.

"Rio Lee. Wow sobrang sikat mo na ah! We are happy to invite you here for this interview, can you tell us what you're feeling right now?" Sabi ng interviewer kay Papa.

Tumawa naman si Papa bago sumagot sa interviewer, "Well, To tell you honestly, I'm really nervous but I'm more excited to be part of this interview."

"How did you feel when you reached this point? I heard that you've been dreaming of becoming an artist for a long time and look at you now, you're an international artist, wow!"

"Hahahaha! I wouldn't have come this far without your help and the people who support me, so I want to thank all the people who continue to support me. Maraming salamat sainyo!"

Nagtatanong ang interviewer sa kanya tungkol sa buhay ni Papa at nasagot niya naman ito habang hindi nawawala ang ngiti sa mukha niya. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko habang pinapanood ang papa ko sa tv, isang sikat na aktor na ngayon. Pero nawala ang ngiti ko dahil sa naging sagot niya sa isang tanong ng interviewer.

"Mr. Rio Lee, do you have perhaps a special someone to mention? Like family or girlfriend?"

Nakangiti akong hinihintay ang sagot ni Papa dahil alam kong babanggitin niya kaming pamilya niya pero nagkamali ako.

"Haha no. I don't have special someone right now nor family, I want to prioritize being an artist before thinking about having a family." Nakangiti niyang sinasabi iyon.

Pa..

Nagising ako dahil sa mahinang tumatapik sa akin, napamulat ako nang makita ko si Luna at hindi siya nag-iisa! Nandito rin si Drix. Napatingin ako sa labas at napagtanto kong gabi na pala, nakatulog pala ako.

"Hinayaan muna kitang natulog kasi parang pagod na pagod ka kakaiyak eh." Sabi ni Luna.

"Tinawagan ako ni Luna kanina, nag-aalala rin ako eh kaya pumunta na ako dito. Kamusta ka?"

"Thank you."

____________________________________________________________________________________.

His PleasurerWhere stories live. Discover now