Chapter 35

6.1K 104 0
                                    


Naging trauma sa akin ang nangyari. Umuwi si Papa dito sa Pilipinas nong nabalitaan niya ang ginawa sa akin ni Ethan. Nagsumbong si France kay Luna at maging sa daddy niya, Drix filed a case for Ethan but we found out that he's been using illegal drugs.

Palagi akong tahimik at iiyak na lamang sa sulok sa tuwing naaalala ko ang nangyari. Palaging nanginginig ang mga tuhod ko at dinala na ako nila sa psychiatrist para ipatingin. 3 weeks had passed after that incident, the doctor said I'm experiencing trauma because of what happened. Sa tuwing gabi ay nagigising nalang ako dahil napapaniginipan ko si Ethan at sinasaktan ako.

I was harassed by my own Bestfriend.

I was betrayed by someone I trusted.

And I feel like I've lost myself.

"Shh, don't move." Boses iyon ni Ethan. Hindi ko alam kung saan iyon nanggagaling pero hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko.

Palingon lingon ako sa paligid pero wala akong makita na kahit na sino. Madilim ang buong paligid pero may mga boses akong naririnig, boses ni Ethan.

"Sol, marry me!" Nanginginig ang paa ko at kinakabahan nanaman ako.

Ganitong ganito ang nararamdaman ko nong araw na sinaktan niya ako. Bumalik ba siya? Bumalik ba siya para saktan ako ulit? Paano ang mga anak ko?

Tulong!

Sinusubukan kong sumigaw at humingi ng tulong pero walang kahit na ano ang lumalabas sa lalamunan mo. What the fuck is happening?!

"Sol!"

Umiiling iling ako habang sinasabunutan ang sariling buhok. I keep on hearing voices calling my name and it's making me insane! Nababaliw na ba ako?!

May narinig akong footsteps na papalapit sa akin pero hindi ko man lang magawang tumakbo. Bakit hindi ko magalaw ang katawan ko?

Nasaan ako? Bakit ako nandito?

Unti unting luminaw sa akin ang mukha ni Ethan na nasa harapan ko. Ibang iba siya sa kaibigan ko, hindi ko na makilala si Ethan! Nanginginig ako habang papalapit siya sa akin. Why the hell I can't move my feet!

Kailangan kong umalis sa lugar na to. Hindi dapat makuha ni Ethan ang binabalak niyang gawin sa akin. Ang mga anak ko. Si Drix. Mag isip ka Sol kung paano ka makakatakas kay Ethan. Nahugot ko ang hininga nang nasa harapan ko na si Ethan na malaki ang ngisi sa mukha, my tears keeps on falling while he's holding my cheeks.

No. Panaginip lang to.

Patuloy sa pag-agos ang mga luha ko habang papalapit nang papalapit sa akin ang mukha niya. Naipikit ko ang mga mata dahil sa kaba at panginginig, naikuyom ko ang mga kamao ko at kumuha ng lakas para labanan ito.

"Tulong!" Malakas na sigaw ko at napabangon. Humahangos hangos ako at pinagpapawisan. Nagising si Drix na nasa tabi ko na nakahiga at nag-aalalang niyakap ako. Umiiyak lang ako habang nakayakap siya sa akin.

"Shushhh, it's just a dream. It won't happen again, okay? I'm here. I won't let that bastard hurt you again." Bulong niya sa akin habang hinahalikan ang buhok ko.

Hinigpitan ko ang yakap sakaniya at patuloy na umiiyak dahil sa takot. Simula nong araw na iyon ay palagi na akong nanaginip at nagigising na puro pawis at umiiyak. Dito rin namamalagi si Drix sa bahay at hindi niya ako iniwan. Ang mga bata ay doon sa kwarto ni Luna natutulog. Nakakulong si Ethan ngayon sa Mental Hospital because he has Erotomania.

(Erotomania is an uncommon form of delusional disorder in which an individual has an unfounded belief that another is in love with him. )

May mga pulis na nagbabantay sa kwarto niya kaya hindi siya basta basta makakatakas doon. Kahit kailan ay hindi ko inisip na aabot kami sa ganito, na kamumuhian ko ang sarili kong kaibigan. Ang sakit para sa akin dahil nawalan ako ng kaibigan na sobrang malapit sa akin. Hindi na ako nakatulog pa dahil natatakot ako na baka mapanaginipan ko nanaman iyon. Napuno ng takot ang puso ko simula nong araw na'yon.

His PleasurerWhere stories live. Discover now