Chapter 28

5.2K 95 1
                                    


Ang bilis ng araw at nandito na kami sa airport papuntang Canada. 7 days nalang ay pasko na. Maaga ang flight namin dahil mahaba haba ang byahe. May sariling private jet si papa kaya ito ang ginamit namin para mabilis ang pagdating namin sa Canada. Maliban sa aming tatlo ay kasama rin namin ang manager ni papa, nagiging malapit nadin kaming dalawa ni Luna sa manager ni papa dahil mabait ito sa amin.

Magkatabi kami ni Luna at si papa ay nasa unahan namin. Walang salitang namutawi sa loob ng private jet dahil natutulog siguro ang iba, kami lang dalawa ni Luna ang gising. Kumukuha siya ng litrato at paminsan minsan ay sinasali ako.

"Baka makita ni Drix at malaman niyang nandito tayo si Canada," namomroblema kong sabi sakanya.

"Naka hide siya sa mga posts ko dito sa social medias pati narin ang secret account niya. Naka unfollow nadin siya sakin kaya hindi niya makikita ang mga post ko." Iyon lang ang sinabi ni Luna at nagpatuloy na sa pagkuha ng litrato.

Buong byahe akong nakahawak sa tyan ko na may kalakihan nadin. Sa Canada ako manganganak at dito ko naisipan na palakihin ang mga anak ko. I can't wait to see them. Sabik na akong makita ang mga anak namin ni Drix, excited akong makita ang mga mukha nila dahil alam kong magiging kamukha nila ang daddy nila. Sana nandito ka Drix. Kailangan din kita.

Hindi ako inaantok dahil kanina pa ako natutulog. Kinuha ko na lamang ang cellphone ko at binuksan ang fan account na ginawa ko para kay Drix. Tanging siya lang ang finallow ko sa account nayon. May panibago siyang post, kakapost niya lang ito 2 minutes ago. Agad agad kong pinundot ang heart at nagcomment.

Drix_ultimatefan: I LOVE YOU SO MUCH DRIX!

Maraming comment at likes ang posts niya. Umabot agad ng millions, ang layo mo na. Ang hirap mo ng abutin.

Agad akong napatakip sa bibig ko ng replyan niya ang comment ko. Napatingin sa akin si Luna kaya peke akong umubo at nagpatuloy na lamang siya sa ginagawa.

Taylor.Drix replied to you comment

Taylor.Drix: Hi, thank you very much for your undying support. I always see your comments sa mga posts ko. Thank you so much kung sino ka man. I love you.

Nakangiti ako habang binabasa iyon. Madaming replies ang comment ko sa post niya galing sa mga fans niya pero hindi ko na iyon pinagtuonan ng pansin. Masaya akong napapansin niya ako sa social media pero nasasaktan din ako dahil kilala niya lamang ako bilang fan niya.

Kung kilala mo ba kung sino ang owner na account nayan ay magagawa mo parin kayang mag sabi ng I love you?

Iyan lamang ang palagi kong ginagawa. Sa tuwing namimiss ko siya ay inistalk ko lang ang account niya at paminsan minsan ay nagmemessage kahit alam kong hindi niya iyon mababasa. Simula rin nong naghiwalay kaming dalawa ang nagsusulat na ako ng letters para sakanya, mababasa mo kaya itong mga sinulat ko para sayo? Sinusulat ko ang nangyayari sa akin at ang nararamdaman ko.

Bakit mo pa ako pinasaya kung iiwan mo rin naman ako sa dulo?

Bakit mo pa ako minahal kung sasaktan mo rin naman ako?

Bakit hindi mo magawang ipaglaban ako kung totoong mahal mo nga ako?

Bakit ang dali mong bumitaw sa mga pangako mo sa akin na sabay nating aabutin ang mga pangarap natin?

Andami kong 'bakit' na gustong itanong sayo. Kaysakit isipin na hindi ka manlang lumaban para sa ating dalawa at pinili mong talikuran ako kesa sa gumawa ng paraan para manatili sa tabi ko. Ang dali para sayo ang bumitaw matapos mo kong sanayin na mananatili ka sa tabi ko hanggang dulo.

Hindi ko na ulit pang mapigilan ang sarili na maluha kaya ipinikit ko na lamang ang mga mata para pigilan ito sa pagtulo. Sa tuwing iniisip kita ay palagi na lamang akong nasasaktan at umiiyak. Noon ay sa tuwing iniisip kita ay sumasaya ako pero ngayon nasasaktan na ako.

