Chapter 21

3.9K 91 0
                                    


Sol POV

Nagising ako dahil nasisilawan ako sa araw. Kinapa ko ang katabi ko pero wala akong maramdaman kaya minulat ko ang mata at wala si Drix sa tabi ko. Tinignan ko ang sarili ko at nakasuot na ako ng tshirt.

Umalis na ba siya?

Tumayo ako pero agad na natumba dahil sa sakit na nararamdaman ko sa bandang ibaba ko. Fuck. Hindi lang isang beses pero naka apat na beses kami kagabi. I didn't expect myself to be that naughty last night. What the hell was that.

My wild side? What the fuck Sol?! Saan mo yon natutunan?

Pinilit kong maglakad kahit na paika ika ako. Pumasok ako sa banyo para maghilamos at maligo para mawala ang sakit sa ibaba ko. Hinayaan kong mabasa ang katawan ko ng malamig na tubig, inaantok pa ako.

Pagbalik ko sa kama ko ay may napansin akong sticky note na nakadikit sa lamesa ko, katabi ng alarm clock ko.

'Good morning, babe. Nagluluto ako ng breakfast, come here when you wake up. I love you.'

I smiled because of the note. Akala ko umalis na siya. Lumabas ako ng kwarto at dumiritso sa kusina, nakita ko si Drix na busy na nagluluto kaya hindi niya napansin na nandito ako. Palihim akong naglakad papunta sa puwesto niya at niyakap siya sa bewang, nagulat pa siya ng bahagya at hinayaan na lamang ako.

"Hmm... My baby is being clingy, good morning mahal ko." Sabi niya kaya mas tinago ko ang mukha ko sa likod niya.

Ang bango.

Ng ulam.

"I love you." Sabi ko kaya hinarap niya ako at hinalikan ang noo ko.

"Mas mahal kita."

Umupo na ako dito at hinihintay na matapos si Drix sa niluluto. Hindi ko napapansin si Luna siguro pumasok na yon. May narinig akong nag doorbell kaya pinuntahan ko na muna iyon para buksan.

I was surprised to see Ethan. May dala siyang pagkain at bulaklak. Tinignan ko siya at nakangiti siya sa akin.

"Good morning, Sol. Breakfast?" Pinakita niya ang dala niya pero tinignan ko lamang iyon.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"I brought you breakfast and flowers, this is your favorite flower. Tulips." Iaabot na niya sana sakin ang bulaklak nang mapatigil siya dahil sa boses na tumawag sa akin.

"Sol, baby. Breakfast is already ready," it was Drix. I look at Ethan and he was clenching his jaw. He... He looks jealous.

Hindi ako nagulat nang nasa tabi ko na si Drix at hinawakan ang bewang ko bago hinarap si Ethan na masama na ang tingin kay Drix. Nakatingin siya sa kamay ni Drix na nasa bewang ko, kita ko ang pagkuyom ng kamao niya at ang paghigpit niya ng hawak sa bulaklak.

"Who are you?" Drix asked Ethan. I can feel the tension between them but I just let them.

"I'm Ethan. Sol's best friend, and you are?" Balik na tanong nito kay Drix.

Drix smirked at mas nilapit pa ang katawan ko sa katawa niya, "I'm Drix Taylor. Sol's boyfriend."

Hindi ko madescribe ang mukha ni Ethan. Jealousy is visible in his eyes. Now that he meets Drix, will he finally stop making things uncomfortable between us? Walang pasabi na umalis si Ethan at pumasok sa kotse niya. Isinara ko na rin ang pinto at inakay na si Drix para kumain.

We were just quiet while eating. Hindi ako sanay na tahimik siya kaya ako na ang naunang magsalita.

"D-Drix, yung kani---" hindi ko natapos ang sasabihin ng pinutol niya iyon.

His PleasurerWhere stories live. Discover now