"Mommy, let's buy daddy a gift! We will be meeting him tomorrow, I'm so excited to meet my daddy!" Magiliw na sabi ni Francine habang kumakain kami.Nandito na kami sa Pilipinas kahapon pa at ang bahay namin ni Luna noon ay syang tinutuluyan namin ngayon. Naglinis kami ni Luna kahapon ng bahay dahil madaming alikabok, baka magkasakit pa ang mga bata. Ngumiti at tumango lang ako sa sinabi ng anak ko.
Kay tagal ko nang hindi nakabalik dito sa bahay namin, sa bawat sulok ay mayroong ala-ala naming dalawa ni Drix. Habang nililibot ko ang tingin sa loob ng bahay ay naaalala ko ang mga panahon na masaya pa kaming dalawa. Mga panahon na puro lang tayo tawanan. Matapos naming kumain ay naligo na ang mga bata dahil pupunta kami ngayon sa Mall para mamili ng mga gamit, bibili rin daw sila ng gift para sa daddy nila.
Nang matapos kami ay nagpaalam na kaming tatlo kay Luna dahil hindi raw siya sasama. Pupunta siya ngayon sa mga kaibigan niya dahil limang taon din silang hindi nagkita kita. Wala akong kotse dito kaya nag taxi lang kami ng mga bata, kung ako lang siguro mag-isa ay baka nag jeep na ako. Masikip at mausok sa jeep kaya hindi ko pinapasakay ang mga anak ko, baka magkasakit sila. Habang nasa byahe ay nagkukulitan ang dalawa at nagpaplano na kung ano daw ang gagawin nila kung makita na nila ang daddy nila.
Masaya ako para sakanila pero natatakot ako. Hindi na ata mawala wala ang kaba at takot sa puso ko.
Inabot ko ang bayad sa driver at bumaba na kami sa sasakyan. Hawak ko sa kaliwang kamay si Francine at sa kanan naman ay si France. Nang nasa loob na kami ng mall ay excited na excited ang dalawang bata at hinila pa ako papunta sa nagbebenta ng mga headbands. Napangiti na lamang ako dahil sa mga ala-alang bumalik sa isipan ko. Dito rin kami bumili ng matching headbands noon ni Drix.
"Mommy! Let's buy daddy a headband!" Sabi ng dalawang bata at humiwalay sa akin para mamili ng mga clips at headband.
Tumitingin tingin din ako dahil bibilhan ko ang mga anak ko. Napalingod ako sa gilid ko nang humawak sa France sa akin.
"Yes baby? What is it?" Tanong ko at lumuhod para magpantay kaming dalawa.
"Naiihi ako, mommy." Sabi niya at nakahawak sa pantalon na nagpipigil. Tinawag ko si Francine na busy padin sa pagpili ng headband.
"Francine, baby. Pupunta lang kami ng kuya mo sa bathroom, ha? Stay here, don't go anywhere. Babalik kami agad." Bilin ko sa anak ko at tumango naman ito.
Hinawakan ko sa kamay si France at lumabas sa shop naiyon at tumungo sa bathroom. Patakbo ang ginawa naming dalawa dahil kanina pa pala siya nagpipigil ng ihi.
Third Person POV
Nandito ako sa Mall ngayon para magpahangin. Bukas ang concert namin at kinakabahan ako, sa tuwing may concert kami ay kinakabahan talaga ako dahil baka magkamali ako sa harap ng stage. Bumili ako ng perfume dahil paubos na ang akin.
Papalabas na sana ako ng Mall nang may batang babae na bumangga sa akin. Napaupo siya kaya inalalayan ko siya patayo, medyo nagulat pa ako sakaniya dahil parang may kamukha siya. Hindi ko masabi kung sino pero may kamukha talaga siya.
"I'm so sorry, mister." Paghingi niya ng tawad matapos tumayo. Nakaluhod ako ngayon habang nakatingin sakaniya. May suot suot akong sombrero at mask dahil baka may makakilala sa akin.
"Are you lost? Where's your mom?" Tanong ko sa bata. Kanina pa kasi siya lingon ng lingon sa palagid at halatang may hinahanap. Tumango siya sa akin at halata ang kaba sa mukha niya.
"I left the store because I saw someone holding a teddy bear. I don't know where my kuya and mommy po, but, who are you mister?" Tanong nito sa akin kaya mahina akong natawa. Ang cute niya.
YOU ARE READING
His Pleasurer
RomanceI grew up in a poor family, at first we were happy but as time went by, the joy disappeared. Artista ang papa ko pero nang sumikat siya ay tinalikuran niya kaming sarili niyang pamilya, wala siya nong kailangan namin siya. May sakit ang kapatid kon...