Ang sakit ng pinaranas mo sa akin. Sa bawat minuto ay ikaw ang ang hanap ko, palagi kitang hinahanap kahit malabo nang mayakap at mahagkan kang muli. Bakit hindi natin kayang magsaya ng hindi nasasaktan? Bakit sa tuwing nagmamahal ka ay palaging may hadlang? Ang layo mo na at hindi na kita kayang abutin.

Kung noon ay mahal mo ako bilang girlfriend mo, ngayon ay mahal mo na lamang ako bilang isa sa mga taga suporta mo.

Gusto kitang ipaglaban pero ikaw na ang unang sumuko. Magkakaroon tayo ng anak at hindi ko man lang nasabi sayo dahil pinutol mo na ang ugnayan nating dalawa. Habang ako'y tumitingin sa mga litrato mo ay napapaisip ako na kung minsan ba ay naiisip mo rin ako?

Kung noon ay ikaw ang pahinga ko, ngayon ay pinapagod mo na ako. Napapagod na akong umiyak na ikaw ang dahilan, napapagod na akong masaktan, napapagod na akong umasa sa mga bagay na malabong mabalik sa dati. Handa kitang hintayin kahit gaano pa katagal makapiling ka lang muli.

Ikaw na ang una at huli ko. Hindi ko na kayang magmahal pa ng bago, tanging ikaw at ang magiging anak lang natin ang mamahalin ko. Simula ngayon ay hindi na kita iisipin at simulan ko ng mahalin ang sarili ko bago ang iba.

Masyado kitang minahal at nakalimutan kong tirhan ang sarili ko.

"This is your room. This is the biggest room here in our house because this will also be the temporary room of my grandchildren." Masayang sabi ni Papa kaya napangiti ako at nilibot ang tingin sa buong kwarto. Mas malaki pato sa kwarto ko sa bahay namin ni Luna.

Nagpaalam na si papa para mag-ayos ng mga gamit niya sa baba. Nilagay ko ang mga maleta ko sa tabi at unang una kong pinuntahan dito sa kwarto ay ang dalawang baby crib. Bumili na pala si papa nito. Hindi ko mapigilan ang maluha dahil sa saya ng nararamdaman ko ngayon.

Come out soon, babies.

Malaki ang kwarto ko. Malaki ang kama, may sariling banyo, may sofa, at mga book shelves. Mahilig din ako sa libro. May isang pinto dito sa kwarto ko kaya binuksan ko ito at namangha sa nakita sa loob. This is my wardrobe. May mga damit  na akon na alam kong pinabili ni papa, naka hanger ang mga pants, dresses, tops, shirts, at sa ibaba naman ay ibat ibang sapatos at heels. Sa gilid naman ay mga bags at may maliit na salamin dito na puno ng mga accessories. This is what everyone is dreaming. Nakikita ko lang to sa tv pero hindi ko inaasahan na mararanasan ko rin pala ito.

Nilagay ko na rin sa mga hanger ang mga damit na nasa maleta ko. Nag ayos ako ng mga gamit at gabi na ng matapos. Dahil sa pagod ko ay nakatulog pala ako dito sa sofa at nagising na lamang nang may nararamdaman akong tapik sa pisngi ko at bumungad sa akin si Luna.

"Kakain na raw tayo." Sabi nito at lumabas na ng kwarto. Tumayo narin ako para sumunod.

Pagbaba ko sa hagdan ay nandoon na sila sa kusina at hinihintay na lamang ako. Ngumiti sila sa akin kaya ningitian ko rin sila pabalik. Habang kumakain kami ay palaging nagtatanong si Papa kung ano daw ang gusto namin gawin bukas, napagpasyahan naming tatlo na pumunta sa Mall para mamili ng mga regalo at decorations sa bahay para sa pasko.

"Sol, anak, may check up ka diba bukas?" Tumango ako bilang sagot.

"Sige, sa hospital muna tayo bago tayo pumunta sa mall ayos lang ba sainyo yon?"

"Yes naman pa, ayos na ayos. Bili na rin tayo ng mga gamit para sa kambal, excited na akong maging tita."

________________________________________________________________________________________________.

His PleasurerWhere stories live. Discover now