Chapter 17

3.6K 70 1
                                    


30 minutes nalang at magsisimula na ang birthday party ni Luna. Nandito na ang mga kapit bahay na inimbitahan namin kanina. Hindi naman masyadong bongga talaga ang celebration, tamang tama lang para sumaya si Luna.

I'll do anything to make my sister happy.

Naglagay din kami ng mga lamesa sa labas para doon kakain ang iba dahil sigurado akong hindi kakasya ang lahat kung dito kami sa loob. Pinangunahan nila Jorjia at Aria ang party kaya hindi naman boring. Naghahanda ako ng mga pagkain sa mahabang lamesa, tinulungan din naman ako nina Julia at Pia. Si Lou at Margie naman ang incharge sa videoke, si Sophia at Sarah naman ang taga serve ng mga pagkain sa mga bisita habang sina Ethan at Denison at nag didistribute ng mga maiinom.

Sina Shane at Sheila ang sumasalubong sa mga bisita. Si Luna naman ay nakikipag kwentuhan sa mga bisita. Pansin ko ang saya ni Luna kaya kampante na ako, her smiles is more than enough.

"Hello, mic test mic test. Ehem ehem," boses ni Lou yon at magsisimula na ang celebration.

"Hi, good evening sainyong tanan! Hindi muna tayo mag bisaya ngayon dahil may mga bisita tayong nakakaintindi ng bisaya." Panimula ni Margie, "Hindi natin nagawa to nong 18 birthday mo kaya ngayon nalang natin gaganapin to! First of all, Happy birthday to Luna!" Nagpalakpakan naman ang lahat kaya pumalakpak din ako.

Nakangiti ako habang nanonood sa kanila, nasa tabi ko na si Luna ngayon na nakaupo habang pinapanood ang dalawang kaibigan na naging emcee. Hindi nawawala ang ngiti sa mukha ni Luna kaya mas lalo lamang akong napangiti.

"Bb girl isipin mo nalang na 18 birthday mo to ha, wag mo isipin na gurang kana kahit totoo naman!" Pagbibiro pa ni Margie kaya napasimangot naman ang kapatid ko, "Sana mag enjoy ka ngayon sa birthday mo kasama kaming mga kaibigan mo. Kay tagal din nating hindi nagkita at nagsama sama kaya thank you dahil sa pasya mo na dito i celebrate ang birthday mo kasama kami. Ayoko sana mag drama ngayon dahil nagugutom na ako, kanina pako natatakam sa lechon girl!" Hindi ata mawawala kay Margie ang hindi makapag biro.

Luna's lucky to have a friend like them.

"Uy Luna alam mo kanina pa to nagrereklamo sina Margie at Julia na nagugutom na daw sila sa lechon pero bago tayo kumain halika muna dito sa harap at magbigay ka ng speech mo!" Si Lou naman ngayon ang nagsasalita.

"Hoy bakit nadamay nanaman ako jan?! I can wait sa lechon no!" Sigaw ni Julia kaya nagtatawanan naman kaming lahat.

Tumayo si Luna at pumunta sa harap para kunin ang microphone kay Lou. "Uhm, hi?" Awkward niyang sabi at napakamot pa sa batok niya, nahihiya.

"Hindi ko alam kung anong sasabihin ko talaga pero I want to say thank you for coming to my birthday especially to my ate na pinayagan akong icelebrate ang birthday ko dito sa Davao.." tumingin siya sa akin at ngumiti, "I want to say thank you to my friends as well because they organized this simple party. Hindi ko na papahabain to dahil kanina pa daw nagugutom sina Margie at Julia eh, nakakahiya naman," napatawa kaming lahat.

"Uy bakit ako nanaman?!" Boses iyon ni Julia kaya napatawa din si Luna.

"Joke lang! So, may I call Sophia to lead the prayer please?" May halong pang-aasar ang boses niya kaya napatingin ako kay Sophia na nasa kabilang table lang na nakasimangot.

"Hoy gago ba't ako?" Pagmamaktol pa nito pero wala namang nagawa kaya pumunta narin sa harap para magdasal.

Tila nag iisip pa siya bago magsalita, "Uhm, hi Lord? We thank you for another year and all of the blessings that come with it. Amen."

"Wala nabang mas iikli pa jan Soph?" Komento ni Deni.

"Nag hi pa kay Lord, close kayo?" Sinabayan pa ni Jorjia.

His PleasurerWhere stories live. Discover now