Chapter 3

5.7K 122 7
                                    

Sol POV

Nagising ako dahil may naramdaman akong mabigat sa tiyan ko, kinusot ko pa ang mata at lumingon sa gilid ko at gano'n nalang ang gulat ko nang nasa balikat ko ang mukha ni Drix na mahimbing na natutulog, tumingin ako sa may tiyan ko at nandoon ang kamay niyang naka yakap sakin. My heart was beating so fast.

Tatanggalin ko sana ang kamay niya pero mas niyakap niya pa ako ng mahigpit kaya  mas napalapit ako sakaniya at naramdaman ko ang labi niya sa labi ko dahil naka harap ako sakaniya! Oh my god.

Umiwas ako ng tingin at tumingin sa kisame, kinakabahan sa posisyon namin ngayon. Ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko, gusto kong kumawala pero baka magising siya. Dahan dahan akong umurong ng kaunti at bumaling sakaniya para titigan ang napaka-among mukha niya.

Bakit ang gwapo mo parin habang tulog ka? Napangiti naman ako, hindi ako makapaniwala na paggising ko ay ang mukha niyang napaka-amo ang makikita ko. Ang swerte siguro ng mapapangasawa niya sa future.

"Stop staring, baka matunaw ako," natulak ko siya sa gulat nang bigla siyang magsalita, nahulog pa ako sa kama.

Tumawa siya at umayos ng upo, gano'n narin ako at umupo sa kama pabalik, "Picturan mo nalang ako," pang-aasar niya kaya tinignan ko siya ng masama.

"Kanina kapa ba gising?" Tanong ko.

Nakakahiya naman.

Nakangiti naman siyang tumango, "Admiring the view, huh? " Ngumisi siya, "Nagpapanggap lang akong tulog, pinanood kitang matulog kanina, ang ganda mo, "

Namula naman ako kaya umiwas ako ng tingin at rinig ko pa ang mahina niyang tawa, " Ang cute mo talaga, " ginulo niya ang buhok ko at tumayo.

Pumunta siya sa kusina at nagsalin ng tubig, sumunod naman ako sakaniya at umupo sa upuan. Inabotan niya ako ng tubig kaya ngumiti naman ako at tinanggap 'yon, " Thank you. "

Umupo siya sa harap ko at tumitig ulit sa'kin, nailang naman ako sa paraan ng pagtitig niya kaya nilapag ko ang baso sa lamesa at tumingin sakaniya, "Bakit?"

"Buntis ka ba? Bilhan kita PT?" Nanlaki ang mata ko dahil sa tanong niya.

Ako? Buntis? Wala namang nangyari sa'min a'.

"Huh?" Naguguluhan kong tanong.

He bit his lower lip and looked at me, nervous, "Sabi kasi ni Aiden kapag nagtabi ang babae at lalaki, nabubuntis daw ang babae kaya tinatanong ko kong buntis ka ba? Hehe," Napakamot siya sa batok at nahihiyang tumingin sa'kin.

Matagal akong napatitig sakaniya bago tumawa, napa hawak pa ako sa tiyan ko kakatawa, grabe! Kung anong tinuturo ni Aiden kay Drix, parang bata naman 'to na nauto.

"B-bakit?" Takang tanong niya.

Natatawa akong umiling at uminom muna ng tubig, "Hindi gano'n 'yon, hindi naman tayo nag intercourse kaya walang mabubuntis. At kung may mangyari man sa'tin, iinom naman ako ng pills dahil nasa kontrata 'yon,"

His lips parted before nodding, " Aish, Aiden lagot ka sakin mamaya, " mahinang bulong niya pero rinig ko parin naman kaya natawa ulit ako.

"Magluluto na muna ako ng breakfast natin, mauna ka nang maligo..." Ngumiti siya, " Tinuruan ako ni David magluto, hehe, "

'Yon nga ang ginawa namin, siya ang nagluto at ako ang naliligo. Sa cr na ako magbibihis, nagdala naman ako ng damit kahapon dahil nasa rules din yon na tuwing weekend ay magdala ng extra clothes, trousers ang sa pang-ibaba ko at yellow t-shirt naman ang sa top. Paglabas ko ng cr ay nakahanda na ang pagkaing niluto niya kaya nakangiti naman akong lumapit at umupo.

His PleasurerWhere stories live. Discover now